~05~

93 15 4
                                    

~05~
Birthday Surprise

[Marj's POV]

July 3 20xx
6:45 a.m

Nag-impake na kami para pumunta ng baguio. Birthday na kasi ngayon ni menchi. I-susurprise namin siya kaya napaaga ang gising namin.

"Okay mga beshy!" Sigaw ni jessica. "Wala ng nakalimutan ah, di tayo pwedeng bumalik sa apartment natin kapag na sa kotse na tayo" *insert a wink and a smile*

After namin ayusin ang gamit namin, personal hygiene naman.
Lumabas na kami ng 7:30 a.m

Nilagay na namin yung mga bags namin sa likod ng kotse ko.

Then, were ready to go!

After five hours, nakarating na kami ng baguio. Pumunta kami sa village namin. Mansin ang tintirahan namin dito sa baguio. Classic lang ang style nito. At may glass siya sa 2nd floor.Nag mamay-ari kasi kami restaurant and a casino. Laging busy sila mom and dad.Pero my mom and dad skip work para icelebrate ang birthday ni menchi.

Nasa mall ngayon si menchi kasama ang mga friends niya. Pinapunta muna nila mom si menchi doon para makapag prepare ng birthday surprise para sakanya.

Nag luto kami ni manang ng spaghetti,maja at pancit. Nag order din kami ng limang boxes ng pizza.
Ang gusto kase lagi ni menchi kapag naghahanda sa birthday niya ay simple, tska homemade yung mga pagkain.

Sila tanya at jessica ang nag ayos ng lamesa and they added some designs and banner na nakalagay na "happy birthday menchie!" Magaling sa arts si tanya at jessica. Sakanila ako nanghihingi ng advice tungkol sa arts.

After one and a half hour, nagtext na na daw si menchi para umuwi. Kasama daw niya mga friends niya. Niready na namin yung mga balloons and cake.

Ako ang may hawak ng cake at sila mom,dad,tanya,jessica and manang may hawak na balloons. Nakarinig kami ng ingay galing sa labas ng bahay namin. Si menchi yun at mga kaibigan niya. pinatay na namin yung mga ilaw.

Then, the door went open.
"Mom? Dad? Manang?" Nagtaka si menchie kung bakit walang tao.

Pagkabukas niya ng ilaw...
"Surprise!" Sigaw namin lahat

Nagulat si menchi. Lumapit ako sa kanya at tinapat sakanya yung cake. "Happy birthday bunso!" *insert a smile.* naging emosyonal si menchi ngayon. Natuwa siya sa surprise na ginawa namin para sakanya. At natuwa siya dahil nandito ako ngayon para sa birthday niya. "Ate naman eh! Haha ha I know di ako iyakin. Thank you very much ate! I love you!" Niyakap ako ni menchie. I have the most sweet and caring bunso.

"Okay, bunso, close your eyes and make a wish." First, he smiled at me. Then he close his eyes then he blows the candles. And we shout, "happy birthday!" Pinapasok na ni menchi ang mga kaibigan niya. At laking gulat ng mata ko nung nakita ko yung isa sa kasama ni menchi, si john dale mendoza! ugh! Bakit pa niya nakilala yan! Ahhh!!

"You?!" Napatingin siya sakin. Laking gulat ng mata niya ng makita ako. Pero, he just smiled at me. Di ko nalang siya pinansin at pumunta nalang ako sa dining table. Jessica approach on me. "Beshy kyahh! Nandito si pogi oh!" Tinuro pa niya. Binaba ko ang kamay niya. "Beshy, Parang pinagtatagpo kayo nang landas! Yieee!!" ang lakas ng boses niya! Tumingin samin silang lahat. Nag peace sign nalang si jess at nag smile nalang ako ng pilit sa kanila. "Nakakainis ka jessica!" Bulong ko sakanya. "Sorryna beshy,kinilig lang kasi ako." Di ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako.

Pagkatapos namin kumain, binigay na namin ang mga birthday presents namin kay menchi. Nag thank you si menchi sa amin. Umakyat kami nila jessica, tanya at channel sa kwarto ko. I do really miss my room here so much! Naglaro lang kami ng snakes and ladders tapos nanood kami ng horror movie. Tako na takot si tanya sa pinapanuod namin. Si jessica naman enjoy na enjoy. Walang takot tong babaeng to ah! Kami naman ni channel tawa ng tawa sa epic face ni tanya.

Pagkatapos namin manood, may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Ate?" Si menchi. "Yes menchi?" Tanong ko. Pinagbukas ko siya ng pinto. "Ate, pwede ba tayong maglaro ng truth or dare? Isama mo na din yung mga kaibigan mo." Tinawag ko muna sila jessica kung papayag ba sila maglaro ng truth or dare. Pumayag naman sila. No choice, sumali nalang ako.

Sabi ni menchi, sa kwarto daw niya kami maglalaro. Pumwesto na kami nila jessica,tanya at channel para umupo sa sahig. Katabi ko si menchie sa right side, while si jessica naman katabi ko siya sa left side. Katabi ni jess si channel at katabi naman ni channel si tanya.

First,Pinakilala namin ang isa't isa. Tatlo ang mga kaibigan ni menchi. Si Jerome Diaz, Andrei Jon Dela Cruz, and... si John Dale Mendoza.

"Okay guys, let's start this game!" Sigaw ni menchi.

Pabilog kaming nakapwesto. Habang ang bote ay nasa gitna.
Pinaikot ni menchi ang bote. At tumapat yun kay jerome. Nag dare siya. "Ano bang pwede idare?" Nag isip muna si menchi. "Ahhh!! Jerome i-hug mo si jessica!" May ilang segundong katahimikan. Naputol iyon dahil sa sigaw ni andrei, "whoo! Bro! I hug mo na! Choosy ka pa!" Bigla nag "oo nga" si tanya. Namumula ang pisngi ni jessica. "Awww!! Nag bu-blush na si jessica!" Sigaw ni andrei. Na pa "yiee!" kami. Napansin kong ang tahimik ni john dale at ni channel. Ano kayang iniisip nila? Na pre-occupied ata. Di katagalan, niyakap na ni jerome.

After na yakapin ni jerome si jessica, pinaikot niya ulit yung bote. Tumapat yung bote kay John dale.

Nag dare naman si John Dale. Nag isip naman si jerome kung anong pwedeng iutos sa kanya.

"Ok! Guys! Makinig na kayo sa akin." Sigaw ni jerome." Bro, maghanda ka na." *Insert a winked.* "kantahan mo si marj ng forevermore!" Nagulat siya sa sinabi ni jerome. "Bro jerome naman! Sa tingin mo ba--" pinutol ni jerome ang pagsasalita ni john dale. "Ah-ahh... nag dare ka bro. No choice." huminga siya ng malalim at tumingn sa akin. "Fine!" Lumapit siya sa akin. "Wait!" Sigaw ni jerome. "Chorus lang bro." Kakantahin na sana ni John Dale yung chorus ng bigla na lang magsalita si channel. "Uh, guys excuse lang, mag ccr lang ako." Tumingin siya kay John dale at sa akin. At tumakbo siya palabas ng kwarto ni menchi.

Bakit kaya ganon ang kilos ni channel?

Kinanta na ni John dale sa harap ko ang forevermore. Maganda din ang boses niya at damang dama niya ang pagkanta nito.

"You are just the dream that I once knew..." shit! Ang ganda ng boses niya. Kilig na kilig si jessica saming dalawa. Sinisiko pa nga niya ako eh! At lahat naman sila na pa "yieee!" Di ko rin maiwasan na mag blush sa harap nila. Napapangiti pa nga ako eh. Bakit ba ganito inanaasal ko ngayon? Ang bilis pa ng tibok ng puso ko.

Ng matapos niyang kumanta, tinitigan niya ako at ngumiti siya sa akin. Tinitigan ko din siya. Pero ten seconds lang at bumalik na siya sa pwesto niya. Pinaikot na ni menchi ang bote. At hanggang ngayon di pa din bumabalik sa channel. Ano na kaya nangyari sakanya? Di ko na maiwasang mag alala sa kanya.

Bigla nalang bumalik sa isip ko nung pumunta kami ni tanya sa national bookstore,nakita ko si John dale na may kasamang babae. Di ko din maiwasan na maisip na si channel yung kasama niya. Pero hindi pa ako sigurado kung siya ba yun. Naisip ko din si janna, baka siya yung sinasabi niya sa akin na boyfriend niya na may kasamang babae. At sa mall pa daw niya nakita. Ugh! I hate this feeling!

Ang complicated naman ng buhay na to!

Inlove With That Bully (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon