Faith

19 0 0
                                    

Faith
by DanSonJohnFialde

Pagkamulat ng mata ay agad na chineck ni Ben ang cellphone niya. Wala ni isang text doon. Bumuntong hininga siya. Ganito siya araw-araw. Tatayo sa higaan, liligpitin ang kumot, didiretso sa kusina, huhugasan ang mga platong naiwan kagabi, maliligo, magbibihis at papasok sa eskwelahan. Wash day ngayon kaya naka civilian siya. Buti na nga lang at may washday ang paaralang pinapasukan niya. Nababagot din kasi siyang lagi na lang sinusuot ang walang kwentang uniporme nila.

Kahit na alam niyang late na siya ng isang oras sa klase, dumire-diretso lang siya kahit na nagdi-discuss na ang professor. Nahihirapan kasi talaga siyang gumising ng maaga. Buti na lang at di masyadong nagche-check ng attendance ang prof nila.

Isang normal na araw na naman ang dumaan at wala pa ding pinagbago. Papasok lang siya para umupo. Papasok lang siya para gumastos. Papasok lang siya para makinig, magsulat at matuto pero hindi niya naman isinasa-isip at isinasapuso. Ang boring ng buhay para sa kanya. Boring dahil wala siyang purpose.

Ano nga ba't nabubuhay pa siya sa mundong ito? Ano nga ba't nakatapak pa siya sa lupang tinatapakan niya? Ano nga ba't nalalanghap niya ang hangin sa paligid niya? Ano nga ba't may nakikilala siyang mga tao? Ano nga ba siya sa kanila? Ba't siya nandito? Ang dami niyang tanong pero isang araw... nahanap niya ang sagot sa mga katanungan niya.

Siya si Ben, isa lang siyang simpleng mag-aaral. Simple lamang manamit. Simple lang lumakad. Simpleng tao lang. Hindi siya masyadong nage-excel sa kahit na anong bagay. Siguro ay dahil ayaw niya lang talaga ng madaming pressure kaya hindi siya sumusubok ng bagong mga bagay.

"Ben!" tawag sa kanya ng isa niyang kaibigan na si Alex. Hindi sila masyadong close dahil hindi niya naman ito kaklase. Madalas lang talaga siya nitong yayain kung saan saan na hindi niya naman maintindihan.

"Bakit?" tugon ni Ben. 'Hay, siguro ay yayayain nya na naman ako sa cell-cell na yan. Tsk!' naisip niya.

"Yayain sana ulit kita sa cell group. Okay lang ba?" sabi ni alex.

'Tsk. Sabi ko na eh. Yayayain na naman niya ako. Hindi ko alam kung manhid 'to o talagang makulit lang.'

"Ahh... eh may klase pa ako." tanggi niya. Lagi niya itong tinatanggihan sa tuwing niyayaya siya nito.

"Ahh sayang naman. Sige next time na lang. Ingat sa klase mo. Godbless." ani nito.

Ang dali nitong kausap. Pero kahit ilang beses na niya itong tinanggihan, kahit kailan ay hindi ito nagalit sa kanya.

Ang totoo niyan ay wala naman talaga siyang klase. Ayaw niya lang talagang sumama. Boring na nga ang araw niya tapos makikihalubilo pa siya sa mga boring na tao.

Pagkatapos noon ay umalis na siya ng school. Mahaba pa ang oras niya bago umuwi sa bahay dahil napaaga ang uwian nila. Wala kasing klase.

Pumunta siya sa isang park na medyo malayo sa school nila. First time niya lang na hindi agad dumiretso ng uwi sa bahay. Mabait naman siyang anak sa mga magulang niya kaya palaging sa bahay ang diretso niya kapag uwian. Ayaw niyang magalit ang nanay niya sa kanya.

Umupo siya sa isang side ng park na iyon. May naka-upong babae din sa kabilang side. Magkatalikod sila pero medyo malapit sa isa't isa. Biglang nagsalita ang dalaga.

"May naaksidente kanina dito sa park." sabi nito. Nagulat siya sa biglang pagsasalita nito. Tumingin muna siya sa paligid kung may iba pa bang tao na kausap ang babae pero silang dalawa lang ang nandoon.

"Ate, ako po ba ang kausap niyo?"

Tumawa ang dalaga at pumunta sa tabi niya. "Oo, ikaw nga. Wala namang ibang tao na nandito eh." sabi nito.

"Sabi ko nga po." Nagkamot siya ng batok. "Sino po yung naaksidente dito?" tanong niya.

"Di ko kilala eh."

"Bakit po naaksidente?"

"May bata kasi na umakyat sa mataas na punong iyan." Tinuro ng babae ang puno sa harapan nila. "Tapos nadulas yung bata. Mabilis na tumakbo yung babae at sinalo niya yung bata. Nasalo niya naman pero na-out of balance siya at nabagok ang ulo niya." kwento nito.

Nakaramdam ng awa si Ben sa babaeng kinwento. "Nasaan na po yung babae?" tanong niya.

"Naisugod na sa ospital." sagot nya.

Tumango-tango naman si Ben. "Hanga ako kay ate. Isa siyang bayani." tugon niya.

"Alam mo yung aksidenteng yun? Wala pa yun. Hindi naman ganoong kagrabe." sabi nito.

Nagtaka si Ben sa sinabi ng dalaga. "Talaga?" Iyon na lang ang nasambit niya.

"Alam mo kung ano ang pinaka malalang trahedya?" tanung nito.

"Ano po?"

"Yung hindi mo alam ang papel mo sa mundong ito. Yun ang pinakamalalang trahedya na pwedeng mangyari sa'yo." sagot nito.

Natigilan si Ben nang ilang minuto. Hindi niya alam ang magiging reaksyon sa mga narinig. Trahedya na pala ang nangyayari sa kanya. At ito pa pala ang pinakamalala.

"Yung babaeng iyon na nasa ospital, kung namatay siya ngayon, ibig sabihin natapos na niya ang mga bagay na dapat tapusin niya pero kung mabubuhay man siya, ibig sabihin may gagawin pa siya sa mundong ito." dugtong niya. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit nabubuhay ang mga tao?" tanung ulit nito

"Ano po?"

"To love." ani nito."Hindi lang sa tao pati na sa ating Panginoon na nagbigay ng lahat." dugtong pa nito.

Hind niya alam kung bakit napaluha siya sa sinabi ng dalaga. Naisip niya ang kaibigan niyang lagi niya na lang nire-reject. 'Kaya niya pala ako laging nilalapitan ay dahil mahal niya ako. Gusto niya akong maligtas sa trahedyang meron ako.'

"O bakit ka umiiyak?" tanong ng dalaga.

"Ahh wala po." sagot niya. "Mauuna na po ako.." sambit niya. "Salamat ate." dugtog niya.

"Sige magiingat ka!" pagpapaalam nito.

"Sige po. Ano po palang pangalan niyo?"

"I'm Faith. You are?" tanong nito pabalik.

"Ben po." Pagkasabi niya noon ay umalis na siya.

Habang si Ben ay papalayo, ang imahe ni Faith ay unti-unting naglaho na parang bula. Si ben ay bumalik muli sa kanyang paaralan at kanyang kinausap si Alex at doon ay nakasama siya sa isang napakasaya ata napaka-kulay na pagkilala sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabasa ng bawat salita at aral Nito.

Wakas.

FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon