Chapter 3:

14.5K 88 1
                                    

Malapit nang magdilim nang magising si Robert mula sa tila may kahabaang pagkakatulog. Sa paggising niya ay pupungas-pungas siyang bumangon at lumabas sa kuwartong kinalalagyan niya. Sa katabing kuwarto ay rinig pa niya ang tila muli na namang pagbabangayan ng Kuya Wacky niya at ng asawa nitong Elsie. Sa sala naman ay nakita niya ang bunso niyang kapatid na si Jenny na buong sipag na nag-aaral ng mga leksiyon nito sa eskuwelahan. Nasa 4th year high school na si Jenny at sa susunod na taon ay kolehiyo na. Kaya naman labis niyang pinaghahandaan ang magiging pang-tuition ng bunso at paborito niyang kapatid sa pagkokolehiyo nito. BS Tourism daw ang kukunin nitong kurso sa kolehiyo. Bagay na hindi naman kataka-taka dahil may taglay na ganda at kaseksihan si Lenny. Habang nakatingin sa bunsong kapatid ay napapangiti pa si Robert. Sa isipan niya ay kahit man lang sana si Lenny ay magkaroon ng magandang buhay. Batid niya kasing silang naunang tatlong magkakapatid na puro barako ay sa pagkasira nauwi ang mga buhay. Ang panganay nilang si Wacky ay naging tambay na palasing-lasing lang maghapon. Ang pangatlo naman nilang kapatid na si Rommel ay tila sinusundan ang yapak ng kuya nilang si Wacky na patambay-tambay at pabarka-barkada. At siya na pangalawa sa magkakapatid ay isang dakilang kolboy na ang tanging pinagkakakitaan ay ang pagsama-sama sa mga matatandang matrona. Kaya naipangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat upang mapabuti ang buhay ng bunso nilang kapatid na si Lenny. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay ang pagsasantabi ng kanyang sariling dignidad at moralidad bilang tao.

Kumain lang siya sandali at naligo, pagkatapos ay umalis na siya sa kanilang tinitirahan. Sa pag-alis niya sa kanyang tinitirahan ay nagtungo siya sa isang condo unit sa may Kapitolyo. Ang condo unit na ito ay pag-aari ng kaibigan niyang bading at dating customer na si Wilfredo. Sa loob ng condo unit na ito ay punung-puno ng mga painting na tila ba ito ay isang art exhibit. Kasalukuyan pang nagpipinta si Wilfredo nang datnan niya ito sa naturang condo unit.

“O Rob! Kumusta?”, bati at pangungumusta ni Wilfredo kay Robert.

“Okay naman, Wil. Mukhang maganda ‘yang bago mong ginagawa ha!”, tugon at puna ni Robert sa ipinipinta ni Wilfredo.

“Puwede na rin. Pero mas magaganda parin ang mga ipinipinta mo, Rob! Ibang klase ang mga kamay mo e! Kayang gumawa ng obra-maestra!”, ang tila pamumuri naman ni Wilfredo kay Robert.

“Hindi naman!”, si Robert na pa-humble effect pa.

Maya-maya pa ay kumuha na rin si Robert ng canvass at ng pangpinta at siya ay nagsimula na ring magpinta. Bagamat magaling magpinta at mag-sketch si Robert ay tila pare-pareho lang ang mga ipinipinta. Ito ay mga babaeng walang saplot sa katawan na bagamat magkakaiba ng itsura at posing ay tila pare-pareho ng ekspresyon ng mukha. Mga mukhang tila malulungkot at tila punung-puno ng pangungulila at paghahanap. Pero sa pagkakataong ito, bagamat isang babaeng walang saplot parin sa katawan ang ipinipinta niya ay tila buhay na buhay ang ekspresyon nito na tila ba wala na ang dating kalungkutan at pangungulila at paghahanap na kagaya ng mga dating ipinipinta niya. Nakita naman ni Wilfredo ang ipinipinta niyang ito at tila labis na humanga sa ipinipinta niya ang baklita.

“Mukhang maganda ‘yang bago mong ipinipinta ha! Buhay na buhay ang ekspresyon ng mukha niya kumpara sa mga dati! Mukha yatang inspirado ka ngayon ha!”, puna at pamumuri ni Wilfredo kay Robert.

“Hindi naman! Siguro ay naisipan ko lang ibahin ang tema ng ipinipinta ko.”, si Robert na tila pa-humble effect na naman.

“E ano naman ang balak mong gawing pamagat ng obra mong ‘yan?”, ang tila punung-puno ng pagkainteres na tanong ni Wilfredo kay Robert.

“Emancipation of A Woman...”

KabetWhere stories live. Discover now