dedicated sa kanya dahil mahal ko siya at ang mga stories niya. :)) sana mabasa mo po ate. pakikamusta ako kay Jerwin Santos my labs na labs din ni Venice XD
I love you. Tatlong salita lang, pero ang daming kahulugan…
I love you. Ang sarap pakinggan kung galing sa taong mahal mo…
I love you. Lagi kong sinasagot yan ng I love you, too…
I love you. Sa akin niya sinabi pero hindi naman pala para sakin ang mga katagang yan.
I love you. Naniwala ako… pero ‘di pala dapat…
I love you. Salita lang pala yan para sayo…
“I love you.” Why say those words if you don’t really mean them?
***
Nakilala ko siya nung 2nd semester nung first year student ako. Transferee ako noon. Siya yung pinakaunang pumansin sa akin nung nagpakilala ako sa klase.
“Hi, I’m Denisse Elijah Ramos. Transferee. Nice meeting you.”
“Hi, Denisse! I’m Adrian! Dito ka umupo sa tabi ko” sabi niya sabay turo doon sa bakanteng upuan sa tabi niya. Bigla namang nagtuksuhan yung mga kaklase namin at tumatawa pa, doon ko naramdaman na welcome ako sa klaseng yun.
Doon nagsimula ang lahat. Block mates, seatmates, friends, barkada. Mas nakilala ko pa si Adrian. Gentleman siya, pagsabay kaming umuuwi, lagi siyang doon sa dangerous side, aalalayan kang tumawid, hindi aalis hangga’t hindi niya siguradong safe ka ng nakasakay ng jeep, bubuhatin yung mga mabibigat na gamit mo. Lagi siyang nagpapatawa at walang araw na hindi ka niyan kukulitin.
Nung naging close kami, nailang ang grupo noon, lalo na yung mga babaeng kaibigan ko. Kapag may pagkakataon na pwede kaming magsama ni Adrian o kung aayayain niya ako, gagawa sila ng paraan para lang hindi kami magsama. Hanggang nung nag-2nd year kami at nanligaw na si Adrian sakin noon. Nung una hindi ko alam kung bakit pero kung lagi ba naman nilang pinag-uusapan si Adrian at ang break up niya with his ex-girlfriend, hindi ba’t malalaman at malalaman mo rin yung dahilan?
“4 years kaya sila ni Yanna, biruin mo, since 1st year HS hanggang mag-college sila tapos biglang nagbreak nung second week? Diba, sino namang madaling maka-move on doon?”
“Oo nga. At masyado kayang mahal ni Adrian si Yanna. Ang sweet sweet nga nila noon diba?”
“Eh bakit ba sila ang pinag-uusapan natin?” sabat ko. Feeling ko kasi may pinupunto sila.
“Ang amin lang naman, Denisse, masyadong na-hurt si Adrian sa naging past relationship niya. Ayaw naming gawin ka niyang panakip butas.”
“Huwag niyong ikumpara yung naging relasyon nila. Iba yung NAGING relasyon nila sa MAGIGING relasyon namin.”
“Bahala ka. Kami, nag-aalala lang naman para sa’yo.” Dahil nga masyado kong iniisip yung sinabi nung mga kaibigan ko sa’kin, hindi agad ako um-oo kay Adrian kahit na alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.
Ramdam ko naman na sincere siya sa panliligaw sa’kin. Kaya after 5 months ng panliligaw niya, sinagot ko siya sa mismong araw ng last exam namin.
Okay naman yung takbo ng relationship namin. Pinakilala niya ako sa family niya na nakagaanan ko na rin ng loob. Siya naman, pinakilala ko din sa dad ko at sa step mom and step sister ko. Hiwalay ang parents ko, simula ng maghiwalay sina dad at mom nung 4 years old ako, kay Mommy na ako nag-stay. Si dad nagpakasal ulit doon sa first girlfriend niya which is yung step mom ko at nagkaroon na rin ng anak. Si mommy naman, kasal na sa tinuturing ko na ring daddy ngayon. Siya yung nagsilbing father figure ko nung naghiwalay sila ni Mommy. May kapatid din ako sa kanila na 10 years old.
BINABASA MO ANG
Three Little Words (I Love You)
Teen FictionI love you. Tatlong salita lang, pero ang daming kahulugan... I love you. Ang sarap pakinggan kung galing sa taong mahal mo... I love you. Lagi kong sinasagot yan ng I love you, too... I love you. Sa akin niya sinabi pero hindi naman pala para sakin...