His Three Little Words

366 16 11
                                    

Three Little Words (I Love You)

His Three Little Words..

I love you. Tatlong salita lang, pero ang daming kahulugan...

I love you. Ang sarap pakinggan kung galing sa taong mahal mo...

I love you. Lagi mong sinasagot yan ng I love you, too...

I love you. Sa'yo ko sinabi dahil para sayo naman talaga ang mga katagayang yan...

I love you. Maniwala ka because I mean it...

I love you. Salita nga yan, pero galing yan sa puso ko...

“I love you.” Why not believe to it when I say it?

***

Sabi pa nung kaibigan kong babae dati, according daw sa isang guidance counselor na na-interview niya, ang mga lalaki daw hindi masyadong naglalabas ng emosyon... pero kami daw yung pinaka-matagal na magmove on sa isang relationship lalong lalo na kung mahal namin yung babae.

Naniniwala ako. Ganoon din kasi yung karanasan ko. 4 years kami ni Yanna noon, tapos biglang POOF! Nawala yung 4 na taong pagsasama namin dahil may mahal na daw siyang iba.Sobrang sakit noon. Parang... ano? Ganoon na lang yun? Bigla na lang nawala yung feelings niya sa akin? Ganoon lang ba kadaling mawala ang feelings ng isang tao? Kung ganoon man, bakit hindi mawala-wala yung nararamdaman ko para sa kanya?

Sa sobrang sakit nung ginawa niya sakin, hindi ako nakipag communicate sa ibang babae, sa mga kaibigan ko. Takot akong ma-“attach” sa kanila dahil ayokong gawin din nila sa akin ang ginawa ni Yanna. Pati nga yung si Tear na siyang nagsabi sakin nun e iniwasan ko. Nagconcentrate ako sa pag-aaral, pagbabasa ng libro. Nagbabasketball din ako paminsan-minsan at lumalabas kasama ng tropa pampalipas oras.

Minsan nagkayayaan sa bahay ni Archie, ka-tropa ko. Kaya doon kami pumunta para makikain at tumambay dahil birthday nung kapatid niya. Habang nakatambay kami sa may front porch nila, may biglang pumara na sasakyan sa harap namin. Kapitbahay nila yung nakakatandang lalaki, pero yung babae... ka-edad ko ata, hindi ko pa nakikita eh. Maganda naman siya pero siguro mas gaganda siya kung ngingiti siya.

“Oi pre, matutunaw na yung babae sa kakatingin mo oh.” Kantyaw naman ni Mark, best friend ko.

“Loko. Ngayon ko lang kasi nakita dito.”

“Ah, anak daw yan sa unang asawa sabi ni Mama, dyan daw muna titira pansamantala.” Sabi ni Archie. Tumango-tango lang kami.

Ewan ko ba, pero kapag napupunta kami kay Archie, lagi kong inaabangan yung babae. There’s something about her... hindi ko lang alam kung ano. Pero hindi pala-labas yung babae eh. Minsan nakikita ko sa porch ng bahay nila na nagbabasa ng libro at nakasuksok ang earphones sa tenga niya.

Hindi ko alam kung tadhana ba o ano, nung nag-second semester na, nakita ko siya na nasa room namin. At magka-kurso pa pala kami at magiging magka-block pa kami. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nung matapos siyang magpakilala, agad ko namang pinakilala ang sarili ko at pinaupo siya sa tabi ko...

“Hi, I’m Denisse Elijah Ramos. Transferee. Nice meeting you.”

“Hi, Denisse! I’m Adrian! Dito ka umupo sa tabi ko”

Mahal ko pa si Yanna pero ang pinakamabisang way siguro sa pagmu-move on eh maging open ka. Doon nagsimula ang lahat. Pagkatapos ng break up namin ni Yanna, kay Denisse lang ako naging close. Hinahatid ko siya sa sakayan ng jeep, kinakarga ang mabibigat na gamit niya... ginagawa ko yung mga ginagawa ng isang boyfriend sa isang girlfriend.

Three Little Words (I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon