"Mahal na mahal kita,Frim. Kahit mamatay ako ,ikaw lang."saad ni Nuxleus sakin na ikinatawa ko.
"hahahaha ikaw talaga alam mong ikaw lang din ang mahal ko.Pero bakit bigla mong nasabi na mamatay ka?" ngumiti lang ito sakin pero alam ko hindi ito totoo dahil hindi saya ang nakita ko sa kanyang Mga mata.Pinabayaan ko na lang iyon.
"Nux!!!!!"tawag ni Kyle kay Nux .Si Kyle ang matalik na kaibigan ni Nux.
"Oh ,pare bakit?"
"Pinapatawag ka ni Couch Ledi ,tungkol ata sa trip natin sa Batangas."
Ikinalaki ng mata ko ang huling Sinabi ni Kyle.Sila Nuxleus pupuntang Batangas?Tiningnan ko kaagad si Nuxleus na nakatingin kay Kyle ng masama.Patay kang bata ka!!
"Pupunta lang akong CR."pag-papaalam ko at agad tumayo ngunit ng hahakbang na ko ay may mga kamay na humawak sa pulsuhan ko. Tiningnan ko ang humawak sakin na para bang nagtatanong
"Are you mad?"
"No,bakit naman ako magagalit?Eh pupunta ka lang naman ng Batangas diba?"
Bumuntong hininga sya sabay hitak sakin. Napa-upo tuloy ako sa lap nya.
"Wag ka nang magalit.Sasabihin ko na nga dapat sayo kaso umepal si Kyle eh tsaka isasama kita sa Batangas wag kang mag-alala."
"ha!?" nagulat ako sa Sinabi nya ,ako?isasama nya sa Batangas?.
"Pano yung Mga kalase k---" naputol ang pagsasalita ko ng bigla nya idampi ang labi nya sakin.
"I already handle it,baby.I talk to all of your teachers at saka ano pa ang silbi ng pagiging Leonardo ko kung hindi nila ko susundin."mayabang na sabi ni Nuxleus.
"tsk. Ang yabang mo"
"Mahal mo naman"
"pano mo naman na sabing Mahal kita?"
"kasasabi mo pa lang kaya"
"ayy Sinabi ko ba yun?kung Sinabi ko man yon di totoo yon."
"weh!?"
"oo,pineperahan lang kaya kita."
"okay,lang na perahan mo ko basta andito ka lang sa tabi ko." seryosong sabi nito na ikinatigil at ikinatanga ko.Takte kinikilig ako.
"hoy"tawag nito sakin. Hinampas ko sya sa balikat at sumubsob sa matipuno nyang mga braso.
"hoy ,anong nangyayari sayo?"
"wag kang magulo kinikilig ako"nahihiyang sambit ko.Na ikinatawa nya naman.
"Ehem!ehem!" sabay kaming napatingin ni Nuxleus kay Kyle.
"oh problema mo?"tanong ni Nuxleus kay Kyle.
"Takte ngayon mo lang ako napansin?tsk You hurt my feelings,bro. I thought your just using Frim"madramang sabi ni Kyle na ikinangiti ko. Iba talaga ang bond nila ni Nuxleus
"Gago lumayas ka na nga dito"
"oo ,lalayas na ko pero alam kong babalik ka rin sakin at ikaw babae---
"lalayas ka o may tatawagin ako?"
"sabi ko nga aalis na ko"
Natawa na lang ako sa magkaibigan na to.Hay this is life,I have my boyfriend,a supportive and loving family and a good friend,this is perfect.
But then a tragedy happen.......