HAHAHA. OO. :|

4.3K 130 42
                                    

HAHAHAHAHA. OO. :|

Copyright 2013 © IBelieveInFrvr

~

“Huy! Tulala ka dyan? Iniisip mo ko ‘no? HAHAHA.” Ayan nanaman siya. Inaasar nanaman ako.

HAHAHAHAHAHA. Oo. :| Iniisip nga kita. Ano, palag ka? Kaso hindi ko naman masabi sa’yo. Best friend kita eh. Ayokong masira kung ano man ang meron tayo.

“Utut mo! Pwe. Wag kang assuming, Gerald!” Ganyan naman lagi eh. Aasarin niya ako pero ide-deny ko naman. Kakasawa.

~

“Huy, Hanako! Pakopya naman ng assignment, mahal mo naman ako eh. Sige na.”

 

HAHAHAHAHAHA. Oo. :| Mahal nga kita. Pero kahit kailan hindi ko rin masasabi sa’yo. So, whatever.

“Psh! Hindi kita mahal. Ang panget mo kaya! Oh ito yung notebook ko, hanapin mo nalang yung sagot dyan.” Ganyan naman lagi eh.

~

“Huy, Hana! Laro tayong basketball. Sige na. Kailangan ko ng magbinat ng buto eh. Sige na, alam ko namang hindi mo ako matitiis eh.”

 

HAHAHAHAHAHA. Oo. :| Hindi nga kita kayang tiisin. Lalo na sa tuwing nagpa-puppy eyes ka pa! Ugh, ang cute mo kaya kapag ganun.

“Magyayaya ka lang ng basketball, kung ano ano pa sinabi mo. HAHA. Tara na nga.” Lagi namang ganyan eh. Mag-aaya siya tapos hindi ko matatanggihan dahil gusto ko rin naman siyang makasama.

~

“Huy Hanako! Pa-text nga! Sige na. Piso lang naman mababawas sa load mo. Sige na, mabait ka naman eh.”

 

HAHAHAHAHAHA. Oo. :|Mabait nga ako. Sa sobrang kabaitan ko nga, nagpapakamanhid na ko.

“Sows! Sige magtext ka na. Ito cellphone ko. Isang text lang ah!” Lagi naman siyang ganyan. Sanay na ko.

~

“Huy, Hanako! May bago akong crush! Ang ganda niya super!”

 

“…”

 

“Oh bakit di ka nagsasalita Hana? Selos ka noh? HAHAHAHA.”

 

HAHAHAHAHAHA. Oo. :|Nagseselos nga ako. Eh anong magagawa ko, mahal kita eh.

“Na-speechless lang ako dahil may bago ka nanamang biktima! HAHAHA.” Lagi namang ganyan eh. Kunwari tinatawanan ko lang siya, pero masakit talaga.

~

“Huy Hana! Ilakad mo nga ako dun kay Ysa. Sige na, para sumaya ako. Gusto mo namang sumaya ako diba?”

HAHAHAHAHAHA. Oo. :| Gustong gusto kong sumaya ka. Pero mas gusto ko kung sakin.

“Sure. Yun lang ba? Madali lang yan! Chicken na chicken!!” Lagi namang ganyan eh. Ilalakad ko siya sa taong gusto niya, in the end, mare-reject lang siya.

~

“Hanakooo!! Ang saya saya ko! Kami na ni Ysa! Thank you best friend! The best ka talaga! Masaya ka naman para samin diba?”

 

HAHAHAHAHAHA. Oo. :| Masaya ako kasi masaya ka na. Kaso, paano na ko?

“OO NAMAN NOH! AKO PA! BEST FRIEND MO KAYA AKO! Syempre kapag masaya ka, masaya din ako. Kaya nga best friend diba? Apir nga diyan, Gerald! Sana magtagal kayo.”

Lagi namang ganyan eh. Kung san ka masaya, dun ako.

Lagi namang ganyan eh. Basta para sayo, sige go ako.

Lagi namang ganyan eh. Kung ano ang gusto mo, yun ang gagawin ko.

Lagi namang ganyan eh. Ikaw lang ang laging iniisip ko.

Lagi namang ganyan eh. Lagi akong nagpapaka-martir para sayo.

Ako, nagseselos? HAHAHAHAHAHA. Oo. :|

Ako, mahal ka? HAHAHAHAHAHA. Oo. :|

Kaso, hindi mo alam. At kahit kailan hinding hindi mo malalaman.

 

- FIN.

[ A/N: May sequel po ito. ^^ Click niyo lang yung external link. =))) Thanks for reading! :"> ]

HAHAHA. OO. :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon