UNTITLED

8 0 0
                                    

July 16, 2010. Graduating na nga ako. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang noon una akong pumasok sa high school. Marami narin nangyari. Natapos ang bakasyon ko ng walang ginawa kung hindi ang ilublob ang sarili ko, gabi-gabi sa night clubs. Marami narin akong nakilala. Pero lahat sila, hindi ko tinuturing na kaibigan. Tsss. Kaibigan? Walang ganon. Lahat ng tao, kayang traydurin kahit yung pinaka malapit pa sayo. Teenager nga ako. At age of 16, Heto ako at hindi na nakikihalubilo sa mga nakakasama ko. Dahil para sa akin. Lahat ng bagay, panandalian lang. Kung meron man nagbago? Yun ay ang pananabik ko sa bukas! Pero bakit nga ba? Wala naman akong hinihintay na kung ano pa man. Wala rin akong balak na kamustahin ang mga nakasama ko sa lahat ng kahapon ko. Paki ko ba sakanila? Matagal na yon. Paulit-ulit man nila akong kulitin na makisama sakanila, sinong tanga naman gagawa doon? Kung meron man.. Hindi ako yon. Sa ikalawang pagkakataon, napapayag ko ang magulang ko na lumipat muli ng paaralan. Bakit? Kasi, ayoko ng gulo. Sa sobrang gulo na ng buhay ko, ayoko na madagdagan pa at tuluyan kong sirain ang natitira sa akin. Siguro nagtataka na silang lahat ngayon kung bakit wala ako sa unang araw ng pasukan... Sino nga bang mag-aakala na napakadali kong makuhang mangibabaw sa eskwelahana na yon. Pero sa ikalawang pagkakataon din, hindi na naman ako nag-Final exam. Siguro may trauma na nga ako sa Final exam na yan. Haha. Pero okay lang.. Hanggat ako si Sebastian Fier... Wala akong hindi kayang gawin.

Out Of My WeaknessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon