2nd week of this school year.. Mukhang okay naman sa ngayon ang lahat. Normal ang takbo ng pag-aaral ko. Nadagdagan nga lang... Ng dahil dito kay Nirra.. Matapos ang gabing yon, mukhang iba na ang naging sitwasyon namin kinabukasan.. Sa una, oo medyo naiilang siya. Kita sa kilos niya na medyo nahihiya siya sa akin.. Hangga ngayon naman e. Hindi niya ako masyadong kinikibo at napakatahimik niya ngayon. Hindi tulad nung 1st day. Malamang! Ako kasama mo kaya hindi ka sanay sa sitwasyon natin ngayon.. Siguro oras na para kausapin ko siya ng masinsinan... "Nirra.." "Ano...?" "Bakit ang tahimik mo ngayon? Haha!" "Huh? Eh... Ganito na talaga ako dati pa..." "No! You're not! Hahaha!" Pabulong siya nagsalita... "Parang wala lang sakanya lahat..." "Ano yon Nirra?" "Huh?! Wala! Haha! Hayaan mo lang ako... Ganito talaga ako kapag marami iniisip..." "Kasama ba ako diyan sa iniisip mo? O... Baka naman... Ako lang laman ng isip mo! Hehe!" "Sira ka... " "so, ako nga?! Hahaha!" Hindi na siya sumagot at yumuko nalang... "Wui! Para naman hindi kita kausap oh! Haha!" "Bakit ba kase...?" "Angat mo nga yang ulo mo... Please.." "Bakit pa? Ayoko..." "Ayaw mo bang makita ko yang napakagandang mata na meron ka. Yung mga matang umangkin sa mundo ko....?" Inilapat ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo at dahan-dahang inaangat ito paharap sa akin... "See... Those eyes are priceless! You have to let me own those... Pwedi bang sa akin lang tititig yang mga matang yan?" "Ano ibig mong sabihin...?" "Ikaw ba.. Ano ba gusto mong maging ibig sabihin ng sinabi ko...?" Napa lip bite sya dahil sa sinabi ko at hindi na siya nakasagot pa... Binitawan ko siya... "Pwede bang mahiram ko muna yang kaliwang kamay mo?" Tumingala siya... Hinawakan ko ang kamay na at hinigpitan ito na parang sinasabi ko sakanya na ayaw ko itong bitawan... "Anong ginagawa mo Fierro...?" Sawakas.. Bumabalik na siya sa dati.. "Puputulin ko kamay mo! Joke! Hahaha!" "Sira!!! Hahaha!" "Syempre hahawakan ko.. Sobrang lambot kasi nito e.. Diko makalimutan simula nung una kong nahawakan..." "Tsss... How many times you've used that line Sebastian Fier?!! Hahaha!" "Just once... And she deserve to hear those kind of words.." Tinitignan ko siya ng matulin na pinapabatid ko sakanya na paniwalaan mo ang sinasambit ko.. Inangat niya ang kamay namin... At isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.. "Fierro... You know what... You're really sweet and nice... Gago ka lang talaga no? Hehe..." Ganda na ng sinabi mo..., dinagdagan mo pa!!! Hahaha. "Hahaha! Paano ako naging gago?" "Oo... Maniwala ka! Gago ka! Hahaha.." "paano nga?! Haha." "Bakit hindi mo ako kinakausap last week?! Naghihintay kaya ako na iapproach mo!!!" Kasi ganito ako.. "Oo! Gago nga ako! Hahaha. Di... Ganito kasi yan.. Kung ginawa ko yung gusto mo.. Baka isipin mo na nag take advantage lang ako sayo... At tyaka... Sa tingin mo... Hindi ako maiilang na kausapin ka agad-agad lalo na sa mga mata mong yan?!" "Ganun ba yon? Haha. Bakit palaging mga mata ko nakikita mo?" "Kase, kayang magsinungaling ng labi at kayang maglaro ng galaw... Pero ang mga mata, sila ang nagbabatid kung ano ang nais idikta ng diwa..." "So, ano nga nakikita mo sa mata ko...?" "Isang mata ng babae na gusto akong halikan sa bawat sandali... Isang mata ng babae na nagsasabing, gustong-gusto ako yakapin ng mahigpit... Isang mata ng babaeng... Ang tunay na katauhan ay isang dilag na Anghel.. Hehe." "Nakakainis ka... Haha.." Kabisado na kita... Haha. "Ang sweet ko no? Haha.." "Oo! Sobra!!! Sabay tayo maglunch mamaya... Hehe.." "Sige.. Sarap siguro kumain sa roof top no? Mahangin doon.." "Sige doon tayo mamaya... Yiie.. May gusto ako gawin sayo!!! Haha.. Kainis!" Nanggigigil ka sa akin... "Sabik ka lang.. Mamaya kase! Hahaha." "Huh?! Ano sinasabi mo! Hahaha!" Lunch break na... Asaan na ba siya? Binilhan ko pa naman siya ng sakanya. Sabi niya, sasabay siya sakin mag lunch... "Tol! Mukhang mag-isa ka yata ngayon...." "Ah... Hindi naman... Hinahanap ko nga si Nirra e. Nakita mo ba Bryan?" "Hindi ko man pare... Saan ka ba kakain? Baka nandoon lang siya..." "Siguro nga. Baka nandoon na siya sa roof top... Doon kasi usapan namin e..." "Ano?!! Tol! Wag kang pupunta doon!" "Huh?! Bakit?" Mukhang merong hindi magandang nangyayari doon... "Tambayan nina Romelito yon... Tawagan mo si Nirra... Wag mo siya patuluyin doon! Dali..." "Ganun ba? Okay sige... Mauna na ako.. Sunduin ko nalang siya doon. Hehe.." "Alam mo tol... Okay ka sana.. Kaso matigas ulo mo... Dika marunong makinig.." Buti alam mo!!! Haha.. "Hindi naman sa ganon tol... Gusto ko lang protektahan si Nirra ng sarili ko kung sakasakali lang naman... Haha." "Sige! Bahala ka! Ingat nalang.." "Salamat Bryan.. Sige kain kana! Haha" naglalakad ako na dala-dala tong dalawang pagkain na pagsasaluhan namin ni Nirra... Mabuti nalang at may elevator hanggang 7th floor. Hindi na ako mahihirapan umakyat pa sa roof top... Sawakas at nandito narin... Huh?! May mga tao rin pala dito... Baka nga tama si Bryan.. Sina Romelito pala nandito... Nasa may harapan ako ng hagdan... Nakikita ko sila. May pinagkakaabalahan... Ang dami nila... Isa.. Dalawa... Labing-dalawa lahat sila.. Sino kaya pinapalibutan nila? Ano tong kalokohan na ginagawa nila?... "Hoy! Sino ka?!!" Isa sakanila napansin ako... Hindi ko nalang papansinin.. Tinalikuran ko sila at dumeretso sa may gilid.. Umupo ako.. Pero pinuntahan ako nung kaninang nagtanong kasama yung dalawa pa sakanila... Ano problema nito? "Hoy! Angas mo ah! Bakit ka nandito sa teritoryo namin?!" "Talaga ba? Haha... Kakain kasi ako dito e. Wala naman nagsabi sa akin na inyo na pala to.." Tumayo ako at binitbit ang gamit ko... "Sige mga pare... Sa ibang lugar nalang ako kakain.." Teka? Si Ian ba yon?! Bakit nakapiring ang mata niya?! "Alis kana dito! Istorbo ka!! Alis!" Nagtatapang-tapangan ka lang... Bwisit ka! "Alam ko pare.. Paalis na nga oh! Easy ka lang... Haha." Napansin niyang minamasdan ko si Ian... "Ano tinitingin-tingin mo?! May balak ka bang isumbong kami?!" "Baliw ka ba?! Mukha bang may paki ako sa ginagawa niyo dito?" Lumapit siya at hinawakan kwelyo ko sa may likuran... "Matapang ka ah... Gusto mo ba kaming subukan?! Kung ako sayo... Sana umalis ka nalang ng tahimik..." Hinawi ko kamay niya... "Tangina mo palang gago ka e! Wag mo akong hahawakan... Matapang lang kayo dahil marami kayo... Sa totoo lang... Pweding-pwede kita patulan kung gusto mo... Pero hindi ko gagawin... Depende nalang kung susubukan mo!" May papalapit.. Si Romelito... Kwinelyuhan palayo sakin yung kasama niya... "Tigilan mo yan... Baka isipin nitong si Sebastian, hindi tayo pala kaibigan dito.." Tsss... Ulul! Pala kaibigan mo mukha mo! "Umalis ka nalang Sebastian.. Ako na bahala dito sa kasama ko... Pasensya nalang.." "Okay..." Habang pababa na ako ng hagdan... "Sebastian.... Siya nga pala..., yang angas mo... Sana tumagal yan.. Haha." "Okay.. Ganun ba? Tanungin mo nga pala yang si Ian.. May pinapasabi ako para sayo.. Hahaha!" Ako pa pinagbabantaan ng kumag na yon! Haha... Asaan ka ba Nirra?! Matawagan nga... "Hello! Nirra.. Asaan ka na?" "Nandito ako sa bahay mo... Sorry... I'm looking for something.. I think, I left it here e.." "Then why you didn't tell me?" "I said sorry okay?... Importanti kasi... Bye.. Mamaya nalang.." What the fuck?!! She actually end the phone call?! Damn! Then how she's able to go there? Kinuha niya susi ko sa bag?!! Fuck this! Mapuntahan nga siya... "Wui!!!! So, ganyan na pala ngayon pumupunta sa bahay ng may bahay?!! Hindi nagpapaalam...?" Nakadapa siya at may kinukuha sa ilalim ng kama ko... "Ah.. Sorry na... Ayun!!!" Ano ba hinahanap niya? "Heto na! Nakuha ko na!!! Haha.." Ano yan?! Isang singsing na maliit?! "Yan ba talaga pinunta mo dito?" "Oo... Sorry na..." Dahan-dahan siya lumapit sa akin... At niyayakap ako... Ganito pala siya.. Malambing pala talaga siya... Tanga naman nung ex niya at pinakawalan niya ang ganitong babae... "Fierro..." "Ano?!" "Galit kapa ata e..." "Hindi naman galit... Inis lang..." "Bakit mo pa ako pinuntahan dito...? Eh... Wala naman akong gagawing masama sa bahay mo..." "Alam ko yon... Pero nag-aalala kasi ako..." "Talaga?!" Binigyan niya ako ng napakalaking ngiti... Halatang gustong-gusto niya sinabi ko... "Oo naman! Haha!" "Bakit ka nag-aalala?" "Baka kasi... Lapain ka ng aso ko! Hahaha! Ayun oh! Kanina pa masama tingin sayo ni Kakay!!!! HAHAHAHA!" "Ay!!! Ewan ko sayo!!!!" "Ahmm... Nirra...." "Ano?" "Hanggang kailan mo ako balak yakapin? Haha!" "Ayaw mo na ba?" "Kung sinabi kong ayaw ko na... Magagalit ka ba?" "Ayaw mo na nga!" Inaalis niya pagkakayakap niya... Pero hinila ko siya pabalik sakin... "Ayaw ko na... Kasi.. Gusto kong buhatin ka!!!" Binuhat ko siya... At nagkatitigan kami ng matagal... Inilagay niya ang kamay niya sa akin baba... At dahan-dahang nagkakalapit ang aming mga labi... "Fierro..." Ganito siya sa ikalawang pagkakataon... Lumuluha matapos namin magsex... "Ano yon? Bakit lumuluha ka?" "Ah... Wala to.. Tears of joy..." "Talaga? Harap ka nga dito..." Humarap siya.. At salubong niya ay ngiti... "Fierro... Pang-ilan ako sa mga babaeng naka sex mo na?" Seryoso ba siya?! Tinanong niya talaga yon?!! "Bakit mo natanong? Importanti pa ba yon?" "Sagutin mo nalang... You can't lie to me... Because I know.. That you sex my best friend before... Dali na..." Matalino ka nga.. "Siguro... Pang siyam ka... Why?" "Pang-nine?! Grabi ka pala... Sino first mo? First love mo ba?" First love?!!! Putangina! Saan mo galing yan!!! Ang tagal ko ng kinakimutan yong leche na yon! "Hindi!" "Bakit parang iba tono mo sa pagsagot non Fierro?" "Bakit ba?! Ano ba talaga gusto mo malaman?!" "Galit ka ba Fierro...?" Kalma Fierro... Baka kapag nagkamali ka.. Ito na maging huli niyo... "Hindi ako... Haha.. Nagulat lang ako... Ikaw ba?! Musta naman sex life mo kasama ako?!! Hahaha.." "Ahmmm... Heto!" Pinalupot niya kamay niya sa may ulohan ko.. At hinila niya ako papalapit pa sakanya.. Ramdam ko pagdidikit ng katawan namin... Pinaghahalikan niya ako ng marami... "Ganito sagot ko sa tanong mo! Haha.. Okay ba?!" "Enjoy na enjoy ka ah!" "Hindi ko lang kasi expect na ganito ka pala katindi Fierro..." "Baliw kana! Hahaha!" "Kasalanan mo!!! Uhmmm... Uhmmm..." Lalo siyang gumaling humalik... "Teka lang... Hindi ka ba mapapagalitan?! Hindi na tayo nakapasok kanina... Tapos 8:03pm na..." "Okay lang yan! Wala naman tao sa bahay e... Hehe.." "Akala ko ba strict parents mo? Haha!" "Oo nga pala!" Oo nga pala?! May tinatago ba siya? "Hatid mo na ba ako?" "Oo! Tara ligo muna tayo ulit.. Haha.." "Sige na nga! Nakakarami kana Sebastian Fier Gonzuales! Hahaha!" Gustong-gusto mo naman Nirra! Hahaha... "Fierro... Uuwi na ako mamayang lunch time..." Nanaman?! Ano ba ginagawa nito? Bakit palagi nalang siyang ganyan... "Pang-ilan half day mo na yan? Haha!" "Basta! Hahaha! Uuwi na ako..." "Sige bahala ka! Hatid na kita... Balik nalang ako dito pagkatapos.. " "Wag na.. Maaabala ka pa." "Hindi! Kung gusto mo maghalf day, hahatid kita..." "Ang kulit mo naman e..." "Bakit ba ayaw mong hatid kita?" "Wala lang... Maaabala ka pa kase! Hahaha.." "Maliit na bagay lang yon. Ano ka ba! Wala ka bang tiwala dito sa lalaking to?! Hahaha! Si Fierro to! Hahaha!" "Bahala ka nga! Sige na! Haha" "Nandyan na si ma'am.. Basta mamaya hatid kita! Hahaha.." "Oo na nga... Haha.." Ano bang tinatago mo Nirra? Every monday and thursday ka nalang lagi ganyan... May tinatago ka ba? Meron ba akong dapat malaman tungkol sayo? Fierro! Bakit mo ba siya pinagdududahan? Naging mabait siya sayo mula sa simula... Tanga ka ba? Kung meron man siyang tinatago... Kanya na yon! Basta ang mahalaga... Alam mong hindi siya yung kayang makasira sayo... Malakas kana nga Fierro... Marunong kana maglaro ng sitwasyon.. Kahit ganyan ginagawa mo Nirra... Hindi ka naman nagpapabaya... Nagkakatitigan kami ngayon.. Napansin niya ata na siya lang minamasdan ko magmula kanina... Napaka amo ng mukha niya para pagdudahan ko pa... Sa tutuusin nga.. Walang kahit anong dapat ipagduda sa babae na to... Pinagtataka ko lang.., bakit sa akin ka pa nagkaganito... Hindi mo pa talaga ata naiintindihan kung anong sitwasyon nating dalawa sa ngayon.. Tama ba ako? Nirra... Siguro para sayo sa ngayon... Umiikot ang mundo sa atin dalawa kapag tayo ang magkasama.. Pero Nirra... Maraming bagay sa mundo na hindi lang pag-ibig ang sukatan. Maraming bagay sa mundo na nabubulag ng matinding pagnanasa.. Maraming bagay sa mundo na minsan hindi na dapat pang malaman.. Dahil may mga bagay na kapag naintindihan mo na, kapag naranasan mo na... Malalaman mong mali pala ang ilan sa iyong akala.. Isasakdal ka lang sa katotohanang paghihinagpis lang ang dulot... Pero sana... Kapag dumating ang araw na yon... "Wui!!! You're not listening to the discussion! Why you look at me like that? Fierro.. Haha!" "Huh?! Haha.." "Why are you so distracted by this time? Dahil ba sa uuwi ako ng maaga? Haha.." "Ah.. Oo! Dahil doon! Haha.." Kinuha niya ang kamay ko at niyakap niya ng mahigpit. "Ano ka ba! Don't over think Fierro... May kailangan lang ako gawin kaya uuwi ako ng maaga! Haha." "No. It's not like that. May sumagi lang sa isip ko.." "Like what?" "Like... Paano kaya kung hindi narin ako papasok mamaya? Samahan nalang kita! Hahaha!" "No! No! No! No! Hahaha." "Bakit?! Hahaha." "Alam ko nasa utak mo!!! Ayoko! Hahaha.. " "huh?! Wala naman ako sinasabi ah! Hahaha!" "Kahit na! Alam kita! Haha." "Ikaw lang niyan may ibang ibig sabihin sa sinabi ko! Tsss.. Hahaha." "What ever Fierro! Basta wag! Pumasok ka... Haha." May tinatago ka nga... Pero siguro naman, wala akong kinalaman diyan. "Okay! Sige na! Haha." "Sigurado ka, ayaw mo munang kumain bago kita hatid?" "Wag na nga Fierro... We''re here na oh! Babalik pa ba tayo sa loob ng school?! Haha." Sabagay! Tama naman siya. May papalapit. Sina Ian at Romelito.. So, talagang magkasama na sila? "Nice car! Kanino yan?" "And so you're here?" "Bakit ba palaging mainit ulo mo sa akin Nirra? Haha." "Hey! Look... Nagkataong nakita lang namin kayo dito ni Sebastian.. Nagtatanong lang naman tong si Ian... Diba Ian?" "Oo nga! Haha!" "Akin to. Ayan. Nasagot na tanong mo.. Okay na?" "Sadya palang maangas ito e! Hoy Sebastian! Umayos ka ah!" "May sinabi ba ako? Alam mo Ian.. Hindi nakakatapang ang palaging mainit ang ulo... Maiwan na namin kayo... May lakad pa kami.." "Oo nga brad.. Hayaan mo na yang sina Nirra at Sebastian... Mamaya nalang..." Anong ibig sabihin niya don? "Fierro let's go.. Leave those freaks. " tama si Nirra... Wala akong mapapala sa mga to.... Siguro nga't nabilog ni Romelito ang ulo ni Ian.. Nakumbinsi niya na sumali sa fraternity nila si Ian.. Pero hindi ako kasing gago ni Ian.. Para magpauto sa gaya ni Romelito... "Hey!" "Ano?" "Parang napaka-inportanti nga ata niyan..." "Huh?! What do you mean?" "Nagmamadali ka bumaba dito e. May hinahabol ka ba?! Haha!" "Ah! Basta! Haha. Bye!" May sumalubong sakanya sa may gate... Nanay niya kaya yon?.. Nakatingin sa akin.. Parang ako pinag-uusapan nila... Mukhang may gusto siya sa akin.. Bababa nga ako para malaman ko... Habang nakaharap si Nirra sa kausap niya. Hindi niya namamalayan na papalapit na ako sakanila..."hello there..." "Kaklasi ka ba ni Nirra? Buti hinatid mo siya? Boyfriend ka ba niya?! " "Tita!!!" So, tita niya to? Hindi pala ito nanay niya.. "Tita naman e! Ikaw! Bakit kapa bumaba dito?! Bakit hindi kapa umalis?!" "Nirra! Bakit ginaganyan mo boyfriend mo? Iho... Tuloy ka muna... Ano nga palang pangalan mo?" "Ahhmm. . tita! Marami pa siya gagawin sa school... Next time mo nalang siya imbitahan.. Haha. Diba Fierro?!" "Fierro pangalan mo? Gandang pangalan naman! Nirra... Di mo pa ba sya dina..." "Tita! May kukunin pa ako sa loob! Nagmamadali ako! Haha!" May tinatago ba siya? Hindi niya pinatapos magsalita tita niya. "Huh?! May nakalimutan ka dito?" "Oo kaya! Haha." Baka ma-late pa ako.... "Tita. Nice to meet you po.. Actually, I have to go.. Papasok pa ako.. Nirra.. Alis na ako..." "Okay! Sige. Bye.. Ingat! Salamat sa paghatid!" Pabalik na ako sa kotse... Narinig ko pa tita niya nagsalita.. "Bakit hindi mo naman pinakilala ng pormal boyfriend mo...?" Kailangan mo ayusin ito Fierro... "Ahhmm... Tita!" "Yes? Iho?!" "Sa susunod na po ako bibisita dito... Tyaka po... Hindi po ako boyfriend ni Nirra.. Magkaibigan lang po kame..." "Ah... Ganon ba? Sayang naman... Haha. Sige.. Ingat ka iho.." "Sige po.. Salamat ulit.." Nakita ko sa mukha ni Nirra na bakas sakanya ang pagkagulo ng isip niya nung sinabi ko yon.. Gago ka talaga Fierro! Pero... Tama ka rin naman sa bagay na yon.. Sa masmagulong paraan mo nga lang nagawa ang gusto mo ipahiwatig kay Nirra.. Heto ka't hindi marunong mag-alala para sa iba.. Heto ka't binabaliwala ang pagpapahalaga sayo ng mga taong nag-aalala para sayo... Heto ka't pinaglalaruan ang mga bagay-bagay sa paligid mo... Ano ang susunod mong gagawin niyan? Ano pa ba magagawa mo pa? "Pare!" Sino to? Kaklasi ko? Hindi ko kasi kabisado mga pagmumukha ng mga kaklasi ko pati mga pangalan nila... "Ano?" "Kotse mo ba yung Civic na itim sa parking sa labas?!" "Oo.. Bakit?" "Tignan mo dali!!!" Nagmadali ako... Wag naman sana... Habang naglalakad... May nakita akong grupo ng mga lalaki na nakatitig sa akin... Na para bang hinihintay nila talaga akong dumaan... "Ayan oh! Tignan mo!" Putangina!!! Basag side mirror... Ginasgasan ng tatlong mahahaba ang harap at gilid... Pati backlight binasag din!!!! Sinong putanginang gumawa nito!!! Kanina lang... Gamit ko to ng maayos... Hinatid ko lang si Nirra.. Pagkalabas ko... Ganito na!!! "Sinadya to!!!" "Oo nga pare! Nakita ko nalang yan na ganyan." "Teka! Paano mo nalaman na ako may ari ng kotse na to?!!" "Oh! Teka lang tol!! Kalma ka lang! Baka ako pinagbibintangan mo... Narinig kasi kita kanina... Kasama mo sina Romelito.. Nung tinanong kung kanino to... Yon! Doon ko nalaman.. Ayun lang yung motor ko oh... Nandoon ako kanina.." Putangina!!! Sina Romelito?!!! Ganoon ba sila kagalit sa akin?!!! Si Ian ba may gawa nito?!!! Teka!!! Yung mga kaninang nakatingin sa akin... Namumukhaan ko yung iba!! Kasama sila sa roof top noong isang araw!!! Putangina kayo!!! Humanda kayo!!! "Sebastian! Balita ko.. Napagtripan daw kotse mo?" "Kanino mo nalaman Ian?!" "Sa kaklasi natin.. Ayun oh! Binalita niya.. Haha!" "Mukha bang may nakakatawa sa nangyari?!" "Wala! Pero nakakagalit nga yung ganyan... Lalo na't hindi mo alam kung sino yung gumawa non! Sakit non! Walang ganti.." "Can you please stop?! Ian?! Ako napipikon sayo e!" "Mabuti nalang nandyan ka lagi Nirra para ipagtanggol to no? Mabuti nalang... Kahit papaano... Mapagaan mo sana loob niyang si Sebastian.. Hahaha!" Tumayo ako at kwinelyuhan ko siya... "Ano?! Sasapakin mo ako?! Sige! Gawin mo!!! Ng makita mo hinahanap mo!!!" Tinititigan ko lang siya ng masama... Pinipigilan kong magawa ang gusto niyang mangyari... Nakita kong nag si tayuan mga kasama nila ni Romelito... Malaking gulo to Fierro kung dito ka manggugulo... Ano gagawin mo? .... Ngitian ko siya at binaba na ang kamay ko... "Duwag karin naman pala e!" "Hindi... Hindi ko lang talaga tinuloy... Kase tama ka... Masakit para sa iba na masiraan ng kotse nila na hindi alam kung sino gumawa... Diba?!! Hahaha.. Tyaka yung akin, under maintenance pa yon.. Mabuti nga't ganon ginawa... Pasok pa sa insurance... Haha.. Yung mga kotse kaya ng iba?! Kapag kaya napagtripan ng iba... Naka insurance pa kaya sila non?! Haha.." "Anong ibig mong sabihin diyan? Baliw ka nga talaga..." "Brad! Ian! Dito ka na... Hayaan mo na yan.." "Romelito... Siya nga pala... Yung sinabi mo sa akin dati... Sagot ko don... Oo! Magtatagal angas ko... Pasensya nalang sa mga mababangga ko... Hahaha!" Hinila ako ni Nirra... Pabulong niya akong kinausap... "Baliw kana ba Fierro?!!! Anong sinasabi mo?!!! Gulo yang ginagawa mo!!!" "Ganito ako!!! Wag mo akong pakelaman..." Binitawan niya paghawak sa kamay ko... "Oo nga naman... Bakit nga ba kita dapat pakelaman... Diba Fierro?" May ibig sabihin yung sinabi niya... Mananahimik nalang ba ako? Hindi... "Mamaya na natin pag-usapan yan... Nasa school pa tayo... Maniwala ka... Gets kita! Okay?" "Ikaw bahala... Ikaw naman mahilig magdikta ng lahat diba? Basta... Wag kanang gumawa ng gulo... Hayaan mo na yung nangyari... Please lang Fierro... Kung pinapahalagahan mo ako bilang KAIBIGAN mo lang naman!!!! Makinig ka... Kahit minsan lang!" "Sinabi ko na... Mamaya nalang yan! Okay na?! " "oo na!"
BINABASA MO ANG
Out Of My Weaknesses
RomanceThis is about the guy named "Fierro" who is so smart and passionate about life. But everything has changed in him. Because he felt out how to fall in love and how to be broken also by his First love. Everyone who knows Fierro in his former school go...