[2] tuliro

242 5 2
                                    

Para akong timang.. wala sa sariling palakad-lakad sa gutter ng kalsada.

Napakabait ni Papa God saken, hindi man lang nya ako in’informed na ganito pala magiging araw ko. Pumorma pa naman ako dahil nalaman kong may crush din sakin ang crush ko.

Ang baba pa ng nakuha ko sa quiz na mala’board exam sa hirap.

*sigh* (sabay sipa sa maliit na bato)

“ARAY!” galit na mataas na boses ng isang lalaki.

Sa gulat ko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. “malas ulit?!” bulong ko sa isip habang napapikit..

May naramdaman akong lumapit sakin.

“HOY! Wag ka nga mandamay ng kamalasan mo!”galit na wika ng lumapit na lalaki.

Napatingin ako. Pero imbes na magalit, di ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad..

“bingi ka ba?!” sigaw nya.

Huminto ako at lumingon sa kanya ng may napakalungkot na mukha.

“Sorry.” Tanging nasambit ko at tuluyan ng umalis.

Hindi ko nakita ang reaksyon ng lalaking iyon, pero alam kong nawirduhn iyon sa kinilos ko.

------------****------------

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko.

7:30.. kumaripas ako ng takbo. “Sh*t! late na naman ako!” ngmadali na ako sa pagligo at hindi na kumain ng agahan.

Pagdating ko sa klasrum. Nagtaka ako at nainis.

WALANG TAO. Nasan ang mga tao? Tinext ko si Eunice. Tinanung ko kung nasaan sila.

“..tanga! wala si mam. Di ba sabi nya may convention sila ng tatlong araw sa tacloban?”

Pabagsak akong umupo. Badtrip ulit!

At dahil naawa na ko sa mga bulate ko sa tyan, pumunta muna ako sa canteen at kumain.

Umupo ako sa tabi ng bintana. Pakagat na ako sa burger na in’order ko, nabingi ako s hiyaw ng ibang kababaihan. “tsk.. ano bang problema ng mga yun?” sumilip silip ako para makita ang sanhi ng kanilang pinagkakaguluhan.

Pero hindi ko Makita. -_-“

Tinuloy ko na lang ang pagkain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng may lumapit sakin. Matnagkad sya. Maputi at chinito. Habang nakatingin sya saken, napansin ko din ang pagtingin sakin ng napakaraming mata sa paligid.

Awkward.

“dito ka rin pala nag’aaral.” Sabay ngiwi nito.

Napataas ako ng kilay. “huh? Sino ka?”

Shut Up and Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon