EP1

7 0 0
                                    


According to the official online guide Palawan Island is located to the far west of the Philippine Islands, between the South China Sea to the northwest and the Sulu Sea to the southeast. The island is the largest of the province of Palawan, containing an abundance of wildlife and jungle mountains, and is mostly undeveloped.

Speaking of Palawan, ilang taon na akong 'di naka bakasyon doon. Halos mabilang ko nga lang sa mga daliri ko sa kamay. Sa t'wing doon ako magba'bakasyon minamalas ako o feel ko lang talaga na minamalas ako parati doon. Aish ewan! Pero ngayon mag-iiba na dahil makakasama ko na ang mga ever supportive best friends ko!

"Oh ba't naka nguso ka naman? Kanina mukha ka pa naming excited tapos ngayon mukha kang nanakawan" puna ni Patrice na naka pamewang. Kahit saang angulo tingnan mukha talaga siyang model. "Oh ba't ganyan ka makatitig? Susundutin ko 'yang mata mo kapag 'di ka tumigil!" bayolente nga lang.

Pumasok ito at biglang binagsak ang katawan nito sa higaan ko. "Dalhin mo na lang siguro 'yang mga poster ng EXO. Kanina mo pa 'yan tinititigan, baka matunaw na 'yan."

Kung pwede lang sana pero pwede na siguro yung mga photo album na lang nila Sasabihin ko na sana sa kaniya ito kaso nakita ko na lang na hawak na niya ang bag na pinaglagyan ko nito.

"Hoy babae ibalik mo 'yan" utos ko at sinuniod naman niya nang walang reklamo. Aba himala ito ah!

Humiga ito ulit at pumikit. Aba aalis na kami mamaya tapos iidlip pa ang isang ito. Kapag ito nakatulog bubuhusan ko talaga siya ng isang timba ng tubig para magising.

"Trice kapag nakatulog ka 'di talaga kita gigisingin at magisisi ka kung bakit nakatulog ka sa paghihintay."

"Umidlip lang matutulog na agad?" ani nito na naka pikit pa rin.

"Umidlip lang matutulog na agad?" pang gagaya ko. "Sabihin mo 'yan doon sa bago naming kapitbahay. Tss."

Ilang sandal ay binuksan na nito ang dalawang mapupungay daw niyang mga mata. "Totoo ba Gia?" out of the blue niyang tanong.

Anong totoo? Totoo na kami na ni Byun Baek-hyun? Aba secret pa naming nun dalawa. Paano niya nalaman? OMG! Nahuli kaya kami ng isang paparazzi at nakita 'yun ni Patrice?

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Alam ko na kung anong iniisip mo at itigil mo na iyang pag-ilusyon mo. Echosera ka" ang galing talaga mag-iba ng mood 'tong si Patrice. From serious to sarcastic.

"Di ko kasi gets yung tanong mo. Anong ---"

"Ah never mind" sabay tayo. Magaling din mamputol ng sasabihin ko. Weirdo talaga niya. "Maghihintay na lang ako sa baba. Gigisingin ko pa si Leigh."

So pumunta lang ito sa kwarto ko para mang-asar at magtanong ng 'di ko naman alam, o 'di ko lang ma-gets yung tanong niya. Pareho.

Pagkababa ko ay mukhang bagong gising lang si Caleigh at si Patrice ay naka-earphone lang.

"Anak bilisan mo at baka naghihintay na ang eroplano niyo!" pagmamadali ni mama.

Paanong hindi babagal eh alas sais pa lang ng umaga. Dapat tulog pa ako ng mga oras na ito eh! Naghihintay na sa labas ng gate ang van at nauna nang sumakay ang dalawang bruha sabay idlip. Sa may likuran nila ay may napansin akong tao. Isang babae at dalawang bata. Medyo malabo ang mga mata ko dahil sa naka ramdam ako ng antok. Nang lapitan ko medyo nagulat pa ako ng konti. Sina ate Mhyr at ang mga bata. Mahimbing sila nakatulog kahit naka-on na ang radio sa loob.

"Pinilit kong sumama si Mhyr mabuti na lang at pumayag" ani ni Mama sabay abot ng maleta ko. "Tulungan mong bantayan ang mga bata ha para makapag relax naman ang ate Mhyr mo" paalala ni Mama.Ginawa pa akong baby sitter. "AT huwag gumala sa ibang mga isla dahil kaka-18 mo pa lang" sabay "I'm-watching-you move. Eeeee! Pakiramdam ko tuloy na 'di ako mag e-enjoy sa bakasyon ko.

"Opo Ma. May iba pa ba kayong bilin?"

"Anak sasama ba sina Audre, Aimee at Marie?" umiling ako. "Bakit daw?"

"Ewan ko po" tugon ko. "Nung niyaya ko sila sabi 'di daw sila makakapunta. 'Di ko na natanong kung bakit kasi ano..ah..ano ---"

"Dismayado ka dahil 'di kayo matutuloy sa Seoul" dugtong ni Mama.

Seoul, Seoul, Seoul. Abot kamay na kita eh! Naging bato pa. Huhuhuhu.

"Sa susunod na bakasyon na lang kayo doon. Sa ngayon doon ulit sa Palawan kasi alam mo naman na madalang lang umuwi ang Tito Frank mo 'di ba at tsaka MAGHINTAY KA NG TAMANG PANAHON" sabay tapik sa balikat. 'Yan ang epekto kay Mama sa kakapanuod ng Kalyeserye.

Nagpaalam na si Mama na babalik na sa bahay dahil tatawagin niya na sa Papa n asana tapos na sa kaniyang ritwal. Pagksakay ko sa tabi nina Patrice ay kasama na ni Mama si Papa. Ang bilis naman. Nag'teleport ba si Mama?

"Bilis mo naman natawag si Papa, Ma" ani ko.

"Papunta na kasi siya dito kay sinabayan ko na siya at may nakalimutan akong sasabihin sa'yo" panigurado bagong bilin naman ito.

Uunahan ko na sana ito ng salita pero mas nauna ito, rapper ata 'to dati.

"Anak" sinadya nitong hinaan ang boses. "Malaki ang tiwala ko sa'yo at alam mo naman 'yan 'di ba" napatango na lang ako kahit na wi'wirdohan na ako.

"Alam mong sa una pa lang ay may duda na ako sa kaniya pero sinabi mong dapat kitang pagkatiwalaan kaya ginawa ko. Pero ngayon pasensya na anak."

Pagkatapos sabihin nun ni Mama ay bigla kong naalala ang tanong ni Trice kanina. Ngayon naiintindihan ko na.

"Anak? 'Di sa wala na akong tiwala sa'yo, sa kaniya lang. Sige aalis na daw kayo. Ingat doon ha" sabay halik sa pisngi ko. "I love you nak" sabay sara ng pinto.

Habang nasa biyahe ay napa'isip ako. Totoo kaya yung kasabihan na mas nauunang napapansin ng mga Ina natin kung peke ang ilan sa ating mga kaibigan? Sigurado. Pero alam kong 'di niya 'yun magagawa kahit... kahit na... itutulog ko na lang muna ito at baka pagka gising ko ay may mahanap akong sagot sa mga katanungang bumabagabag sa akin ngayon.

When In PalawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon