EP2

3 0 0
                                    

Ugh! Medyo masakit ang ulo ko! Pagka gising ko ay medyo malabo pa ang mga mata ko. Usually kapag pagkatapos ko magising ay dumidiretso ako sa C.R para humilamos. Ganda ng panaginip, parang totoo lang. Parang? C.R... humilamos na bago ko lang nagawa. Eh? Biglang nagising ang aking diwa at biglong nalito dahil nasa isang C.R nga ako ngayon. Paano ako naka'abot dito at...'di kaya. Lumabas ako ng C.R at ang maleta ko ay nasa tabi ng side table ng kama. Pamilyar din sa akin ang kwarto dahil...

"Isa ito sa guest room sa mansion nila Tito Frank. Ang ibig sabihin nito ay... DUMATING AKO DITO NG 'DI KO NAMAMALAYAN?!" Ugh! Paniguradong lutang na naman ako kanina. Ano pa ba ang bago? Kainis! Di ko tuloy nakita ang mga tanawin papunta dito. Kainis talaga!

Teka? Saan ba ang dalawang bruhang 'iyon? 'Di man lang ako ginising. Nagbihis muna ako ng komportableng damit bago lumabas. Nasa baba na ako ng biglang nagpramdam ang minamahal kong tiyan. Nang tingnan ko ang oras sa wrist watch ko ay pasadong alas once na ng umaga at sa pagkaka alala ko ay konti lang ang kinain ko kanina. Hay makakain nga muna bago ko hanapin yung dalawang bruha. Since kilala na ako ng mga dating maid dito kaya medyo wala na akong hiya kumuha ng pagkain sa ref.

"Ah Miss Gia" uy magalang at mukhang kasing edad ko lang. "May bago pong nilututo ang kusinero naming dito. Malapit na po yun maluto yung niluluto niya pero kayo po bahala kung gusto niyo na pong kumain" mukhang dudugtungan niya pa na sa totoo ay hindi na.

Yun siguro ang naamoy ko kanina pababa ng hagdan. "Okay lang" daw? Pero mukhang masarap naman yung pagkain kaya... kakausapin ko na lang tiyan ko mamaya sa salas."Tawagin mo na lang ako kung luto na ha" tumango naman ito.

Uupo na sana ko sa sofa nang bigla sumulpot out of nowhere yung babae kanina. "Luto na po" sabay ngiti. Napangiting peke tuloy ako.

Pagkadating ko sa dining area ay nakahain na ang pagkain at... mukha ako lang mag-isang kakain. Napalingon ako sa babae na ngayon ko lang napansin na medyo hawig sa anime' yung suot niyang maid uniform. Yun kina'aadikang anime' ni Marie... ano nga ang title nun? Nakalimutan ko, 'di ko kasi bet.

Medyo awkward na siguro kung tutuusin na kanina pa ako nakatitig sa kaniya at parang wala lang sa kaniya. Maid ba talaga 'to dito? Kung titingnan kasi sa balat mukhang hindi naman.

"Ah Miss Gia lalamig na po ang pagkain kung titigan lang po ninyo ako buong magdamag."

Agad ko binawi ang paningin ko. Baka mapanghinalaan pa ako nitong lesbian. Makakain na nga.

Inalalayan ako nito sa pag-abot ng pagkain at siyempre bago kumain ay nagdasal muna ako. Kumain na kaya yung dalawa? Kumain na siguro, yun pa sila. Mukhang masarap yung steak kaso 'di ko maintindihan kung bakit ah.. medyo malalaki yung hiwa. Kusinero ba talaga nila Tito yung nagluto? Sa pagkaka alala ko expert cook 'yun at 'di basta-basta sa larangan ng pagluluto. Bahala na nga, baka masarap... The moment na naisubo ko yung steak ay parang report na 'di pinaghandaan. Anuman ang mangyari go lang ng go. Gusto mo man umatras ay 'di maari dahil nasa harapan na kayo at dapat niyo nang tapusin kung ano ang nasimulan.

Binalingan ko ng tingin yung mukhang maid na hindi pero umiiwas 'to ng tingin. Kilala niya kaya nagluto? Aish! Sayang yung pagkain kaso mukhang maduduwal ko lang ito sa sama ng lasa. Siguro dapat sumubo muna ako ng apat pa o subukin ko na lang ubusin 'tong nailagay ko sa plato ko. Bahala na! O'order na lang ako ng milk tea para maalis yung sama ng lasa sa dila ko.

Mabilis kong sinubo ang pagkain na tila wala ng bukas. In this way 'di ko gaano nalalasahan ang pagkain. Sinasabayan ko na lang ng juice para malunok ko lahat na walang naluluwa. Pagkatapos ko kumain nilingon ko yung mukhang maid na hindi at wirdong naka-ngiti ito. Pansin ko lang puro wirdo ang mga tao ngayon. Hay epekto siguro ng El Nino.

Nagpaalam ako na magpapa hangin muna pero bago ako umalis ng kusina ay naisip kong itanong kung alam niya kung saan puwede mahagilap yung dalawang bruha.

"Ah sina Miss Leigh at Miss Trice po" aba naki Leigh at Trice, feeling close lang. "Sabi lang nila ay magpapa-hangin lang daw sila."

Sus! Mang gu'guy hunt lang yun dalawa. Malas lang nila dahil madalang may maraming turista dito dahil private resort 'tong island ni Tito. Nadismaya na siguro yung dalawa. Hihihihi!

"Si Tito Frank at Tita Athena?"

"Umalis po saglit. Babalik din po sila mamayang hapon o gabi na siguro."

Nagpaalam na ako na lalabas na at umalis na din ito. Papuntang kusina ata. Aware kaya siya na masama yung lasa ng pagkain?

Pagkadating ko sa dalampasigan ay nag-inat'inat ako ng konti. Nagsuot na din ako ng pang beach na sombrero at sun glass, pam'proteksyon laban sa sinag ng araw. Habang naglalakad ay napansin kong konti lang ang mga tao. Tama nga ang hinala ko na wala gaanong turista ngayon dito. Pero sa liit ng mga tao dito ay 'di ko pa rin mahanap yung dalawang bruha. Saan na ba sila? Kinain na ba sila ng lochness monster? O naisipan nilang mag-swimming pero inatake sila ng mga piranha o pating kaya ayun di na sila nakabalik sa dalampasigan? O di kaya in'abduct ng mga aliens' para gawing subject sa isang experiment para mas mainitndihan nila ang complex mind ng mga babae? Aish! Eto naman ang epekto sa kakapanuod ng science fiction movies.

Sa kakahanap sa dalawang bruha slash strolling in the shore kong drama ay may nahanap akong bar counter sa ilalim ng dwarf coconut tree. Um'order ako ng taro flavour milk tea dahil mahal ko si Sehun. Pagkatapos maihain sa akin ang aking order ay tinungo ko ang last na open cottage. Harap nun ang last na ding guest house dito Ito ang pinakagusto kong guest house ditto dahil may sarili na itong swimming pool, Jacuzzi, sauna na tulad na South Korea at ayon sa mga nakaka-usap kong housekeepers dito, maganda daw ang view ng dagat doon at nakaka relax. Gusto ko mang pumasok diyan para matingnan ang loob ay kaso palaging may umuupa doon sa t'wing nagbabakasyon ako dito.

Medyo nabo'bored na ako at may na'receive akong text galing kay Trice na nasa bowling alley daw sila. Kanina ko pa tine'textan pero ngayon lang nag'reply. Himala talaga't hindi niya naramdaman halos I'flood ko na siya ng messages.

Papaalis na ako ng may naka'agaw ng atensyon ko. Nga pala 'di naman gaano malayo ang distansiya ng open cottege sa mismong area ng bahay kaya nakikita pa rin ng klaro ang mga turistang umuupo doon, siyempre kapag lalabas sila. Hehehe.

May isang lalaking pamilyar na pamilyar ang hubog ng katawan ang lumabas. Kung 'di ako nagkakamali siya si...

"Kai?"

Humarap ito at... OMG! OMG! OH EM GEEE! Siya nga! Halos mabitawan ko ang hawak kong milk tea. 'Di niya siguro napansin na nakaka'titig ako sa kaniya ngayon at tumalon ito sa swimming pool. Sumigaw ito at tila may tinatawag. Ilang saglit ay isa-isa na sila nagsilabasan na Naka half-naked!

"OMG! OMG! OMG! Anak ng swerte!"

Gusto ko masigaw sa tuwa kaso baka makuha ko ang atensyon ng mga tao nasa paligid ko at baka ano pa ang maisip nila sa akin. Pero teka, may isa pang 'di lumalabas. Nung lumabas na ito.... Siya lang ang naka suot ng sando pero OMG! OMG! Totoo ba ito? Is it real? Tatawagan ko na ba si Kendra para malaman na totooo 'tong lahat at 'di lang likha ng ilusyon kong utak?

Nasampal ko ang sarili ko ng malakas. Mabuti na lang 'di gaano malakas ang sigaw ko. Medyo malakas pala ako manampal. Balik tayo, OMG! OMG! OMG! OH EM GEE! Halos dysfunction na ang utak ko dahil sa 'di nga ako makapaniwala. Nandito ang EXO. Nandito ang jagiya ko! NANDITO SI BYUN BAEK-HYUN MY LOVES! Ako na ang pinaka'maswerteng fan girl sa buong mundo. BWAHAHAHAHA! Mainggit kayo. BWAHAHAHA!

Hihihihi! Kung noon kahit gusto kong pumasok diyan sa guest house na 'yan ay 'di ako gumagawa o nag-iisip ng mga baliw na dahilan para lang makapasok. Pero iba na ngayon, mayroon na akong dahilan at gagawain ko ito. AT WALANG MAKAKA'PIGIL SA AKIN. BWAHAHAHAHA!

s

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When In PalawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon