k.

16 2 0
                                    

Walang pasok. Lunes kasi este Sabado. Yan nanaman ang mga kurikong kong classmates na puso naman ang pinagtripan.

Mr. Handsome (Kyle Vincent Villa):
Uy Jelly Ace?
Ako:
Bakit nanaman kalyo?
Sya:
Ampanget mo talaga.
Ako:
Sinasabi ko naman sayo na may boypren na ko at wala ka ng pag asa sakin.
Sya:
Okay.

Hinayaan ko na lang sya. Asar talo yun eh. Todo scroll ako ng bigla kong nakita yung picture nung boyfriend ko at nung GIRL bestfriend nya. So yun yung ginagawa nya kagabi? Ay kaya pala busy. Oo na nagseselos ako wag kayong magulo. Naninipa ako bagi nagseselos wag kayong lumapit sakin ngayon delikado.

Mr. Handsome messaged you
-
Oy tara.
-
San naman?
-
Gagala. Kahit san?
-
Sunduin mo ko.
-
Aba may taga sundo pa?
-
Oo ikaw nag akit eh. Libre mo pati.
-
Sige na.

Naglog out na ko. Nagbihis nakashorts at white v-neck shirt lang ako na may print na MNG. Saka sandals lang.

"Ange. Bilisan mo andito na si Kyle. " Nanay.

"Opo pababa na." Ako. Kilala nila si Kyle. Mabait naman yan mayabang nga lang. Kilala yan nila nanay laging tambay yan dito nakikiwifi eh may wifi naman sa kanila.

"Tara na?!" Ako. " Nay una na po kami. "

"Sige po." kyle.

"Sige. Ingat kayo. Balik agad?" Nanay.

"San tayo?" Ako.

"Basta." sya. Dala nya motor niya. Inabot nya sakin helmet saka sya sumakay. "Oh ano? Sakay na?"

"Wag mo kong dadalhin kung saan ah. " ako. Pinitik nya noo ko. "Ouch. "

"Kung ano ano iniisip. Loka loka." Sya. Sumakay na ko. Pumunta kaming Park malapit sa Subdivision nila Drake. May mga tinda ditong isaw. Favorite ko yun. Kaya dun agad ako pumunta. Frustated kaya magtatakaw. Sorry na. Nakalima na ko agad. Takaw ba? Hahaha.

"Dahan dahan baka maubos mo yung tinda ni ate? HAHAHA. " Sya.

"Hindi naman eh. Epal mo. Ate sige oh naito po bayad ko. Mamaya na ulit. Panira to eh. " ako. Tumawa naman si Ate sa sinabi ko. Hahaha

Umupo muna ako sa bench. Bumili si Kyle ng dirty ice cream binigay nya sakin yung isa saka sya umupo sa tabi ko. Bilis nyang makaramdam pag wala ako sa mood nag aakit agad maggala. kaya mahal ko yan eh. Oy di mahal bilang ano ah. Syempre bilang kaibigan.

"Oy Jelly Ace?" Sya.

"Ano?" Ako. Humarap ako sakanya at pinunasan nya yung sa may lips ko. Medyo nagulat ako.

"Kaya pala hindi mo sinagot tawag ko." Drake. "May kadate ka palang iba. " napatingin ako dun sa nagsalita at napataas ang kilay ko ng makita ko yung bestfriend nya. Kilala naman nya si Kyle ah.

"Ah so may balak ka pa palang magparamdam? " ako. "Tara na nga Kyle. " bago pa ko makatayo nahila na agad ako ni Drake. Ambilis nyang maglakad at ang higpit ng hawak nya. Nakakaladkad ako. Shit.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako." Pilit kong hinihila yung kamay ko sakanya pero dahil malakas sya. "Ano ba nasasaktan ako?"Sumunod na lang ako kasi parang walang naririnig eh. Sa bahay nila kami pumunta. Hila rin nya ako hanggang kwarto nya. Nung binitawan nya ko lalabas na sana ako ng kwarto nya ng itulak nya ulit pasara yung pinto.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Ako.

"IKAW ANG PROBLEMA KO. " Sya.

"Sa pagkakaalam ko wala akong ginagawang mali tapos magagalit ka? Nakakainis ah?" Ako.

Ang Boyfriend kong AwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon