CHAPTER 8-9:BULLIES

5 0 0
                                    

Chapter 8

"GOOD MORNING CLASS!!" masiglang bati ni Mrs.Cruz nang makapasok sya sa aming classroom..

Well, ano pa bang inaasahan nyong sagot namin?*ehem.Ehem*

tumayo kaming lahat at in..

3..

2..

1..

"GOOD M0R-NING MISIS CRUZ!!" parang robot lang no?!

Nga pala, 3 m0nths na since nung pasukan so meaning August na!Intramurals namin next week..

"So guys..I have an important announcement.." as usual..Bulungan galore na naman 'tong mga classmates ko..

"For talented singers and musicians pwede kayong mag-audition for music club..I'm expecting na dadalo ang ilan sa inyo. Pumunta kayo ngayong hapon after your last class.. So,let's proceed to our discussion"

Wala namang magandang nangyari sa loob ng 3 months.. Wala talaga! As in! Kasi palagi akong binubully ng grupo nila Ara at Maybelline.. Pati mga student teachers na magtuturo sana sa school..Wala pang isang araw umaatras na. Paano ba naman kasi! May ginuhit silang pulang X na may maliit na kung ano sa gitna ng gate at kung maapakan ng kahit na sino yun especially mga student teacher..

May Itim na balde na may lamang kaning-baboy ang mahuhulog sa ulo mo..
Mga teachers kasi iba ang gate na pinapasukan, ang mga studyante naman alam na nila kung anu yun.. Sa tinagal-tagal ba naman nila dito..

ewan ko lang..

Ako? Pag binubully? Okay lang talaga! Okay na okay na batuhin ka ng papel.. Itatago o isasabit ang mga gamit ko sa puno at WORST! Itatago nila sa male's cr!Pinagkamalan nga akonhg mamboboso daw! As if naman!Kaya okay lang talaga!

Nung isang araw nga ay nag-duda na si kevin na binubully daw ako nung nagkaroon ako ng pasa at sugat sa may binti.. Tinulak kasi ako ni Ara sa hagdanan ng building namin..

Si Kentarou naman.. Ayun laging tulog sa mga subjects kadalasan wala siya.. Ang duga nga eh! Di sya hinahanap ng mga teachers at in fairness sa kanya nakaka-catch up sya sa mga lessons at matataas ang grades niya! Lagi nga lang akong inaasar!

Teka nga lang.. Ba't napunta kay kentarou ang usapan?Heh!

"Shylie, subukan mo ngang tanggalin yang makapal na nerdy glasses mo! Total maayos naman ang mata mo! Kinikilabutan kasi ako kapag sinusuot mo yan eh!" Alam na! Si kevin! May pa ginaw ginaw effect pa ang qaqo!

"Naku kevin, gutom lang yan!" at pinasakan ko sya ng hotdog on sticks..Recess namin..

"O, sasali ka ba sa audition sa music club?" Tan0ng ni Kevin nang malunok ang pinakain ko sa kanya..

"Di na siguro! Ampanget ng boses ko eh!" Alam nyo yung salitang HUMBLE? Ako yun eh!Haha

"Tama! Baka gumuho pa ang mundo sa kapangitan ng boses mo! Hahaha"Aba!Talaga naman!

*Krriiiinnggg!!!*

Nagpaalam na kami ni Kevin sa isa't isa at bumalik na ako ng classroom..

Maya-maya lang dumating na ang Filipino teacher namin..

"Class,mag-iiba tayo ng sit plan..." nagsimula na si Mrs.Cruz sa paglilipat ng mga kaklase ko sa ibang upuan..

Haay..Bakit ba kasi ayaw mong labanan ang mga nambubully sayo Shin Kylie! Eh blackbelter ka naman sa taekwondo ah!

Alam ko na...kasi mabait kaya ako!

Talaga lang ha?

Oo naman!Ang bait ko kaya!

The Lost SymphonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon