CHAPTER 2: THE BROTHERS ANGER

78 1 0
                                    

Tinignan ko uli so mama pero talagang balisa na ito kaya hindi ko na talagang mapigilan hindi magtanong uli

"Ma, okay Ka lang ba?" Makailang tanong ko uli pati din pala si kuya napapansin din

"Oo nga mama okay lang ba talaga" ngumunguya pa iyan ng hotdog yuck! Kadiri talaga itong si kuya

"Ammm... Mga anak may sasabihin Sana ako sa inyo huwag sana kayo magagalit agad" naaalangan sabi ng ginang

"Bakit anu ba iyon Ma?" Tanong naman ni kuya Regie

"Anu kasi mga anak Tungkol ito sa papa ninyo" alangan sabi ni mama

Napatingin naman ako Kay kuya alam ko kasing ayaw na ayaw nitong pag-usapan pagtungkol kay papa tiim baga naman napakayum ang mga kamay ni kuya

"Ano naman ang tungkol sa kanya ,Ma" inabala na lang nito ang sarili sa pagkain

"Anak naman papa nyo pa din siya kahit na..." Hindi natuloy ang mga sasabihin pa sana ng mama ng magsalita si kuya

"Kahit na niloko, iniwan at ipinapalit nya tayo sa iba ganun ba Ma parang ang dali naman sa inyo na patawarin siya" hinanakit na sabi ni kuya

"Oo nagawa nyang saktan tayo pero mga anak naman asawa ko pa rin siya at papa nyo pa rin siya kaya sana naman bigyan nyo naman siya nang chance para kahit man lang sa akin mga anak" garalgal na sabi ni mama

Kahit naman ako maawa ako Kay mama kaya lang ayokong pangunahan so kuya

"Kahit ano pang gawin nya hinding-hindi ko siya matatanggap pa dahil wala siyang kwentang ama" diin na sabi ni kuya

"Regie! Igalang mo naman ang papa mo anak" naiiyak na si mama

"No Ma kahit ano pa ang sabihin ninyo lalo na pagtungkol sa kanya hinding hindi ko na pakikinggan pa excuse me tapos na ako at papasok na po ako"tumayo na ito at naglakad palabas

"Anak Regie..." Mahina na tawag ni mama

"Ma... Sorry kung hindi kita natulungan kay kuya" paumanhin ko

"Hindi anak naiintindihan ko naman wala kayong kasalanan o siya bilisan mo na dyan baka malate Ka pa" pilit na ngiti sabi ni mama

"Actually ma kanina pa po ako tapos nahihiya lang po ako umexit sa away nyo ni kuya hehehe" natatawa Kong sabi

"Kaw talagang bata Ka sige na sundan mo na yung kuya mo fun baka maabutan mo pa" nagliligpit na ito

"Okay po sige ma alis na po ako babye" paalam ko

Tumayo na ako at binitbit ang dadalhin ko paglabas ko naabutan ko nga si kuya na nagpapaandar nang motor nito

"Kuya!..." Tawag ko

Inistart na nito ang motor nito ng lumingon ito sa akin lumapit agad ako

"Bakit?" Tanong ni kuya

"Ammm... Kuya pwede pasabay kung okay lang naman" nagpabeautiful eyes pa ako para maawa sa akin at pumayag lang siya

"Okay suotin mo 'to" binigay nya sa akin ang helmet at umangkas sa likod into nagsimula na siya umandar nung Una mabagal lang siya pero maya-maya mabilis na ito

"Kuya bagalan mo naman gusto ko pang mabuhay" sigaw ko

Naririnig Kong tumatawa ito kahit inis na inis dito wala na ako nagawa pa kundi kumapit na lang

"Mamaya Ka lang sa akin" sabi ko sa sarili

Halos marami-rami na akong nakikitang estudyante sa paligid kaya ibig sabihin malapit na kami sa school na pinapasukan namin

Naramdaman kong binibilisan pa ni halimaw ang pagpapatakbo kaya kumapit ako lalo hanggang tumigil ito sa harap nang malaking gate




End chapter


____________________________________




Naku naku lagot ka Regie Alam mo kahit ako Hindi na ako sasakay pa dyan noh

Plz comment na lang po kung may pangit po itong chapter na ito
Thanks

Next chapter
THE SCHOOL

MAHAL KO ANG EX KO (Liezel & Michael)Where stories live. Discover now