Kung dati'y masahol pa sa aso't pusa ang turingan nina Joshua at Loisa sa isa't isa, ngayon dinaig pa nila ang mga love birds sa ka-sweet-an.
Si Loisa ang nagpabago at nagbigay ng liwanag sa buhay ni Joshua. Ang buong akala niya, hindi na niya matatagpuan ang babaeng binuo niya sa kanyang panaginip.
Pero mistulang naawa sa kanya ang langit para sa isang iglap ay makilala niya si Loisa.
Maayos na sana ang lahat kaya lang isang nakakabiglang balita ang ipinaalam nito sa kanya.
Pupunta ito ng Paris para sa isang training upang mapalawak pa ang kaalaman nito sa fashion designing.
Mahal niya ito kaya wala siyang nagawa kundi ang suportahan ito.
Magagawa ba nilang panindigan ang pagmamahalan ng isa't isa kahit malayo ang agwat nilang dalawa?
Mapapatunayan ba nila na walang mahirap sa dalawang pusong nagmamahalan?
~~
A/N: New storyyy! Please vote and comment! Lovelots :-*
BINABASA MO ANG
No Matter What [LoiShua]
Fanfiction"Kung sa paningin mo lagi kitang pinagdidiskitahan, I'm sorry for that... But, didn't you notice na nagpapansin lang naman ako? Hindi mo kasi ako pinagtutuunan ng pansin. Kaya nga pinili ko na lang na asarin ka, na awayin ka. Kahit paano sa paraang...