NMW- Chapter 1

84 5 2
                                    

"Best, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"

Nilingon ni Loisa si Maris ang matalik niyang kaibigan. Ito rin ang financier niya para maipatayo ang ever dream boutique niya na ngayo'y kilala sa buong nayon ng Batangas maging sa iba pang panig ng Pilipinas. Nakapagpatayo na rin kasi sila ng mga branches sa iba't ibang lugar.

She smiled sweetly. "Hindi lang sigurado. Siguradong-sigurado na!"

They were talking about the opportunity given to her by one of the greatest fashion company in
Paris. Isa siya sa mga delegado ng Pilipinas na maipapadala sa nasabing bansa para mas mapaglinang pa ang kanilang talento, as a fashion designer.

Opportunity knocks once. "So, why not gamble the chance, right?"

Ibinaba ni Maris ang bagong catalogue ng MAGIC FIT COUTURE ang hina-handle nilang boutique.

"Mukhang wala na nga talagang atrasan ang plano mo. Parang kulang na nga lang, eh, lumipad ka ngayon patungong Paris."

She let out a short laugh. "Halata ba masyado ang excitement ko? Hindi ko kasi inaasahang makakatanggap ako ng notice galing Paris para imbitahan sa isang free training. At consolation pa na makakasama ko ang iba pang nagsisigalingang fashion designer sa iba't ibang panig ng mundo. Flattered ako to the highest level!"

"Masayang-masaya ako para sa iyo, Loisa. At last, matutupad mo na ang pangarap mo."

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagguhit ng lungkot sa mga mata nito. Tinabihan niya ito.

"Sis, huwag ka ngang malungkot diyan. Eight months lang naman akong mawawala. Sa tingin ko naman hindi iyon katagalan."

"Eight months is equivalent to more than two-hundred forty days. Hindi iyon biro, 'no?

Maraming maaaring mangyari at magbago. At, mami-miss ka talaga namin ni Nicole," tukoy nito sa
batang inampon nito, na napamahal na rin sa kanya. "...lalong-lalo na si Joshua. Napag-usapan na rin lang natin siya, nasabi mo na ba sa kanya?"

"Kinuwento mo talaga best, ha?" pagpapagaan niya sa usapan. She took a deep breath, bago sinagot ang huling sinabi nito. "To be honest, hindi ko pa nababanggit sa kanya, eh."

Napapalatak ito. "'Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Two weeks from now, flight mo na 'di ba? Huwag mong sabihing, one day before your flight mo pa balak ipaalam sa kanya ang tungkol sa pagpunta mo sa Paris?"

"Grabe naman iyon, Maris. Eh, 'di riot 'yon kapag nagkataon. Tiyak na magagalit sa akin si Joshua."

"And what do you expect to be his reaction, ang magtatalon sa tuwa? Dati ko pa sinabi sa iyo na ipaalam mo na kay Joshua iyan, eh. Talagang malalagay kayo sa alanganing sitwasyon. Pag-aawayan n'yo pa iyan."

Napabuntong-hininga siya. "Best naman, huwag mo naman akong takutin. Siguro naman, maiintindihan ako ni Joshua 'di ba? Alam ko namang big deal din ang walong buwan pero mabilis naman lilipas ang araw at nasisiguro kong magugulat pa kayo kapag nakabalik na ko. Wala naman ding dapat ipag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko."

"I know that. Pero, hindi mo pa rin kasi maiaalis sa amin ang hindi mag-alala. Ang sa akin lang Loisa, sabihin mo na ngayon kay Joshua ang plano mong pag-alis. One more thing, keep in touch with us, okay?"

"I'll make sure of that."

"Ngayon makikita ang tatag ng relasyon ninyo ni Joshua."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Matter What [LoiShua]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon