TVOK 1- First Day

51 2 0
                                    

3 years ago

Yes! First day of school na naman. Excited na ulit akong makita ang mga kaibigan ko . Nagpunta kasi yung mga kaibigan ko sa iba't-ibang bansa para mag-bakasyon. Di ko man lang tuloy sila naka-bonding. Actually, nandito na ako sa harap ng paaralang pinapasukan ko. Bumaba na ako ng jeep at pumasok na.

Monreal Empire University, yan ang name ng school na pinapasukan ko. Mayayaman at makakapangyarihang tao lang ang mga nag-aaral dito. Scholar lang kasi ako dito. Meron ding mga katulad ko na 'mahirap' lang at scholar lang kaya kami din ang laging na-aapi dito. Salamat na lang sa mga kaibigan ko dahil sila lagi ang nagtatangol sa'kin.

"Karms!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Robelle Monreal. Maganda, maputi, matangkad at mabait pero kapag nagalit magtago ka na. Isa siya mga nagtatangol sa'kin. Sikat siya dito. Pamangkin siya ng may-ari nito. Siya yung pinaka-bestfriend ko eversince dahil simula 1st year high school pa lang magkasama na kami. Lagi rin kasi akong pumupunta sa mansyon nila dahil na rin sa mga activities. Mag-'isa' ko kasing binubuhay ang sarili ko. Working student ako sa isang restaurant malapit dito sa school. Pang-hapon ang schedule ko sa work since umaga ang start ng class ko. Next year graduate na kami then college na.

"Hey! Tulala ka nanaman diyan. Who's the lucky guy?"

"Baliw! Halika na male-late na tayo sa orientation!" Dali-dali kaming tumakbo papunta sa auditorium. Malapit na pala magsimula. Pagka-pasok namin, naka-tingin ang mga tao sa'min. Tinging ng pagka-mangha para kay Belle, pagkamuhi't pandidiri sa'kin.

"Tinitingin-tingin niyo? Dukutin ko mga mata niyo!" Sabay iwas nila ng tingin.

"Ay! Ang bastos mo Belle! What did you say? Ti-ni-ti?" Napalingon kami sa nagsalita.

"Wag kang ano diyan Morife!" Sabi ko. She's Morife Marasigan. Ang pinaka-maloko sa grupo namin. Black beauty. Mahilig siyang magsalita ng 'wrong english grammar' kahit fluent naman siya magsalita kaya kapag kasama namin yan nahahawa kami. Sila ang may-ari ng MM Network., talent company yan. Diyan nagmo-model si Belle.

"Anong-ano?" Dumagdg pa'to. He's Martin Del Vone. Isa pa 'to. Parehas silang maloko ni Mori. Bagay na bagay sila pero may iba silang gusto. Sayang.

"Wala. Halika na Karms magsisimula na." Hinawakan ni Belle ang kamay ko at nagsimulang pumunta sa iba pang kaibigan namin.

"Ay halikan daw!" Martin

"Lesbian nga sila." Mori

Natawa na lang kami. Pagka-upo namin ay saktong simula na. Kumpleto na pala kaming lahat dito. Ako, si Belle, Mori, Martin, Des and Michael. Ma. Desiree Jac, sila naman ang may-ari ng isang sikat na fashion clothing line dito sa Pilipinas. Michaelangelo Von Alegre, may-ari naman sila ng sikat-na-sikat na luxury restaurant sa iba't-ibang lugar dito sa mundo, ang the Michael Trattoria. They also own a culinary school.

Nagsimula na ang orientation, as usual ganun nanaman. Alam na namin yan simula pa nung nagsipag-aral kami dito. Bakit hindi na lang kasi yung mga baguhan yung i-orient katamad kaya.

"You may go now in your respective classes. Thank you." Sabi ng nagsasalita sa gitna.

"Are you go?" Holy cow! Duduguin nanaman kami dito kay Mori. Nagsisimula nanaman siya.

"We is yes." Martin

"Guys, can we go na ba? Baka ma-late na tayo first day pa naman." Sumunod na kami kay Ate Des. Lagi pa namang seryoso yan.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang 4th floor. Nag-escalator na lang kami, marami kasing naka-sakay sa elevator. High-tech ang mga gamit dito. Kumpleto lahat.

Pagkarating namin sa classroom marami ng naka-upo, nag-uusap, nagtatawanan, kinakalikot ang mga gadgets at may nagme-make-up pa. Umupo kaming anim sa dulo dahil yun na lang ang may bakante. Nasa 40 kami siguro sa isang klase. Isa na lang din kasi yung upuang bakante at sa tabi ko pa at tabi rin ng window glass. Maya-maya ay may pumasok na babae. Mukhang na mid-30's na siya.

"Good morning class!" Masiglang bati niya sa'min.

"Good Morning din po Ma'am"

"Since first day pa lang naman, magpakilala muna tayo sa isa't-isa. I'm Ms. Gonzales and I'll be your Social Studies teacher and at the same time adviser. Introduce yourself in front." Sabay turo dun sa babaeng ginawang coloring book ang mukha.

Umagang-umaga ang kapal ng foundation, eyeliner at super red na lips. Konti na lang ka-look-a-like niya na si McDo or si Joker.

"Hi my name is Kattrine Del Valle, 17, we own a shipping company. Isa kami sa pinaka-mayaman dito." Sabay kindat dun sa isa naming kaklaseng lalaki.

Bumalik na siya sa pwesto niya kanina. Isa lang masasabi ko sa kanya. Flirt. Sumunod naman yun lalaking kinindatan niya. So, Neil Darwin Monteverde is he's name. Infairness, gwapo siya.

Kinalabit ako ni Michael na katabi ko lang sabay nguso sa harap. Di ko namalayan na ako na pala susunod. Tapos na pala silang lahat. Nakakahiya nakatulala kasi ako. Kung di pa ako kinalabit di ko pa malalaman. Tumayo na ako at pumunta sa harap.

"Kamara Louisse Mon---Santos,17, I hope we can be friends." Paalis na sana ako nang magtaas ng kamay si Ms. Joker, si Kattrine I mean.

"What is your family business?"

"Wala." Sabay yuko.

"Is that so? How can you afford to study in this school if you're mahirap lang?" Maarte niyang sabi.

Pigilan niyo ako naku! Yung pagkakasabi pa niya ng 'mahirap' may accent pa. Kainis.

"How rude of you miss?" Sabay pasok ng isang matangkad na lalaki. Maputi. Gwapo.

"Maari ka ng umupo." Patungkol niya sa'kin.

Umalis na ako sa harapan at naupo. Umupo na rin si Ms. Joker.

"Ok ka lang ba?" Alalang tanong nila Michael sa'kin. Tinanguan ko sila at pilit na ngumiti.

"And who are you Mr?" Tanong ni Ma'am.

"Alexander John Marquez, 18" Tiningnan siya ni Ma'am kung may sasabihin pa siya pero mukhang wala na.

"You can seat at the last row, beside Ms. Santos"

Lumapit na siya papunta dito sa kinaroroonan ko. Tiningnan niya muna ako with his cold-blue eyes bago umupo. Nakaka-takot yung aura niya na tingnan ka pa lang niya kikilabutan ka na.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vengeance of KamaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon