"Ano ba Keith! Lagi nalang bang ganito? Sawang - sawa na ako! Nakakapagod na!" She shouted.
Palagi nalang , sinisigawan niya si Keith , para bang laging naghahanap ng dahilan para maghiwalay sila. Sa isipan ni Keith , nahihirapan na naman din siya ah? pero hindi siya kailanman nagreklamo , tinitiis niya lahat ng hirap , kasi mahal niya yung tao , ganun naman talaga diba? kapag mahal mo ang isang tao handa kang magtiis? Pero bakit ganito? Bakit umabot sa puntong , pati siya gusto nang bumitaw?
"Ano na naman ba Love?" tiis muna Keith , yan ang laging nasa isip niya.
"Ayan! Yan yung mali sayo eh , nagmamaang-maangan ka lagi , na pinapalabas mong ako yung mali palagi!" Gusto nang magwala ni Keith , nahihirapan na siya , pero kailangan niyang kumalma para masalba yung relasyon na meron siya ngayon kay Megan.
"Bakit kaya di mo sabihin sa akin kung anong nagawa ko diba? Hindi ako manghuhula Megan!" Hindi na siya nakatiis pa , puno na rin siya , kaya nasigawan na niya si Megan.
"Ngayon sinisigawan mo na ako? Bakit kaya di nalang tayo mag-break? Mas mabuti pa." Natulala nalang si Keith sa narinig , tinatanong niya sa sarili niya kung bakit ang dali lang para sa kasintahan ang makipaghiwalay? ganun nalang yun ? Hindi niya maintindihan , gulong gulo na ang isip niya. Napasabunot nalang siya sa buhok niya.
"Why? Ganun nalang ba kadali yun? Akala ko ba mahal mo ko? " Tanong niya kay Megan.
"Keith , we need to find ourselves , we're messed up , hindi ako tanggap ng pamilya mo , hindi ko na kilala ang sarili ko , hindi ko na rin mahanap kung ano yung minahal ko sayo , We're both lost Keith , we have to find ourselves" Hindi pa rin maintindihan ni Keith , hindi niya alam ang sasabihin sa kasintahan.
"Sana naman maintindihan mo ko , bigyan natin ng time ang isa't isa , let's breathe , nasu-suffocate na kasi ako , at alam kong nahihirapan ka din , at ayaw kong umabot sa time na kinamumuhian na nating ang isa't isa , I Love You but we have to let go , hmmm ? "
Niyakap ni Megan si Keith , They're both crying , parehong nahihirapan , parehong mahal ang isa't isa , pero sinubok ng tadhana , they have to learn to let go and find happines.
Sometimes letting go of the person you love doesn't mean youre done. You just have to find each other happiness and if you still can't , then that's the time to decide , who your real happiness is.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
boooooyaaah! guys , nasimulan ko na naman ng isang chapter , hindi mawala sa isip ko yung scene eh , medyo mabigat ata tong story na to haha
Kakayanin :) Thanks for reading ;)
Twitter: delusionalEye
BINABASA MO ANG
Unending Chase
Teen FictionChasing for love....and for the one you love? It's Unending. The Keith John Story.