Sa Pangalawang Pagkakataon (One Shot)

221 8 0
                                    

Hindi ko alam kung pano't baki't nagbalik ako sa nakaraan. Para bang nagkatotoo ang time machine ni Doraemon, na dati'y pinapangarap ko lang.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa dating lugar kung saan ako naiwang luhaan. And that was a year ago.

Sa pagkakataong ito, naisip ko.. kung mauulit ang nangyari sa nakaraan ay babaguhin ko ang tadhana ko. Babaguhin ko ang nangyari sa araw na iyon. Maisalba ko man lang ang sarili ko sa kahihiyan. Maisalba ko man lang ang natitira kong dignidad.

Unti-unting naaninag ko ang lalaki sa aking nakaraan. Tandang tanda ko pa, parehong pareho ang suot niya at ang baon niyang ngiti sa akin nung araw na iyon. Kaparehong kapareho pa rin ng dati.

Lumapit siya sa akin. And for a moment, I was stunned, again. I was stunned by his looks and the way he smiles. It gave me creeps, for the nth time around.

Nakatingin lang siya sa akin, ako naman ay parang napako sa aking kinatatayuan. Napakagat ako sa labi ko at napayuko.

Lumapit siya sa may tainga ko at bumulong.

"Long time no see."

Tumindig angbalahibo ko dahil sa ginawa niyang iyon. Ganun din ang eksaktong sinabi niya nung araw na yun.

Napatingala ako at nakita ko siyang nakangisi sa kawalan, o baka para sa akin pala iyon. Kung ano mang dahilan ay hindi ko alam.

"Wala man lang bang long time no see din diyan?" Tanong niya at ngumuso pa.

Hindi ako kumibo o gumalaw man lang. Déjà vu, yun ang naisip ko.

"Ano? Napipi ka na ata?" Ngumuso ulit siya, ewan ko kung nagpipigil ba ng tawa.

Nakita ko ang iilang tao sa paligid. Nakangisi silang lahat at parang nakatuon ang tingin sa aming dalawa.

"A-anong kailangan mo?" Tanong ko ng makahugot ako ng lakas ng loob. 

"Wala naman. Namiss lang kita." Aniya at ngumuso ulit.

Alam kong iba ang ibig niyang sabihin doon. Taliwas sa iisipin ng ibang taong nandirito ngayon.

"L-lubayan mo na ko." Bulong kong siguradong narinig niya dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

Umiling siya at ngumisi ng todo.

Bigla na lang niya akong niyakap at alam ko na kung ano ang susunod na magaganap. Ganitong ganito yung nangyari noon. At hindi ko alam kung maiiwasan ko pa ito sa ngayon.

Sunod sunod na halakhakan ang narinig ko, pati na din ang taong nakayakap sa akin kani-kanina lang.

Wala na akong nagawa. Kulang na lang ay lamunin ako ng lupa. Hindi ko na naiwasan ang kahihiyang minsan ko ng natamasa.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong napahiya. Kahit pa sabihing ito'y sa panaginip lang pala.

Sa Pangalawang Pagkakataon (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon