Finding My Destiny [one shot]

107 3 0
                                    

Sabi nila, hindi mo dapat minamadali ang pag-ibig.

Let it find you. Dont find love.

Kusa naman daw dadating yan eh.

It's called destiny.

Hi! Im Janine. 18 years old at college student.

Naniniwala ako sa destiny. Na pag sya na talaga yung para sayo, kayo talaga.

Hindi daw dapat hinahanap ang taong mamahalin mo. Kasi dadating daw yun sa tamang panahon.

Well, hindi ako naniniwala dyan.

Pano kung nasa shell ka lang buong buhay mo?

O hindi ka lumalabas ng bahay nyo maliban kung may pasok? Tapos anti-social ka pa.

May kakatok ba sa inyo para sabihing, "Ako ang Destiny mo!"

Pwede ba yun?

Hindi mo malalaman kung sya yung taong nakalaan para sayo kung hindi ka mag-eeffort na alamin

Hindi lahat ng love story instant.

Kaya ako, hanggat maari, naghahanap ako ng lalaking pasok sa standards ko. Baka kasi yun ung soul mate ko. Choosy na kung choosy. Pero lahat naman tayo may standards diba?

Yung lalaking gusto ko, matalino, kahit hindi sobrang gwapo basta hindi naman pangit, kahit hindi rin mayaman basta responsable, mabait, at higit sa lahat: mahal ko at mahal ako kung sino at ano man ako.

NBSB ako. Wala eh. Hindi ko sya mahanap.

Marami akong crush. Normal naman yun diba? Mga lalaking nakakapasa sa standards ko. Minsan nagiging stalker na ako at mga kaibigan ko. Pero, nawawala din yung attraction ko sa kanila. May mga nanligaw na rin, pero wala talaga.

Nasasabi ko na lang sa sarili ko, "Hindi sya yung hinahanap ko."

Laging sinasabi ng mga kaibigan ko na wag ko daw hanapin yung destiny ko. Kasi kung kami daw talaga, magtatagpo kami whatever happens.

Ang katwiran ko naman, paano kung nagkatagpo na kami. Sa school, sa canteen, sa mall, o sa kahit saan man. Paano kung aksidenteng nakasalubong ko na pala sya. Tapos hindi ako nag-effort para hanapin sya. Para mahanap yung destiny ko.

Kaya minsan, it's okay to FIND LOVE.

******

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko. Papasok na ako. Second week pa lang ng klase, 2nd sem na namin.

Umupa ako ng apartment na malapit sa university. Para hindi hassle syempre. Nasa tapat ng kalsada ung pinto ng apartment.

Maya-maya, may kumatok.

Kinuha ko na yung bag ko kasi si Kat na yun. Kaibigan ko si Kat at sa kabilang pinto lang sya ng apartment nakatira.

"Papunta na." Sabi ko dun sa kumakatok.

"Tara---" nagulat ako sa napagbuksan ko.

"Uhmm, excuse me Miss. Pwede magtanong?"

Hindi si Kat ung kumatok. Isang lalaki na naka-uniform ng Engineering Department ng school. Matangkad, maputi, at hmmm, sige, gwapo sya.

"Si-sige ano yun?"

Argh Janine! Why are you stuttering?

"San ba papuntang *toot toot* University? You know, transferee kasi ako. Medyo naliligaw lang. Sorry sa abala."

Tapos nagsmile sya habang kumakamot ng ulo. Parang nahihiya pa sya. May dimples sya sa mukha. Haha. Ang cute nya!

*dugdug dugdug dugdug*

Finding My Destiny [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon