"Uy, Jean may naghahanap sayo!" sabi ni Anne, bestfriend ko.. Nandito kasi yan ngayon sa apartment ko, makikitambay daw ang loka..
"Oh, sino raw yan!? Kung yan yung naniningil ng renta dito sa apartment, sabihin mo wala ako, nasa school kamo.." sigaw ko mula rito sa cr ''eh pano ba naman kasi, wala pa ko petaks hndi pa nagpapadala si Mudra yan tuloy di ako makapasok at makabayad ng renta. Hay
"Hindi eto yun naniningil ng renta! Si- si ano..." nabubulol na sabi ni Anne..
"Ano na? Ba't di mo masabi kung sino yan?" anong nangyari sa lokang yun!? Mapuntahan nga!
At sa hindi ko inaasahan, nandito siya at sigurado akong mangungulit na naman siya! Arrggg!
"Hi Anne, Hello Jean! :D" masigla niyang bati. Tss, nkakaimbyerna..
"Ba't nandito ka? Pano mo nalaman kung saan ako nakatira??"
"Easy ka lang Jean, kapitbahay mo ko kaya malamang alam ko kung san ka nkatira.. Saka nandito ako para mkita ang mahal ko.." nakangiti niyang sabi.
Tsk! Oo nga pala. Nilimutan kong kapitbahay ko yang ungas na yan.. Pano ba nman kasi, biglaang lumipat dito sa Gen. Avenue..
"Sus, mahal mo muka mo! Lumayas ka na dito. Chupi!"
"Makataboy naman sa poging katulad ko. Tss, alam ko namang may gusto ka rin sa'kin. Pakipot ka pa!"
"Tama na Mr. Rodrigo! Masyado nang mahangin.." at pagkatpos kong sabihin yun, agad kong sinira ang pinto..
Nakakainis naman kasi. OO gusto ko siya. Eh pano ba nman kasi, sinong hindi mahuhumaling sa kanya. Napakagwapo niya, maputi, matangkad, matalino, makulit, mayaman, mahusay sa sports at higit sa lahat hearthrob siya sa school namin.. Pero may isang bagay na ayaw ko sa kanya, yun ay ang hindi mo malaman kung nagsasabi siya ng totoo. Puro kasi yan joke, tulad nalang nung sinasabi niya na mahal niya daw ako pero lagi naman may joke sa huli.
Ayokong umamin na may gusto ako sa kanya kasi ayokong masaktan, umasa at mapahiya...
Sa Open High University...
"Mahal kita.." sabay seryosong tingin sakin at biglang sabi ng JOKE! sigaw ni Andrei dito sa loob ng gym.. PE kasi namin ngayon..
Naku ayan na naman siya. Mangungulit na naman at ako naman si gagang kikiligin ng palihim.. Naku, Jean wag mo siyang pansinin, nantitrip na naman yan.. Makatalikod na nga lang. Nadidistract ako sa gwapo niyang mukha eh. :/
Sa pagtalikod ko, bigla naman siyang sumigaw ng...
"Aish, ang manhid mo talaga Jean!"
Agad nman akong napalingon.. "Teka, anong pinagsasasabi mo jan?"
"Bingi ka ba!? Sabi ko ang manhid mo! Bato ba yang puso mo!? Kaya walang nagtatangkang manligaw sayo eh kasi ang sungit snugit mo at manhid pa.." pasigaw na naman niyang sabi.
So, kailangan talaga niyang isigaw yun at ipamukha sa'kin na wala akong manliligaw dahil sa ugali ko.. Sa hndi inaasahan, naramdaman kong may tumutulo na palang mga luha mula sa mata ko.. Hays, ba't ngayon ka pa tumulo at sa harapan pa niya talaga..
Pero no way highway, kailangan kong sumagot sa sinabi niya..
"Hoy, lalake. Hndi ako bingi. Sadyang sinabi ko lang yun kasi hndi ko alam kung anong ibig mong sabihin sa sinabi mong yun. At kung yung puso ko ay bato, edi sana patay na ko!" Gaga mo Jean, nakuha mo pa talagang mgbiro nu. "Oo manhid ako at masungit. Eh ano nman sayo? Ano ba kita!? Sus, walang pakialaman ng buhay dre!"
"Mahal kita Jean.. Mahal na mahal !" sagot niya sakin..
Ano raw? Mahal niya raw ako? Sows, si koya! Maka-mahal eh hindi nga niya magawang iparamdam.. Masaya man ako at kinikilig sa sagot niya. Kaso baka joke na naman yan at pag ako naniwala, sigurado akong pagtatawanan ako niyan.. Hmm.
Makatalikod na nga lang! (ayan na naman yang talikod na yan, hilig kong gumanyan ah!) kaso bigla niyang hinablot yun braso ko at...
bigla akong hinalikan sa...
lips...
Ow men! Ang first kiss ko.. wala na! Hindi na virgin si lips. Huhuhuhu....
"Ba't mo ginawa yun!? Nababaliw ka na ba ha??" maiyak-iyak kong sabi.. pano ba naman kasi yun first kiss ko wala na.. huhuhu..
"Oo, baliw na nga ko.. baliw na sa'yo. Mahal kita ng sobra, Jean! Alam mo bang ginawa ko ang lahat para lang mapansin mo ko.. Halos araw araw na kong sumisigaw dito sa campus masabi lang na mahal kita.. lumipat pa ko ng bahay sa tabi ng apartment mo para lang makita kita araw-araw, gabi-gabi kasi sobrang miss na miss na kita.. Hindi ka kasi pumapasok. Sinasabihan na nga ko ng mga tropa ko na ang tanga tanga ko raw kasi sayo pa ko nagkagusto, eh ang sungit-sungit mo raw. Marami naman daw diyan iba, ba't daw ikaw pa!? Eh anong mgagawa ko? Ikaw ang mahal ko eh. Ikaw napili nitong puso ko. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng dating mo sakin, eh lagi mo kong sinusungitan at hindi pinapansin sa tuwing sinasabihan kita na "Mahal kita" nakita ko ang seryoso at maamo niyang mukha habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Ba't nga ba di ko naisip na lumipat siya sa tabi ng apartment ko. Tama! ang manhid ko nga.. Kaya naman, ito na ang panahon para sabihing mahal na mahal ko rin siya..
"Mahal din kita Andrei. Matagal na. Ayoko lang umamin kasi baka masaktan ako. Baka sabihin mong ang kapal ng mukha ko para sabihing mahal kita. Eh sino ba naman ako? Isang simpleng masungit na babae tapos ikaw isang hearthrob.."
"Shhh... Wag mong sabihin yan. Kahit na sungitan mo pa ko araw-araw. Walang magbabago.. Mahal na mahal pa'rin kita Jean.. So mahal kita.. mahal mo ko. Ibig sabihin ba nun, tayo na??"
"Corny mo Andrei.. Hahaha! Manligaw ka muna. Hihihihi."
"Ngek. Sige na nga.. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko lahat ng gusto mo. Alam ko namang sasagutin mo agad ang isang gwapong nilalang na tulad ko. :D"
"Kapal lang Mr. Rodrigo. Hahaha." sabay palo ko sa braso niya.. "Pero, teka bakit sa tuwing sinasabihan mo ko na mahal mo ko? Eh laging my joke sa huli??"
"Ahh yun ba? Kaya laging may joke sa huli kasi...
Jean Olivia K. Eleanor, ang initial ng fullname ng mahal ko.."
Dedicated po kay Ate Casper. Hehe! padaan po. Ingat :))