Chapter 1: First Meet-up

21 0 0
                                    

     

      Siya si Zafreen Micaiah Nicolas. 17. Manila. Studying at St. Luke's Academy. Daddy's girl si Zaf at may kapatid na lalaki, si Zethe Calum. Bata pa lang, namatay na ang ina niya dahil sa breast cancer. Siya ay maganda, matalino, simple pero may dating. Isang babaeng hindi naniniwala sa pag-ibig. In short, BITTER. Playgirl siya at halos lahat ng lalaki, nagkakandarapa para lang maging girlfriend siya. Wala naman siyang past boyfriends pero mahilig lang siya paglaruan ang damdamin ng iba dahil lahat daw ng lalaki ay pare-pareho. Napagtanto niya ito nang saktan ng isang lalaki ang kaibigan niya na si Hadley. Halos mabaliw yung kaibigan niyang yun kaya sabi niya sa sarili niya, "Hinding-hindi ako magpapakatanga sa lalaki. Peksman." At dito niya nakilala ang lalaking nagpabago sa pangakong binitawan niya.

At School

Zaf's Pov

     Nandito na naman ako ngayon sa school. As usual, nagkakagulo na naman yung mga tao dito. Ewan ko bah. Ang madrama. Manliligaw lang, dapat talaga sa public pa? Eww. Not so romantic. Habang palakad ako sa hallway, nadaanan ko yung lalaking gustong manligaw sa babae at alam mo ba kung anong naging reaction ng lalaki sa akin? Abah. Kinindatan pa talaga ako ha. Akala mo kung sinong gwapo. Yuck. So, eto na nga. Lakad lang ako nang lakad ng hindi tumitingin sa dinadaanan ko kasi may hinahanap akong notebook nang biglang.....

*BOGGGGSSHHHHHHH*

ARAY! Ang sakit nun ah. Ang sakit ng pwet ko sa pagkakabagsak.

"Yan kase, hindi tumitingin sa dinadaanan. Yan tuloy nakaperwisyo pa. Badtrip naman oh." Reklamo ng lalaking nabangga ko.

"Sorry naman. May hinahanap lang kasi ako." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya kaya hindi ko malaman kung gwapo siya o hindi.

"Tumingin ka nga sakin. Huwag kang bastos, Miss." Iritadong sabi niya at tumingin nga ako. Tumigil siya sandali at tinuloy ang sasabihin niya.

"Sa susunod Miss, huwag kang tatanga-tanga. Kung may hinahanap ka, marunong ka naman sanang tumingin-tingin sa dinadaanan mo. Nagmamadali kasi ang tao eh." Galit niyang sabi sabay walk out.

Nang tumingin ako sa kanya, gwapo nga siya. Gwapong gwapo pero mukhang playboy. Btw, back to reality.

Umalis siya na hindi pinulot ang bag ko at libro na nahulog. Wow naman! Ang gentleman. *clap clap*

Jac's Pov

Hi guys. Sa mga di pa nakakakilala sa'kin, I'm Jarrell Carson Javier. 18. Gwapo at habulin ng mga babae. HAHA. Btw, ako pala yung lalaking nabangga ng babae kanina. Bwesit yun ah pero maganda siya. Pwede na maging girlfriend for 1 month.

Lakad ako nang lakad hanggang sa makita ko na ang mga barkada ko.

"Ui, Anyare? Ba't nakakunot na naman yang noo mo?" tanong ni Dylan sa'kin.

"Oo nga. Babae na naman ba?" singit ni Frost.

"Wala wala. Nabangga lang kasi ako kanina ng babae." sagot ko.

"Maganda ba pre?" tanong ni Philip na kararating lang.

"Pwede na." sabi ko.

"So ano? 1 week? 1 month?" tanong ni Dylan.

"Anong pinagsasabi mo?" litong tanong ko.

"Eh diba maganda? So, ano ang plano? May balak ka ba?" tanong naman ni Philip.

"Okay okay. 3 months. Try natin kung kakagat agad." sabi ko sabay grin.

"Alam mo na ba ang pangalan?" tanong ni Frost.

"Hindi pa pero aalamin ko. Haha. Playboy mode on." sabi ko.

Ringgggggggggggg!

"Pasok na tayo, mga tsong. Time na." sabi ni Frost.

Zaf's Pov

Ang sungit naman ng taong yun. Maka alis na nga dito. Malapit na sana ako sa room ko nang makita ako ni Lucas.

Lucas Rafael Romeo, isang hamak na lalaking patay na patay sa'kin.

"Hi, Zaf. Gumaganda ka yata ngayon. Zaf, be my girlfriend again." Pagmamakaawa niya sa'kin.

"HAHAHAHAHAHA XD" Napatawa ako nang malakas sa sinabi niya.

Napatingin tuloy ang ibang tao sa akin.

"Bakit? Ano ba ang masama dun?" Tanong niya.

"Hahaha, wala lang. Ikaw? Boyfriend? Oh please Luke, stop hallucinating, okay? We're done and you as my boyfriend last month was so boring. Wake up!" Sabi ko sabay snap ng fingers ko sa kanya at umalis.

Sa lahat ng lalaki na pinaglaruan ko, hinalikan ko, mapa torrid man o smack lang at naging boyfriend ko na hindi naman seryoso, si Lucas lang yung lalaking ayaw tumigil. Nakakairita na. Tsk. -_______________-

Well, pumasok na lang ako sa classroom ko at iniwan si Lucas sa kinatatayuan niya. Haha. Stupid jerk.

Nang pumasok na ako, rinig na rinig ng buong school siguro ang sigaw ni Hadley. De joke lang. Haha. XD

"ZAFREEN MICAIAH NICOLAS, I MISS YOU!"

Siya si Hadley Adeline Ferrer. Only bestfriend ko.

"Aray. Pwede ba, wag kang O.A." iritang sabi ko sa kanya.

"Ang sungit mo te. Ano ba ang nangyare? Lalaki na naman ba? Kinukulit kana naman ba ng mga LALAKI MO?" sabi niya.

"Aray. Inemphasize talaga ang word na 'LALAKI MO'?" sabi ko.

"Abah oo te. Truth hurts noh? Haha. Halika na, magsisimula na ang klase." sabi niya.

Tingnan mo to, parang baliw kung makatawa at makahigit sa'kin.

Nagsimula lang yung klase at maganda naman yung topic. Makikinig na lang ako dito para hindi ako mapagalitan dito nang biglang hampasin ako ni Hadley sa likod na hindi naman malakas pero, hindi ko lang siya pinapansin at pinatuloy ang pakikinig.

"Pssst. Zaf, may sasabihin ako sa'yo. bulong niya sa'kin.

*Hampas*

*Kinig*

*Hampas*

*Kinig*

Nang mapansin niya na hindi ko siya pinapansin, tumigil siya.

After 5 mins.

Akala ko, hindi niya na ako kukulitin ulit kaso....
.
.
.
.
.
.
Naghihintay lang pala siya ng timing na tumalikod si Miss at ayun, linakasan niya na ang paghampas sa'kin at dahil dun, bigla na lang ako napasigaw na umagaw ng atensyon ng lahat.

"ARAAAAY!" sigaw ko.

"Miss Nicolas!" galit na sabi ni Ms. Kalungkot.

"Yes, Miss?" nakayukong sabi ko.

"Why are you shouting? You're interrupting my class." galit parin na sabi niya.

"Sorry, Miss." sabi ko.

"Nope. I won't take this for granted. Now, you go out and don't you ever interrupt my class again." sabi ni Miss in a cold tone.

To be continued....

Let The Game BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon