TeddyBear [One Shot-Story]

37 3 0
                                    

TeddyBear [One Shot-Story]

Written by:

  StoryLoverMe

All Rights Reserved 2013. TeddyBear [One Shot-Story]

Do not plagiarize my story. Do not post this to other site without my permission. Please do respect the owner.

*************

Masaya na sana kung nag-isip lang akong tama.

Hanggang ngayon kasa-kasama ko pa sana siya.

Hanggang ngayon sana may kayakap pa ako.

kung hindi lang ako naging manhid.

Ako si Mia. 16. fourth year highschool.

Masaya ako sa piling ng boyfriend kong si Jarel.

Gentleman, mabait, masayahing tao, at higit sa lahat mahal ako.

isang year na kaming mag boyfriend & girlfriend.... Pero sa isang taon na yun

ni minsan hindi ko pa narinig na nagsabi siya sakin na MAHAL niya ako.

Haha ! tama hindi ko pa narinig yun... sa mahigit isang taon naming magkasama.

Lagi nalang siyang nandun sa sa mga kaibigan niya. Barkada niya lang lagi niyang kasama ! minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung mahal nga ba talaga niya ako.

Gwaapo siya, popular sa school namin. kaya nga maraming nagkakandarapa sa kanyang mga babae eh !!

Madalas nga nagseselos ako. pero dahil mahal ko siya at boyfriend ko siya ... siyempre nagtiwala ako sa kanya... sinasabi ko nalang sa sarili ko na hindi dapat mag selos kasi ako ang girlfriend niya kaya hindi dapat magselos, tiwala lang.

Araw araw akong niya akong binibigyan ng TeddyBears. hahaha Ou araw araw.. eh para na ngang bodega ng teddeybears ang kwarto ko eh.. halos mapuno na !!   ^_____^

Hanggang sa dumating ang birthday ko. hinintay ko siya pero hindi siya dumating. ni text o tawag wala ! pero hindi parin ako sumuko. it's around 11 pm na. pero hinintay ko parin siya.

*Buzz*buzz*

tiningnan ko kung sino yung nagtext.... 

^_______^

Fr: Mahal ko <3

 labas ka muna may ibibgay lang ako sayo.

Nabuhayan naman ako bigla nung nagtext siya sakin. Kahit matagal okay lang basta dumating siya !!!

"Jarel" sigaw ko pagkalabas ko ng gate sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"hi" yun lang sabi niya.

"ahhhmmm... dumaan lang ako para may ibigay sayo. nakalimutan ko kasing ibiigay sayo eh. eto oh !" inabot niya sakin ang isang teddybear.

"sige alis na ako..goodnight" yun lang sinabi niya tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sakin. pero pinigilan ko.

"sandali lang..." napahinto naman siya.

"bakit ?" 

"hindi mo ba alam anong araw ngayon ?"

"huh ?!"

"wala ka ba talagang alam ?"

"wala eh !"

*katahimikan*

"Jarel... I-isang tanong i-isang s-sagot !... mahal mo ba ako ?" ewan ko pero yun lang bigla ang lumabas sa bibig ko. Di ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Hindi ko ini-expect yung sinagot niya sakin.

"matulog ka na ! gabi na !"

"sabihin mong mahal mo ko ??!!... Simpleng bagay lang yan Jarel.. bat ba hindi mo masagot sagot ?" sigaw ko sa kanya habang patuloy na tumutulo yung luha ko.

Mas hindi ko inasahan ang susunod niyang sinabi...

"kung gusto mong marinig yan sa iba mo hanapin yan.." Nanginig ang buong katawan ko dun sa sinabi niya. hindi ko inasahan na sa kabila ng lahat yun lang ang tanging masasabi niya.

<ONE WEEK later>

Isang linggong walang pansina... ni text o tawag wala kami !!! ewan ko ba ! pero gabi gabi akong umiiyak ! hindi makatulog pagkatapos ng mga pangyayaring yun...

*buuuzzzz*

Fr: Mahal ko <3

Magkita tayo sa may bus station. hihintayin kita.

Nag ayos na ako... nung makita ko siya nagulat ako kasi may dala siyang napaka laking teddybear na halos kasing laki ko na yata.

"ano ba kelangan mo ?"

Ngumiti lang siya sabay abot nung napakalaking teddybear sakin. pero imbis na tanggapin ko ito... itinabil ko ito !! kaya natapon sa daan.

Kinuha niya ito at pinulot ng biglang....

"JAREL ALIS DIYAN" hindi niya ako narinig kaya sumigaw ulit ako.

"JAREL UMALIS KA DIYAN !! ALIS DIYAN !!!"

**************

"we did everything we can do ! pero hindi kinaya ng katawan niya ang injury na natamo niya." the doctor said.

iyak lang ako ng iyak habang bitbit ang teddybear na ibinigay niya sakin hanngang sa maka uwi ako. Masakit... sobrang sakit mawalan ng taong mahal mo... Niyakap ko yung malaking teddybear na may bahid ng dugo niya dulot nung nabangga siya. Hinigpitan ko ang pagyakap nito ng biglang tumunog....

"Hi mahal ko... Mia... mahal kong princess girlfriend.. Sorry kung nasaktan kita. sorry sa lahat ha ? sana mapatawad mo ako... pasensya ka na.. na sa loob ng isang taon hindi ko man lang nasabi sayo na mahal na mahal kita !! masyado kasi akong nahihiya sayo eh.. kaya lagi kitang binibigyan ng teddybear araw araw para malaman mo kung gaano kita kamahal... I LOVE YOU GIRLFRIEND KO... I LOVE YOU MIA" nangiinig ang buo kong katawan... hindi ko maipaliwanag ang aking nararamaman... 

Mahal na mahal kita Jarel...

pinindot ko lahat ng teddy bear na ibinigay niya sakin...

I LOVE YOU MIA...

I LOVE YOU MIA...

I LOVE YOU MIA...

I LOVE YOU MIA...

I LOVE YOU MIA...

isa lang ang tangi kong nagawa kundi ang umiyak ng umiya...

Masaya na sana kung nag-isip lang akong tama.

Hanggang ngayon kasa-kasama ko pa sana siya.

Hanggang ngayon sana may kayakap pa ako.

kung hindi lang ako naging manhid.

-END-

Salamat po sa pagbabasa ng story kong to !! pasensya na po sa mga typos ! hehehe sana po nagustuhan ninyu :) I LOVE KO KAYO <3 muaaaaah :*

TeddyBear [One Shot-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon