Time Heals?(One-shot)

26 1 0
                                    

PAGHIHINTAY- Salitang pagnarinig mo ay parang nakakapagod na. Pero kahit na ganoon, marami paring naghihintay. Magkakaiba tayo ng hinihintay. May iba naghihintay ng trabaho. ang iba naghihintay ng text. yung iba may hinihintay na tao, at yung iba naman ay naghihintay ng grasya. Gayundin si Wilson, hinihintay niyang tumila ang ulan.

Wala sa lagay ng loob si Wilson sa kadahilanang ang kanyang kasintahang si Zonya ay hindi nakinig sa kanyang paalala. Dinala pa rin ni Zonya ang cellphone ni Wilson kahit na hindi niya ito pinayagan. Sa pagkakamaliy naiwan niya ito na lalo pang nagpagalit kay Wilson.

Naunang umuwi si Wilson at hindi sinamahan ang kasintahan. Dinatnan ito ng ulan at nag kakaripas ito ng takbo. Lumakas lalo ang ulan at basa na ang baro't gamit nito. Naisipan nitong sumilong at napadpad siya sa isang tindahan.

Gamit ang kanyang kamay ay pinunasan nito ang kanyang mukha. pinagtitinginan siya ng Trisikel dribers sa gilid. Naaalibadbaran ito sa kanyang kinatatayuan. Ang mabigat na trapiko sa daan. mga sasakanyang galit humarurot,na may kasunod no'y talamsik ng putik. mga nagsisiksikang tao na nakikipagunahan sa pag-arangkada ng kotse.

Kahit malapit na sa kanyang bahay, mga 3 kanto pa ang layo, ay walang magawa si Wilson at naghintay nalang humupa ng konti ang ulan.

Bumili ito sa tindahan ng tsitserya,Bimili ito ng kornik halagang limang Piso. may manguya man lang habang nagaabang. Naupo ito sa isang mumunti't maalikabok na upuang gawa sa kahoy na nakaipit sa pagitan ng poste at ng tindahan.

Tulala ito, iniisip ang nangyari at Naiinis pa rin. makikita ang pagka-irita nito sa pagkagat o pagnguya palang at kung paano nito patunugin ang sapatos sa sahig.

Ubos na ang nginangata nito ngunit walang patid parin ang pagbuhus ng ulan at ng inis nito. napilitan pa tuloy itong bumili ng tsitseya para umubos ng oras. bimili siya ng Pumpkin Seeds.

Sa pagupo nito ay nakakita siya ng isang kapos-palad na nakapayong. hubo't may dalang isang malaking lata ng gatas na may lamang buo-buo na parang naging polvoron. pakiramdam niya na mayaman pa ito sa kanya at kinaiingitan nito ang pulubi.

Sa paglipas ng oras ay bigla niyang naalala ang nakakakiting boses ni Zonya at kung paano ito magsumamo pagkatapos ng aksidente. nahahabag ito. Habang binubuksan niya ang seed gamit ang kanyang ngipin ay may napagtanto siya. Na dapat hindi niya sinisisi si Zonya, dahil hindi naman niya iyon kagustuhan at isa pa ay mahal niya ito at hindi na niya ito matiis.

Nakuha ni Wilson kung bakit ayaw humupa ng ulan. Binibigyan siya ng Diyos ng oras para mapagtanto ang mga bagay-bagay at magpatawad. Nagdasal ito at nagpasalamat. Nawaksi sa isang matagal tagal na paghihintay ang galit na nararamdaman ni Wilson at sa sobrang saya nito ay parang gusto na niyang bagtasin ang tatlong kanto ng makauwi na. sa sobrang pagka-desperang maka-uwi na ay pinaplano nito na makisuyo nalang sa mga taong may payong dumaraan.

Napatayo ito sa kinauupuan, nakikiramdam sa mga katabing trisikel driber dahil baka mamaya ay masistema ang dala nitong bag. May tumawid na dalaga. Pilit niyang sinusulyapan ang muka sa nakatakip na payong. Nakita niya din sa wakas noong inangat ng kaunti ito ng dilag- si Zonya.

Nagsalubong ang mata nila ngunit biglang iwas ang kay Zonya. Ngumiti ito ng bahagya tsaka tinakip ang payong sa mukha dahil sa hiya. Nawala sa isip ng dalaga na nasa kalsada siya at bigla siyang nagising nang binusinahan siya ng isang truck.

Hinugot siya bigla ni Wilson. napadausdos ito sa mga braso ni Wilson at nabitawan ang hawak na payong. kinuha ni Zonya ang payong at sininop tsaka nakipagbatian ng ngiti kay Wilson. Inakbayan siya ni Wilson na lalong nakapagpatahimik sa kanya. lalo pa ng ikiskis ni Wilson ang ilong nito sa pisngi niya

"Salita ka naman, Galit ka ba?" Sabi ni Wilson.

"HINDI AH, kaw nga tong ginalit ko eh." Mataas at biglang baba ng boses ni Zonya."Papalitan ko na lang, sorry talaga."

"Hindi , wag mo ng isipin yun." Hinawakan ni Wilson ang nanlalamig na kamay ni Zonya tsaka nagpatuloy,"Mapapatawad mo ba ako?"

"Ha? bakit wala ka naman ginawa e, ako nga dapat ang humihingi ng tawad."

"Kasi ansama ng inasal ko kanina. Sorry talaga."

"Hindi ako dapat ang magsor..." biglang pinigil ni Wilson ang kanyang labi gamit ang pag-akay ng mga braso nito na nagpabigla kay Zonya.

"Makakauwi na din ako sa wakas." Pag-iba ng topic ni WIlson. Binuksan niya ang payong atsaka itinaas.

"Uwi na tayo." Anyaya ni Wilson.

"Kanina ka pa ba dito? anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka."

-WAKAS-

______ 

Epilogue:My first story here in wattpad, I hope you like it. Totoong nangyari ito sa akin at habang naghihintay ay naisip ko ang storya na ito. Nagpapasalamat ako sa diyos sa kanyang ginawa. Hindi ko maalala kung anong berso ata sa biblia, yung parang ganito "Ang mga di mapagpatawad... ay hindi magmamana ng kaharian ng diyos." 

I hope you, or others na makakabasa nito na matanggap ang mensahe ng storya. Kung may kagalit ka , nang-aaway sa iyo , nambubully ganoon o anu pa man,  Kahit mahirap ay sana mapatawad natin ito. 

Sayang naman kung hindi mapapatawad ni Wilson si Zonya dahil sa isang materyal lamang . nagalit ito dahil tayo ay tao lamang pero nawaksi din ito sa isang paghihintay. " Time heals" nga diba?  at ang walang patid na pag-ulan, at ang pagsilong ni Wilson o "pagtambay" nito sa tindahan ay nakatulong sa kanya para magkaroon ng oras na kailangan nito para magpatawad ng buong puso nang mawala ang kanyang pag aamok.

Time Heals?(One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon