LAFS (12-II)- It's Official

417 7 0
                                    

Chapter 12 (2)

Teka?
Nanaginip ba ako?
Panaginip lang ba to?
Sasagot ba ako?
Ngayon na ba?
o
Mamaya na?
Teka diba nag sisink-in sa utak ko

"Wait Ranz ano to?" Sabi ko sakaniya, sa lalaking nakaluhod sa harap ko.

"Sana nagustuhan mo" Sabi niya ng nakangiti pero halata sakaniya na nahihiya siya at nag kinakabahan "So anong sagot mo? Nangangawit na ako oh" Sabi niya at tumawa siya ng bahagya.

Ano pa bang isasagot ko? Papakipot paba ako? Hahaha syempre hindi na!

"Yes" Sabi ko ng nakangiti at pabulong.

"Ano?" Sabi niya at umarte na parang hindi niya narinig.

"Yes nga" Sabi ko.

"Ano ulit?" Sabi niya at tumayo siya at inilapit ang mga tenga niya saakin.

"Bibigwasan na kita Ranz Kyle ah" Sabi ko sakaniya ng pabiro.

"Ano nga kasi yun" Sabi niya parin.

Etong lalaking to gusto niya pang isigaw ko eh.

Imbis na sinigaw ko

Ang ginawa ko ay......

Hinalikan ko siya.

Naghiwayan ang mga tao, nagpalakpakan at halata mo na masaya din sila sa mga nangyare.

Pagkaalis ko sa pagkakahalik ko sakaniya, kita mo sakaniya na namumula siya.

Nakatulala lang siya saakin at ako naman nakangiti sakaniya.

"Oh ayan ha? Sana naman alam mo na yung sagot" Sabi ko sakaniya at umalis na sa harapan niya.

"Alam mo? Nagkalat ka pa, pwede mo namang sabihin in private eh. May paganto kapa. Pero thank you ha? Naappreciate ko to." Sabi ko sakaniya at lumapit sa mga tenga niya "I love you" bulong ko sakaniya.

"Yes! Woooah! I love you too!!!!" Sabi niya habang tumatalon siya sa saya.

Napangiti nalang at yumuko sa hiya.

"Tama na nga yan at maglinis na tayo. Baka mapagalitan pa tayo" Sabi ko sakaniya at nagsimula na kami sa pag lilinis.

Pagkatapos namin maglinis, pumasok na kami sa kaniya kaniya naming classroom.

After ng iilang subjects, nagpunta kami ng canteen ng kaming dalawa lang.

"Iwan na muna namin kayo ha couple" sabi ni Clariz habang papalayo saamin at tumatawa

"Ang corny mo talaga kanina no" Sabi ko sakaniya habang maglalaka dpapuntang canteen

"Hala! Ikaw na ngang sinurprise ikaw pa choosy?" Sabi niya habang tumatawa

"Ah ganun? So may utang na loob pa ako sayo ngayon ganun? Oh sige break na tayo" Sabi ko sakaniya ng pabiro.

Mag kukunwaring walkout na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Uy eto naman hindi ka naman mabiro. Joke lamg yun ano kaba. Deserve mo yun Vanessa, deserve mo ang ipagsigawan sa buong mundo" sabi niya at nakatingin sa mga mata ko.

Pinitik ko ang mga noo niya para mawala yung kadrama na awra saaming dalawa.

"Ang drama mo. Tara na nga at nagugutom na ako" Sabi ko habang tumatawa at hinili na siya papuntang canteen.

Habang kumakain kami, nag asaran lang kaming dalawa at nagtawanan.

Habang nag kwekwento siya nakatingin lang ako sakaniya ng nakangiti

Love At First Sight (Ranz Kyle Ongsee Fanfic) (SLOW EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon