Bakit Umasa ka sa mga bagay na walang kasiguraduhan?
Bakit Nakinig ka sa mga taong nasa paligid mo lang?
Bakit Naniwala ka kaagad sa mga sabi-sabi lang nila?
Bakit Ngayon nasasaktan ka pero hindi naman dapat?Ngayong nasasaktan ka nasaan sila?
Ngayon umamin kana may nagawa ba sila?
Ngayong hindi mo alam ang gagawin mo tutulong ba sila?
Ngayong nasasaktan ka dinadamayan kaba nila?Hindi sila ang nag durusa sa mga nangyayari,
Hindi sila ang araw-araw na nasasaktan at umiiyak,
Hindi sila ang taong umasa na sana totoo ang lahat.
Hindi sila ang handang masaktan sa ginawa nila.Diba? Sino ngayon ang nasasaktan?,
Isa sila sa mga taong umasa din sa nangyari,
Na pakiramdam nilang lahat ganon din siya sayo,
Pero ngayon pareparehas kayong nasawi ng malaman niyong hindi naman pala.Lahat tayo umasa lang sa wala,
Lahat tayo napaniwala lang ng nararamdaman natin,
Kaya Lahat tayo tanggapin ang katotoohanang hindi talaga nararapat.
Lahat tayo sumama sa agos ng buhay at limutin ang mga bagay na nakasakit lamang satin.
BINABASA MO ANG
"Sawi na,Humuhugot pa"
PoetryMga tula ng mag kakaibigang dinaan sa hugot at pinag samasama hanggang sa sa dumami ng dumami.at naging parang isang historya.