Prologue

52 0 0
                                    

Noong nakilala ko siya, naging magkaibigan kami....

Hindi lang basta kaibigan, di naglaon naging bestfriend ko siya....

Hindi ko lang siya basta nakakasama sa tawanan at biruan, sa tuwing may problema ako lagi siyang andiyan sa tabi ko...

At sa lahat ng mga naging kaibigan ko, siya ang may kakaibang personality... He's so unique...

Hanggang isang araw, may naramdaman akong kakaiba sa tuwing nakakasama ko siya...

Hindi ko alam kung paano ko ie-explain...

Sa tuwing wala siya, malungkot ako at sa tuwing andiyan siya at kasama ko sa mga bawat trip namin...

There is something inside na nadarama ko everytime na lagi kaming magkasama... Parang kami lang ang tao sa mundo...

And I seem to like his personality, and you know what I feel for him....

An "ADMIRATION"...

I admire him so much oh what I mean is I admire my bestfriend...

But when I confessed my feelings for him... Ang sabi niya okay lang daw sa kanya...

Pero naglaon... Naging malamig na ang pakikitungo niya sakin at minsan, ilang na ilang siya sa akin at di naglaon di na kami nag-usap at tuluyan na niya akong iniwasan..

Labis ang aking pagsisisisi kung bakit ko pa ipinagtapat sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon kung hindi naman niya maa-appreciate ang feelings ko para sa kanya...

Yung sa simpleng admiration ko sa isang tao nasira ang pagkakaibigan namin...

Masama bang sabihin ang tungkol sa nararamdaman mo sa isang tao?

Kahit "ADMIRATION" lang ang nararamdaman mo para rito, na walang halong "LOVE"?

;

.

;

Ngunit ang tanong, wala ba talagang halong "LOVE"?

Paano kapag lumipas ang isang taon na ina-admire mo pa rin ang taong iyon? "ADMIRATION" pa kaya ang tawag doon.

Sabi ng iba, ang "ADMIRATION" or "ADMIRE" ay isang paghanga lang sa isang tao. Yung kapag may nagustuhan ka sa kanyang personalidad. Iyon na ang tawag dun.

Pero ang sabi ng iba, ang "ADMIRE" at ang "LOVE", iisa lang daw iyon.

Na kapag may nagustuhan ka sa taong iyon at pinagtapat mo ito sa kanya. Parang ganun na rin iyon.

;

.

;.

Sa totoo lang, litung-lito na ako. Hindi ko na alam kung alin sa dalawa ang paniniwalaan ko at kung ano talaga ang totoo, kung ang "ADMIRE" at "LOVE" ay magka-iba. O ang "ADMIRE" at "LOVE" ay pareho lang.

Basta eto ang mga katagang sinabi ko sa kanya bago niya ako layuan.

"I ADMIRE YOU MY BESTFRIEND."

;

.

;

Sa tingin niyo? Ano ba talaga ang totoo?

Magkaiba ba ang "ADMIRE" sa "LOVE"?

O pareho lang ang "ADMIRE" tsaka ang "LOVE".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Admire You My Bestfriend (HyunSul Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon