Chapter 1

14.6K 123 10
                                    

"Ma, kailangan ba talaga nating lumipat doon? Ikaw na lang kaya? Dito lang ako. And besides, kaya ko naman mag isa. Padalhan mo lang ako ng pera, syempre. Andiyan naman si Manang. Ma... back to zero ako doon, no friends, new surroundings, ang hirap kaya mag adjust.." Maktol ko kay Mama.

Lilipat daw kami sa CDO at wala akong idea sa lahat ng ito. Nalaman ko na lang nung pinatawag ako ng School Registrar at pinakuha sa'kin ang records ko. Since patapos na ang first sem at katatapos lang ng final exam ko kanina, doon na lang daw ako mag se-second sem. No way! I love here.

"Irine, huwag ka ngang mag inarte diyan. Hindi mo ba namimiss ang Papa mo? Your tita told me na may magagandang university doon at maganda ang lugar na iyon. And you know what? Maraming malalapit na beaches, isnt amazing? You like surfing diba?" Daldal ni Mama sakin habang nakangiti at pumalakpak pa. Di naman halatang excited siya. I rolled my eyes at pumunta sa fridge upang kumuha ng malamig na tubig. Kakagaling ko lang sa school at dumiretso na ako sakanya para kumpirmahin ang tungkol dito.

Binaba ko ang baso sa counter at tinignan lang si Mama na dumadada pa rin. Bumuntong hininga ako, wala na ata akong magagawa. Namimiss ko rin naman si Papa. Mahigit anim na buwan ko na siyang hindi nakikita.

"Ano pa ba magagawa ko? We have plane tickets already, right?"

"Exactly baby! Nadale mo!" Tumawa si mama ng malakas at tuwang tuwa sa nangyayari. Urgh, kilalang kilala ko nga talaga ang nanay ko.

"Ma, di ka excited no?" With sarcasm.

Ngumiti ulit ang baliw kong mama at nagpatuloy siya sa pagluluto ng dinner na habang kumakanta ng 'Im so excited, I just can't hide it' whatever the title is.. I rolled my eyes again.

My Papa is an engineer at may malaking proyekto silang ginagawa sa CDO. Siguro aabutin daw iyon ng ilang taon kaya gusto kaming kunin ni Papa at gusto rin ni Mama na mamalagi muna doon. Ayaw niya kasing napapahiwalay ng matagal kay Papa. Well, my mother loves my father too much. Syempre si Papa rin. Alam kong miss na miss na nila ang isa't isa.

"I'll go to my room na, naistress ako sayo ma." Tumawa ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Nag make face siya at ngumiti.

"Get some rest na baby! Since weekend na bukas, fix your things, okay?"

Tumango ako at umakyat na sa aking kwarto.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng aking kwarto. I'm going to miss my purple room. Paborito ko ang kulay na ito dahil nakakawala ito ng stress para sa akin. Halos lahat ng gamit ko rito ay kulay purple. Simula sa carpet, wall paper, pati kisame. Kahit mga furnitures ay purple din at siyempre ang aking kobre kama ay purple, unan at kumot.

Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako agad sa aking kama. Nakakarelax talaga.

Biglang pumasok sa aking isipan ang mga pwedeng mangyari sa akin doon sa CDO.

"Sana maka adjust ako agad.." Bulong ko sa aking sarili.

The Third MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon