Chapter 1

1 0 0
                                    

Kieford's POV



" Lola, Aalis na po ako."



Nilapitan ko siya at niyakap. Ngumiti siya sa akin pero makikita mo paring nahihirapan siya. Nasa 66 edad na kasi siya pero nag tratrabaho parin siya para sa aming dalawa. Para sa akin na ngayon ay tumutulong lang sa kanya.





" Apo, saan ka ba pupunta?"




Medyo paos pa yung boses niya. Lagi kasi siyang pagod. Naawa na talaga ako kay Lola. Kaya ngayon panahon ko na rin sa kanya para tumulong.




" Aalis lang po ako sandali. Wag na po kayo mag alala sa akin. babalik rin ako agad."




Nakangiti kong sambit sa kanya. Puno parin ng pagtataka ang mukha niya parang hindi siya sang ayon sa gagawin ko.




" Pero----"




" Pangako po, mag iingat po ako. Kayo rin po huh? Wag muna kayo mag trabaho dito muna kayo sa bahay. Ako nang bahala sa Toron na ititinda natin. Sa ngayon, Magpahinga ka muna."




Hindi na siya nag paawat at sinunod niya na lang yung utos ko. Mukhang kailangan niya na rin siguro magpahinga.





Lalabas na sana ako ng bahay ng bigla ko marinig ang pangalan ko mula sa kanya. Nilingon siya na ngayong naka upo sa kanyang Upuan.



" Mag ingat ka, Apo "




Ngumiti ako." Opo, Lola." at tuluyan ng umalis.



---

Nasa daan na lang ako at bitbit ang Basket na puno ng Toron. Ito lang yung pamumuhay namin ni Lola. Minsan Umaabot kami ng Bandang 8:00 ng Gabi sa kakabenta lang nito sa daan pero yung mga Pera na nakukuha namin mga hanggang 300 lang.





Kulang pa nga yun sa amin eh. Sa pang araw araw nga naman na Gastusin. Wala pa kaming pang bayad sa Kuryente maging sa Tubig na lagi naming ginagamit. At yung Bahay na ni rent lang namin hindi pa naman nababayaran.






Hay buhay nga naman...... Masyadong mahirap.




Ako nga pala si Kieford Lance deguzman. Isang batang laki sa hirap. 19 years old na ako. Ako ay 3rd year collage at nag Stop dahil walang pera. Kung sa tutuusin. Hindi sana ganito ang buhay ko, hindi sana ako nagtitiis at naghihirap kung hindi lang namatay ang mga magulang ko.





Ulila na ako simula nung Three years old pa lang ako. Namatay ang mga magulang ko sa Isang Gyera. Namatay sila dahil nagbuhis sila ng buhay para lang maligtas ako sa Trahedyang iyon at kinupkop ako ng aking Lola na si Lola Finna.





Wala man lang akong picture nila. Dahil nung nasunog ang bahay ng Lola finna ko ay naiwan niya ang mga Letrato ng mga magulang ko sa bahay na nasunog. Wala na yung Lolo ko yung Asawa ni Lola finna na si Eduardo. Namatay siya dahil sa sunog na iyon. Hindi na raw sya kasi halos makapaglakad kaya nahirapan si Lola siyang Dalhin sa labas ng bahay habang may sunog, Kaya hanggang doon na lang yung buhay niya.





Kung nandito pa sana si Lolo edi sana hindi lang kami dalawa. Hindi sana kami Malungkot at naghihirap.





Biglang tumulo yung luha ko. Pinunas ko naman agad. Ano ba yan? Nagiging Madrama na ako dito. MMK ba to?





Muli akong naglakad at sinigaw nanaman ang Katagang... TORON.






" Toron! Bili na kayo! 5 pesos lang sulit na dahil Crisppy po at sakto lang yung tamis. Malaki pa po at siguradong hindi kayo mabibitin. Bili na po!" Sigaw ko.





May lumapit naman na dalawang babae at may Colorete sa mukha. Salamat may nag bili na rin.






" Pogi, Pwede pabili ng Toron mo?" Tanong nung babae habang nagkikislap pa yung mata sa harapan ko. Kulang na lang mag Hugis puso yung mata niya.






Tumango ako." Oo naman." Sagot ko.





Ngumiti sila. " 4 na piraso nga. Magkano ba yung Isa?" Tanong nung isa na parang nang aakit ang Boses at panay lipbite pa.






" Ahh. 5 pesos lang ang Isang piraso." Sagot ko.





" Hmp. Okay." Sabay nilang tugon.




kumuha na ako ng Plastik at doon ko iniligay ang Apat na piraso ng Toron sabay abot sa kanilang dalawa.





" Salamat pogi. Paniguradong masarap ito. Hmm amoy pa lang." Sambit nung isang Kumislap ang mata.






Napangiti ako." Oo naman. Kami kaya ng Lola ko ang gumawa niyan." Sambit ko ng may ngiti sa labi.






" Oo masarap yan pero mas masarap ka." Sambit nung babaeng Naka lipbite.






Kumunot ang noo ko." Huh?" tanong ko.





Umiling siya." Ay wala yun. Hehe." Sabi niya.





" Bye pogi. Salamat dito sa Toron." Sambit nila habang naglakad papalayo.






" Oo salamat rin sa pagbili!" Sigaw ko.




" Walang ano man!" Sigaw nila at naglakad na palayo. Pa kembot kembot pa habang naglalakad.





Aminin ko, Nandidiri ako sa kanila XD





Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad na ulit. Habang naglalakad ako napapatingin yung mga babae sa akin. Yung iba napapatunganga, yung iba naman mapapatingin sabay nganga.






" Uy! Pogi, Pa share naman ng blessings pag may time!" Sigaw nung isa sa mga lalaki na nakikipag inuman sa daan.





" Pogi! Anakan mo ako please!" Sigaw nung babaeng mukhang Desperada.






" Mr pogi! Paano ka ginawa?!" Sigaw nung tomboy sa tabi tabi.





Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi naman sa pagmamayabang pero Isa akong tinatawag na HANDSOME MAN dito sa barangay namin. Bukod daw sa Gwapo RAW ako, Mabait rin daw akong Tao kaya Pogi points raw XD Mga Tao nga naman....Sadyang palabiro.






Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nadaaanan akong Isang mansyon.sa labas ng mansyon may Pula na gate at may nakasulat na poster doon na WANTED: BODYGUARD






Napangiti ako." Mukhang may nahanap na ako na Trabaho huh?"






~ITUTULOY~



------

A/ N:



Please vote and Comment...



Kahit may Isang nagbabasa lang ito. Okay na okay na sa akin. At least Diba?





Kilala niyo naman sino ang Nasa cover diba? Si Kim Taehyung! For short V or Bwi bwi member ng BTS and A.K.A ASAWA KO!




Hehehe...




By: Sidney_mae





















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon