PART 2

71 7 2
                                    

Five months na ang nakalipas simula ng naging boyfriend ko siya ang sarap lang sa pakiramdam na ang gentleman pala niya. Siya yung tipo ng lalaki na hindi mo pakakawalan pag naging sayu na. Oo nag aaway kami normal lang naman yun sa isang relasyon diba? Pero kahit kailan hindi siya nagsasawa na intindihin ako. Siya yung sumusuyo palagi kahit na kasalanan ko naman talaga dahil napaka selosa ko, ikaw kaya magkaroon ng napaka gwapong boyfriend hindi ka kaya magselos sa dami ba naman ng umaaligid sa kanyang higad ewan ko nalang.

"tulala na naman ang lola" ayan na naman siya tutuksuhin na naman ako ng bestfriend ko.

"Marsh pwede ba tumahimik ka nag eemo yung tao e" reklamo ko.

"Ang pangit mong mag emo bessy , kala ko ba yung boyfie mulang yung emo nahawa kana HAHAHA" tapos iniwan na niya ako.

Ang pangit ko ba talaga? Naiiyak na naman ako pag naiisip ko na ang gwapo niya tas ako hindi naman ka gandahan. Pati ba naman si bessy kakampi narin nila? Bat ganun alam ko naman sa sarili ko na hindi dapat ako magpa apekto pero masakit ,nasasaktan ako kasi totoo naman. Natatakot ako na baka ma realize niya na hindi niya naman pala ako gusto na nagkamali lang siya. Natatakot akong magising nalang ako isang araw tapos ayaw niya na saakin.

Flash back

Habang naglalakad ako sa hallway ang laki ng ngiti ko kasi makikita ko na naman siya. Excited ako palaging pumasok kasi syempre makikita ko ang boyfie ko.

"Oo nga siya yun .Siya ang girlfriend ni Kris hindi naman pala maganda akala ko maganda siya"

"Oo nga friend hindi naman sila bagay ang gwapo kaya ni Kris tapos mapupunta lang siya sa hindi naman maganda naku sayang ang pagka gwapo niya"

"Ano ka ba friend walang forever maghihiwalay din yan"

Teka ako ba ang tinutukoy nilang hindi maganda? Hahaha wow ha ang ganda naman nila hiyang hiya ako sa taglay nilang ganda kulang na nga lang manghiram sila ng mukha sa aso . Bahala nga sila basta ang importante maganda ako.

Kinabukasan ganun parin sa sumunod na araw ganun parin nabibingi na ako sa mga pagpaparinig nila saakin ilang buwan na ba at hindi parin sila nakaka mov.on?

"Ang swerte niya naman minahal siya ni Kris ang gwapo kaya ng boyfriend niya tas mayaman pa"

"Naku oo nga malas lang ni Kris sa kanya nasisira tuloy image niya dahil hindi siya marunong pumili ng babae"

At madami pang iba. Nabibingi na ako. Kahit kailan hindi ko sila pinatulan. Nung una wala lang sakin pero nung magtagal ang sakit pala.Ang sakit isipin na kailangan ko pa talaga maging maganda ng sobra para lang bagay na kami.Langit siya lupa ako. Kaya madalas na kaming mag away dahil nagiging moody na ako. Pero kahit kailan hindi niya ako sinukuan hindi niya pinaramdan sakin na hindi naman ako ganun ka ganda dahil tinuring niya akong prinsesa.

Pero ako tong may problema naawa na ako sa kanya ayaw ko siyang mapahiya ng dahil saaakin. Minsan umiiyak nalang ako ng patago ayaw ko naman ipakita sa kanya na ang hinahina ko. Ayaw ko siyang mag alala dahil mahal ko siya. Mahal na mahal.

END OF FLASH BACK

---

Naglatag ako ng tela sa soccer field at doon humiga. Ang sarap ng hangin. Kailangan ko to para mabawasan naman ang stress ko. Pagpikit ko ng mata may bigla nalang yumakap sa akin. Napangiti ako dahil amoy palang niya alam ko na.

"Girlfie iloveyou" anak ng shopao bigla nalang nag init ang katawan ko. Huhu wag baka maakit ako at mahubaran kita jan Kris .Haha Biro lang. Nakayakap parin siya saakin.

SketchpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon