Ako nga pala si Lian Balmaseda. I'm 17 years old. 2nd year college na ako. Ambata no? Advance kasi ako. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Vancover Academy. Transferee lang ako dito kaya di ko pa masyadong alam tong eskwelahang ito. Ito-tour ko muna.
Hayss. Ang laki naman ng paaralang ito. Nakakapagod. Ayun saktong sakto! Andito na ako sa mini forest nila. 1st day of school ngayon kaya wala pa munang klase. Hinahayaan pa muna nila kaming libutin itong school.
Wow ano yun? Ang ganda ng boses. *o* May naririnig kasi akong kumakanta. Lalake siya. Ang kinakanta niya e Ngiti by Ronnie Liang. Omg! Ang ganda talaga ng boses! Ang lamiiig! ^___^
Silipin ko nga kung sino.
Ay nakatalikod. :( Di ko makita kung anong itsura. Huhuhu. Dibale na nga lang. Kakabisaduhin ko nalang ang boses niya. Hihihihi. May crush na akoooo! ^O^ Mr. Angelic voice nalang ang ipapangalan ko sakanya.
Sa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtinginAy parang may pinanghuhugutan si koya ah. May gusto kaya siyang iba? Malamang hindi ako yun. Bago lang ako dito e. Hahahaha.
*RIIIIINNNNNGGGG*
Ow nagbuzz na. Ibig sabihin, recess na! Woooohhh! I love food! <3 Yes, matakaw akong babae. Tumataba nga ako e. Huhu. Pero ayos lang. At least, naeenjoy ko.
Papunta na akong cafeteria. Iiwan ko muna si Mr. Angelic Voice. Andiyan pa rin naman siguro siya mamaya. Babalikan ko nalang. Gusto ko pa kasi marinig boses niya e. Kaso gutom na ako.
*CAFETERIA*
"Ate, footlong naman po tsaka mountain dew in can. Magkano po?" Tanong ko. "30 pesos ang footlong at 15 naman ang mountain dew. Bale 45 pesos lang ading." Sagot naman ni ate. Kaya binigyan ko siya ng 50 pesos at sinabi kong keep the change nalanh. Tutal 5 pesos nalang ang sukli. Ayaw na ayaw ko kasing nagbubulsa ng barya. Masyadong mabigat.Nakuha ko na ang pagkain ko. Buti nalang may isa pang bakanteng table. Ang swerte ko talaga! At dali-dali akong pumunta sa table ko.
Habang kumakain, may kumalabit sakin. Pagtingin ko, isang lalake. Matangkad siya at gwapo. Kaso ang presko ng dating niya. Nakakainis!
"Bakit yun?" Tanong ko. "Pwedeng makiupo? Wala na kasing bakanteng table e."
Lumingon ako sa paligid at tama nga siya, wala ngang bakanteng table.
"Okay." Nagkibit balikat na lamang ako.
Tapos na akong kumain. "Alis na ako." Sabi ko sa lalake. "Anong year mo na?" Tanong sa akin ng lalake. "Uhm, 2nd year. Ikaw?" "3rd year" tugon niya. "Okay, alis na ako." Sabi ko. "Sige. Mag-iingat ka."
Ambait naman ata nun? Makapunta na nga lang muna sa classroom.
BINABASA MO ANG
Promises
Teen FictionPromise? Big word! Puro nalang kayo promise! Pero paano kapag ang nangako sa'yo ay ang taong mahal mo, maniniwala ka ba? :)