Chapter 5

1.9K 63 9
                                    

Gusto nga nila akong gawing si Ava. Gusto nila akong mabuhay sa katauhan ni Ava. At nakakasuka na plano ito nina Mommy at Daddy kasama si Fabian.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero sa sinabi ring iyon ni Fabian, kahit papaano ay namulat ako. Tama siya, ito na lang iyong paraan upang makalaya ako sa buhay na mayroon ako, sa trato na ipinapakita sa akin.

Hindi ko mawari kung tama pa rin ba ito ngunit nabuhayan ako ng loob. Kumapit ako sa pag-asang ibinigay ni Fabian, kahit hindi ko alam kung ano ang kahahantungan at magiging dulo ng buhay kong ito.

Sinipat ako ng tingin ni Mommy nang makababa ako ng hagdan. Naroon sila ni Daddy at nakaabang sa amin ni Fabian. Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito, para lang akong tanga at utu-uto na sunud-sunuran.

"Pangalan ni Ava ang nakasalalay sa lahat ng gagawin mo kaya ayusin mo, Ada," bulong niya nang makalapit siya sa akin.

"Maganda ka naman pala, Ada," wika ni Daddy habang pinagmamasdan ako. "Kaunting ayos lang ay mukha ka na talagang si Ava. But then, mas maganda pa rin si Ava, ano? Walang papantay sa kaniya."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling emosyon. Kahit pala wala na si Ava, siya pa rin ang mas napupuri. Pangalan pa rin niya ang mas nangingibabaw sa bibig nina Mommy at Daddy. Siya pa rin ang palaging inaalala.

Ilang sandali nang maramdaman ko ang kamay ni Fabian na humawak sa balikat ko. Tumigil ito sa gilid ko habang nakaakbay siya sa akin. Nakita ko ang pandidiri sa parehong mukha ng magulang ko.

Samantala ay para naman akong maduduwal, para akong naiipit at dahil wala naman akong karapatan na magreklamo ay nanahimik na lamang ako. Bahagya akong inilapit ni Fabian sa katawan niya.

"She's still beautiful, kamukha man ni Ava o hindi," seryoso niyang wika.

Napalatak si Mommy. "Huwag mong sabihing nahulog ka na kaagad kay Ada?!"

Natawa lang si Fabian. "Mauuna na kami."

Umirap si Mommy at hinawi ang kaniyang buhok. Sinundan niya kami ng tingin ni Fabian nang maging dere-deretso ang paglalakad niya. Sa kadahilanang nakaakbay siya ay naisasama niya ako.

Sumunod si Daddy sa amin hanggang sa labas ng bahay, ganoon din si Mommy na masama pa rin ang tinging ipinupukol sa akin. Tila ba binibigyan ako ng warning look. Malakas na tumikhim si Daddy sa likod namin ni Fabian.

"Sayang at hindi kami makakasama," aniya at nagkunwaring malungkot ang boses.

"Mabuti na rin at ayoko naman talagang sumama, 'no!" segunda ni Mommy.

Hindi ko na sila nilingon at hindi rin naman ako binibigyan ng pagkakataon ni Fabian. Kinokontrol niya ang katawan ko.

"Ano ka ba, Emily," mahinang bulong ni Daddy kay Mommy.

"Okay lang po. Ako na ang bahala kay Ada," saad ni Fabian, kapagkuwan ay muling naglakad patungo sa isang kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pinto mula sa back's seat. Kagustuhan ko pang lingunin sina Mommy at Daddy ngunit humarang sa paningin ko si Fabian. Unti-unti ko siyang tiningala at naabutan ang paninitig niya.

Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa mukha ko. Madali naman din akong nagbaba ng tingin at tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Isinarado nito ang pinto sa gilid ko. Mabilis siyang umikot upang makapasok naman sa kabila katabi ko.

"Let's go," ani Fabian sa driver.

Doon ay pinigil ko ang hininga ko habang hindi alam kung saan kami patungo. Nanginginig ang mga kamay kong naroon sa gitna ng kandungan ko. Mabuti kong tinanaw ang labas ng bintana.

Pinili ko na magtingin-tingin na lang sa mga nadadaanan namin. Pina-familiarize ang sarili sa mga bagong nakikita sa kalsada. Sa tuwing nakalalabas ako kapag may pagkakataon ay hindi ko nagagawang ma-appreciate iyong paligid.

Minsan kasi ay tumatakas lang talaga ako sa bahay, kaya hindi pwede na magtagal ako sa labas. Pakiramdam ko ay bago lang akong ipinanganak dito sa mundo, naiiyak pa ako sa labis na tuwa.

Bumuntong hininga ako. Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi, tanda ng pagnanais kong pigilan ang emosyong bumubulusok sa damdamin ko. Palagi akong umiiyak nang mag-isa. Kaya kahiya-hiya para sa akin na makita ng ibang taong umiiyak.

Nakakatakot din na ngumiti, o 'di kaya ay tumawa, feeling ko ay palaging may kapalit. Trauma yata ang inabot ko sa mansyon ng mga Valentino, sa kamay nina Mommy at Daddy, kasama na roon si Ava.

Muli akong napasinghap. Halos manakit ang leeg ko sa posisyon kong iyon, lalo dahil ramdam ko ang panonood sa akin ni Fabian. Damang-dama ko ang paninitig niyang animo'y tumatagos sa katawan ko.

Hindi rin naman nagtagal nang huminto ang isang kotse sa tapat ng isang gate. Kusa iyong bumukas mula sa loob. Umusad ulit ang kotse at tumigil sa malawak na parking space sa harap ng malaking bahay na iyon.

Tiningala ko ito galing sa loob ng kotse. Hindi ko na napansin ang paglabas ni Fabian at ang pag-ikot niya sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pinto. Napakurap-kurap ako at natulala naman sa kamay niyang nakalahad.

Saglit kong pinag-aralan ang palad niya, tila ba roon din ako kumukuha ng kasagutan sa lahat ng nangyayari ngayong araw. Bahay ba niya ito? Pero bakit kami nandito? Ano ang naghihintay sa akin sa loob?

"Shall we go?" malumanay niyang sambit dahilan para mabalik ako sa ulirat.

Alanganin man din ay dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa naghihintay niyang palad. Napanood ko ang pagkapit niya sa kamay ko. Tuluyan akong nakababa ng kotse habang alalay niya ako.

Deretsong naglakad si Fabian papasok sa bahay na iyon. Nakayuko lang ako at sinusundan ko ang bawat yapak niya. Habang tumatagal pa at papalapit kami ay parang hinahalukay ang tiyan ko.

Nanlalagkit ang palad ko kung kaya ay kumawala ako kay Fabian. Hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad. Tinanaw ko ang papalayo niyang pigura dahil tumigil na ako sa paglalakad.

Kalaunan nang ma-realize niyang wala na ako sa likod niya. Mabilis niya akong nilingon. Mataman ko siyang tinitigan, sa ganoong lagay ay gusto kong malaman ang kasagutan sa tanong na kanina pa bumabagabag sa utak ko.

Wala akong maintindihan. Literal ng tanga kung ituring ko ang sarili, kaya sana naman ay ipaintindi nila sa akin iyong nangyayari.

"Anong gagawin natin dito?" Sa wakas ay nagawa kong makapagsalita.

"They are waiting for you," simple niyang sinabi, rason para mangunot ang noo ko.

"Sino?"

"My family. They miss you so much they want to see you real bad."

Huh?

Sa kalituhan ay nahulas ang emosyon sa mukha ko. Nakita ko ang dahan-dahan na paglalakad ni Fabian palapit sa akin. Huminto siya sa tapat ko. Dinungaw niya ako at tiningala ko naman siya.

Kung may ikukunot pa ang noo ko ay para na siguro akong ampalaya.

Dumukwang si Fabian, bahagya siyang yumuko upang ipagpantay ang mukha naming dalawa. Ngayon ay mas malapitan ko siyang nakikita. Mas nakikita ko kung gaano kalayo ang agwat naming dalawa.

Ano mang pagkakapareho namin pagdating sa estado ng buhay, mas naramdaman kong malayo kami sa isa't-isa.

"Listen carefully, Ada," seryosong pahayag ni Fabian habang titig na titig sa akin. "From now on, you are no longer Ada Clementine. You are Ava Constanse Valentino. Ang buhay na mayroon noon si Ava ay magiging buhay mo na. Ikaw ang magpapatuloy ng buhay na naiwan niya. Ikaw na si Ava ngayon."

Para makamit ko ang mga bagay na gusto ko sa buhay, kailangan kong maging si Ava.

Para magawa kong maging malaya, kailangan kong maging si Ava.

Para maging malapit kami ni Fabian, kailangan kong maging si Ava.

Para mahalin ako nina Mommy at Daddy, na kahit alam kong palabas lamang ay kailangan kong maging si Ava.

At para matanggap ako ng lahat, kailangan kong maging si Ava...

The Rented WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon