Chapter 3

22 2 0
                                    

"I killed them all."

❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕

Akane's POV

"Tama na Akane, sawa na ako sa nakikita ko sayo. Hindi na ikaw yung Akane na kilala ko, hindi na ikaw yung Akane na kaibigan ko, at mas lalong hindi na ikaw ang Akane na minahal ko." Nandito ako ngayon sa rooftop. Sa tuwing nandito ako ay naalala ko siya, si Adriann. Siya yung tao na handa kang ipaglaban basta nasa tama ka. Siya lang din ang taong nakakaalam ng tunay na katauhan ko, at nakakaalam ng tunay na ugali ko.

Mag-isa lang ako dito. Dinaramdam ang hangin.

"Psst. Nandito ka nanaman. Naalala mo nanaman siya 'no? Hayst. Naman Akane! Move on! Uso kaya! Kapag nga nakakasalubong ka niya sa corridor eh hindi ka na pinapansin. Wag ka ng umasa, may iba na siyang mahal, besides, kaya lang naman naging kayo for popularity diba? Nakuha mo na at nakuha na niya ang gusto niyong dalawa. Ano ba? Sinasaktan mo na yung sarili mo." Napakasupportive po ng kaibigan kong si Ally. Grabe.

"Ewan ko sayo." Sambit ko sa kanya.

"Balita ko maraming transferees sa room niyo ah? May papabels ba? Ha?" Putcha. Yun pa talaga inisip niya ngayon ah? Pero di ko nga masyadong napansin yung mga bagong salta, nabuwisit ako nung teacher kanina eh.

"Baliw! Edi magpalipat ka ng section para makita mo!" Then I saw a big smile on her face.

"Pwede ba yun?!" Tanong niya at inirapan ko siya.

"Syempre, hindi." Sabi ko. Since Junior Casa ay kaibigan ko na si Ally. Well, nung mga bata kami ay totomboy tomboy yan. Ngayon na lng siya nagpakagirlish.

"Wow. Salamat ah? Paasa ka talaga. Iwan na nga kita!" Napatawa na lng ako sa isip ko. Malupet. Iwan daw ba ako!

Maggagabi na, kailangan ko ng bumalik ng dorm. Ay teka, nasaan yung keychain na yun? Putcha! Nakalimutan ko sa locker ko!

Naglalakad ako sa hallway ng may nakita akong tao sa tapat ng locker ko. That person is wearing a school jacket. I can't figure out if he's a boy or a girl. Then I slowly walked to my locker and that person noticed me. Then the person ran as fast as he or she can. What?!

Hahabulin ko sana siya kaso bigla na lng siyang nawala sa mga paningin ko. May tao kasing umagaw ng attention ko, si Adriann.

"Bakit nandito ka pa ng ganitong oras?" Tanong niya. I smirked.

"Wala kang pake." Sabi ko sa kanya. Tumawa siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Don't pretend that you're strong..." Dahan-dahan siyang lumapit sakin. "Because the truth is..." Then he suddenly kissed my forehead. "You're weak."

"G*go ka!" Sinuntok ko siya sa inis ko. Tumawa lng siya kahit na medyo nagkagalos yung labi niya. Tumalikod nako sa kanya at kinuha ang keychain. Then I harshly closed my locker.

Nang pabalik na ako sa dorm ay nakasalubong ko yung bagong transfer. I didn't recall her kasi hindi naman ako nakinig kanina. Hinarang ko siya.

"Hey." Sambit ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako sa mata. Problema nito? Bigla niya akong tinalikuran ng parang wala lng.

"Anong problema mo?!" Pipi ba siya at hindi nagsasalita?

"Tss. Wala. And kung ang nasa isip mo ay isa akong transferee, you're damn wrong." ABA'T MINUMURA BA AKO NETO?! EH KUNG ISAMPAL KO SA KANYANG PAGMUMUKHA YUNG DAMN NIYA?!

"Easy dude. Kanina ka pa buwisit na buwisit ah? Kalma lng ha?" UUGGGHHH!!!!

"Eh Buwisit ka pala ehh!" Sasabunutan ko sana kaso biglang dumating yung Madre. Kabwisit.

"Hoy kayo, bumalik na kayo sa mga dorm niyo." Wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Pero bago kami umalis ay may sinabi siya.

"Iba ang sinasabi ng bibig mo sa mata mo." Sabi niya. So anong gagawin ko? Ilabas ng harap harapan ang pagugali ko?! No way. It's just me between my Integrity.

JA's POV

Oh, well. Ang corny ng kasama ko sa dorm. Tss. Parang baliw ang putek.

"Ano pangalan mo?" Sabi ko sa kanya. At itinuloy lng niya ang kanyang orasyon. Kfayn.

Ang weird ng mga estudyante dito, mas weird pa sa mga estudyante sa CA. Doon ay makakahalubilo mo naman yung mga tao ng matino at makakausap ng maayos, pero dito ata eh hinde.

Amoy weeds putek. Tinignan ko ang kasama ko at mukhang hindi naman siya ang humihithit ng weeds dahil may kung anong ginagawa ang kasama ko. Lalabas na sana ako ng nakita kong nakasabit ang ID niya sa may gilid ng pinto, nagkunwari akong may iniisip pero ang titoo eh tinignan ko na ang pangalan niya, ah. Adriann Natividad. At hindi namin siya ka-section.

Lumabas na ako at sumasakit na ang ilong ko. Teka, pano ko nalamang weeds yun? Hayst. Hindi naman ata weeds yun eh. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako sa cafe. Doon ko nakitang umiinom ng juice si Alleck kaya tinabihan ko.

"Oh, bakit nandito ka?" Tanong niya sakin. Mukhang badtrip ang loko.

"Eh ang weird ng kasama ko sa kwarto eh. Hindi rin namamansin." Sabi ko at namilog ang mga mata niya aat naibuga ang iniinom na juice.

"Puta! Kaya ako bumaba dito kasi ganyan din yung kasama ko sa kwarto!" Hay nako, mga ewan tao dito sa schol na ito. Sinubukan kong ibahin ang usapan at nagtagumpay namana ko.

"Ano, nabasa mo na ba yung school manual?" Sabi ko at umiling lang siya, kasi kahit ako, hindi ko parin nababasa.

"Saan kaya room ni Calland at Nikolo?" Tanong niya sakin. Oo nga 'no! Bumili din ako ng juice at nakipag usap ulit kay Alleck. Nang bandang mga 9:00 na ng gabi eh nagsibalikan na kami sa mga kwarto namin.

Napag-alaman kong nasa 2nd floor ang kwarto ni Alleck. While yung kwarto ko naman ay nasa 4th floor. Actually, 4th floor yung pinakamataas na point ng dorm. Sa 5th floor naman yung rooftop, at hindi naman prohibited na pumunta doon.

Habang nagmumuni-muni ako ay nahagip ng mata ko na nakabukas ang pinto ng kwarto namin, 408 ang room number namin. 12 kasi ang rooms per floor, ang room naman ni Alleck ay sa 203.

"PUTCHA!" Putek! Magugulatin pala tong kasama ko. At, palamura. Hay nako. Dire-diretso ako sa kama ko.

"Hoy, wag kang nanggugulat sa susunod, di nakakatuwa." Sabi niya. Wow ha? Ako pa talaga ang nanggulat?!

"Hindi ako nanggulat 'no, pumasok lang ako sa kwarto. Bakit ba kasi napakamagugulatin mo?" Sabi ko at napailing-iling lang siya.

"Hayst, how to explain this?" Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Explain mo na habang di pa ako nakakatulog." Sabi ko sa kanya habang nakahiga, ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay kong magsalita siya.

"Here's the book that will explain everything." Hindi pa ako nakakabangon ng inihagis niya sakin ang isang makapal na libro, sakit sa abs nun ah?

Napabalikwas ako ng mabasa ko yung front page hard cover ng libro.

"Los miedos y gritos."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chess Pieces 2: Integrity (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon