Xine's POV
Agad ko namang tinignan ang phone ko pagka gising ko palang.
2 text messages.
From: Kent John Vidallo ♡
11:55pm: "I miss you more Xine. Sleep tight. :*"
12:04am: "Good morning babe. I can't wait to see you. Sleep well my princess."
Asdfghkl. ♥ Gad. Nagmadali na 'kong maligo at nagbihis.
Agad naman akong hinatid ni Manong Rey. Di na nga ako nag almusal eh. Gustong-gusto ko ng makita si Kent. ♡ FOTANG GALA. BABE DAWWWW T_____TNang makalapit ako sa isang room may narinig akong nag haharutan. Dahil sa dakilang chismosa ang lola niyo dahan dahan ko na itong sinilip.
"Ikaw talaga. You're so naughty."
"Haha. Ano ba Kent."
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang isang hipon na naka kalong pa kay Kent.
"I miss you too babe."
Babe? So wrong send yun?
Nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ang mga katagang yun kay Kent."Wala ka bang nilandi sa New York babe? Nakita ko yung mga pictures at status na inu-upload ni Je Anna Martinez."
Gustong gusto ko ng pasabugin ang room na 'to.
Ang kapal niya naman para landiin ang........
Best....friend ko...
Bahagya akong napayuko.
"Wala naman akong nararamdaman kapag lumalandi ako. Atyka stop over reacting Danica, you're not my girlfriend kaya pwede kong landiin kung sino man ang gusto kong landiin."
Halos maguho ang mundo ko ng marinig ko yun mismo kay Kent.
Papasok na sana ako ng may biglang tumakip sa bibig ko at hinila ako palayo.
***
"BITAWAN MO KO!" Kinagat ko ang kamay niya at narinig ko pa siyang sumigaw.
"PUTEK NA!!! PAPATAYIN MO BA----....... DM??!!!!"
Nagtataka kong sigaw."Shss. I'll go direct to the point bago pa tayo makita ni Kent. He's known as the campus flirt in the campus BEFORE."
"Noong di pa kame nag transfer dito. Sorry Xine. Akala namin nagbago na si Kent." Nakayuko niyang sabi.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong sabi.
"Xine. Walang meaning yung mga motibong pinapakita sayo ni Kent."
"Baliw ka na ba Dan? Di ako manhi---"
"Nakita at narinig mo naman yung kanina diba?! Ganun si Kent. Yun ang totoong Kent." This time sinisigawan niya na 'ko.
"Pinag-isipan naming mabuti kung sasabihin namin sayo. Pero anjan na yan eh. Ayaw naming husgahan mo siya nung una dahil sa past niya. Pero anjan na yan eh."
"Anong gagawin ko ngayon?!" Di ko na alam. Naguguluhan na ko. Naiiyak, natataranta at naiinis.
Tumingin-tingin siya sa paligid para masigurong wala si Kent.
"Akala namin totoo na ang lahat ng pinapakita niya sayo kasi kitang-kita naman yun ng dalawang mata ko."
"Dalawa lang ang pwede mong gawin. Ang sabihing may nakita ka o magkunwaring wala kang nakita."