----------------------------------------------------------------------------------------------------
Back to December© (One Shot Story)
***
(Click at the right side to hear the background music)
***
Yung taong alam mong nagmamahal talaga sayo ng totoo?
Yung gagawin ang lahat masunod lang ang mga gusto mo?
Yung taong takot na takot na isang araw baka mawala ka sa sistema ng buhay nya?
Dahil ang sabi nya IKAW ang MUNDO nya?
Lahat ng yun nasa sayo na, swerte ang matatawag dun.
Pero hindi mo alam kung bakit dumating sa point na ikaw na mismo ang kusang nag give up sa relasyon nyo.
Dahil siguro nawalan ka na ng gana. At kelangan mo lang ng space para magawa yung mga bagay na gusto mong gawin sa buhay na alam mo hindi mo magagawa kung committed ka sa isang tao.
Night out, everynight nasa bar with some friends para magparty-party, syempre hindi mawawala ang inuman dun na mahigpit na pinagbabawal sayo ng boyfriend mo.
Siguro dun na ko hindi makahinga sa relasyon namin, madaming bawal, madaming hindi pwede. Bawal ka sumama pag nagkakaayaang gumala kasama ang buong tropa, umuwe agad ng maaga after ng class, pati cellphone mo everyday nyang chinecheck ang sent items kung may katext ka bang iba bukod sa kanya. At madami pang iba na ewan ko, bigla ka na lang nakaramdam na pagod ka na.
Hindi naman na ko bata para pagbawalan pa, kung ang magulang ko nga pumapayag basta magpapaalam lang daw ako sa kanila, sa kanya pa kaya na boyfriend ko lang?
And the time was came, nakipag break ako. Umiiyak sya, nagmamakaawa na wag ko daw syang iwan. Pero buo na ang desisyon ko, gusto ko munang ienjoy ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi kailangan pag bawalan ako ng kahit na sino. Buhay ko to ee. I may sound so much selfish but I can't help it to feel in it.
Lumuhod sya sakin habang umiiyak, nahihirapan ako sa nakikita ko.
Pero hindi naman siguro masama kung uunahin ko muna yung sarili ko diba? Kung talagang kami ang para sa isa't isa, magiging kami pa din hanggang huli.
So we broke up.
End of the story between us.
***
Ako nga pala si Charlyn De Guzman. Freshmen college.
Yung tinutukoy ko?
Si Andrei John Galvez. My ex-boyfriend since we are 3rd year highschool.
"Hoy babae, natulala ka na dyan? Para kang nakakita ng multo?!" kaibigan kong si Tanya. Nasa mall kami that time.
Shopping of course! Kaso nanawa na ko na puro ganito na lang lagi, hinahanap ko ang presence ni Andrei. Namimiss ko na sya.
Isang araw nagising na lang ako na parang may kulang sa buhay ko, yung isang text lang na "good morning babe" pag gising mo isang umaga na galing sa mahal mo, ay kumukumpleto na sa buong araw mo. Simple lang pero humahaplos na at sumasaya sa puso mo.
I want him back !
But.......
And yes, nakakita nga ko ng multo. Tama ang kaibigan ko.
I saw him. After 1 year since we broke up. Andun ung feeling na gusto kong tumakbo sa kanya, yakapin sya ng mahigpit at sabihing namiss ko sya ng sobra. At humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya noong araw na yun. Nagsisi ako kung bakit ko pa ginawa yun at ng dahil dun may part sa buhay ko na hindi na ko kumpleto.
Na may kulang, kulang sa tawa kahit sobrang saya kapag kasama ko ang mga taong mahalaga din sa buhay ko. Hindi ko na maexplain kung bakit ganito, basta ang alam ko gusto ko lang bumalik sya ulit sakin.
Pero napatigil ako, hindi sya nag-iisa. May kasama sya,
BABAE.
Sweet sila sa isa't isa.
Nakangiti sya, yung ngiti na alam mong matagal na syang naka move on sa nakaraan.
Nakaakbay sya sa babae habang nakayakap naman ang isang kamay nito sa likod nya.
And then, they were kissing.
Ang sakit!
Ang tanga-tanga ko!
Kung bakit ko pa sya pinakawalan noon.
Gusto kong umiyak, ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Sa oras na to parang gusto kong lumuhod sa kanya, magmakaawa na bumalik na sya sakin, tulad nung huling araw na ginawa nya sakin bago kami maghiwalay.
Andun yung regrets kasi naging selfish ako, hindi ko man lang pinag isipang mabuti kung kaya ko nga bang mabuhay ng wala sya sa piling ko. Nagpadalos dalos sa desisyon na sa huli ako din pala ang dehado.
Kung sana nag isip ako ng mabuti, edi sana hanggang ngayon kami pa din.
Kung kaya ko lang ibalik yung araw na nakipaghiwalay ako, agad-agad babawiin ko yun.
Kung naging matapang lang ako sa relasyon namin at hindi agad ako sumuko ng makaramdaman ako ng pananawa sa relasyon namin.
Puro kung, puro kung sana...
Haaaayyyy
Kaso huli na, masaya na sya.
Masaya na sya sa iba.
Habang ako eto nagdurusa sa desisyong hindi ko na maibabalik pa.
Hindi ko na kinaya pa kaya umalis na ko, parang sasabog ang puso ko sa sakit.
Pag labas ko sa mall, umuulan pala.
"Nakikisabay din pala ang langit sa pagluluksa ko." sa loob-loob ko.
And I'd go back to December ALL THE TIME.
ANG LESSON:
Hangga't may nararamadaman ka pa ding pagmamahal sa isang tao, huwag na huwag kang makikipag hiwalay sa kanya kung hindi ka din naman sigurado kung kaya mo syang mawala sa buhay mo. Huwag tayo magpapadala agad sa emosyon ng araw din na yun. Kasi minsan yun yung time na pag sisihan mo din ng pang matagalan. Alam naman natin na walang perpekto sa isang relasyon ng mag-bf/gf, pero kung may komunikasyon kayo sa isa't isa, nagsasabi kayo kung ano yung nararamdaman ng isa at pag-uusapan kung anuman ang problema, magkakaintindihan kayo. Maaring nyo pang baguhin o ayusing kung anuman yung issue na kinahaharap nyong dalawa. Sabi nga nila hindi sagot ang break up kundi maging malawak lang ang pag-iisip at marunong umunawa para magtagal ang relasyon nyong dalawa.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N]
Owwww yeah ! natapos ko din tong one shot story ko within 3hours ;)
Na inspired kasi ako sa kanta nitong si mareng Taylor Swift ee ;)
Sana magustuhan nyo.
Please VOTE, COMMENT, LIKE yieeeeha !
Thanks <3
written by: -yourchristine

BINABASA MO ANG
Back to December© (One Shot Story)
أدب المراهقين"So this is me swallowing my PRIDE. Standing in front of you, saying I'M SORRY for that night. And I'd go back to December. It turns out freedom ain't nothing but missing you. Wishing I'd realized what I had when you were mine. I go back to December...