Bakit wala ka pang boyfriend?
Bakit nga ba? Marahil siguro may mga bagay na kulang pa sa'yo! Marahil hindi kapa nagdudugo. Aba syempre hindi mo pa masasabing teenager kana kung ikaw ay hindi pa gumagamit ng with wings at eq diaper pa ang gamit mo.
Yung tipong sasakay ka ng jeep tapos may makakasakay kang magjowa na feel na feel na parang nagroroad trip. Nakasandal pa ang ulo ng haliparot sa lalaking wala naman kalaman-laman. At kung makapagholding hands, parang mapuputol na ang kamay bukas. Ay baket? Nakasakay lang sa jeep mawawala na. Okay! Itayo ang bandera ng mga bitter.
Tapos may mga araw naman na makakakita ka ng magjowa sa mcdo, nagtutuktukan! Grabe? Ano 'to kainan o sabong?! Tapos ang nakakairita minsan ang gwapo ng guy yung naman ang kapaitan ng pagmumukha ng babae. Uso talaga ang gayuma ni Abra ano?!
Minsan naisip mong napaglilipasa ka na ng panahon dahil dinaig kapa ng grade 4 o grade 6. Sila may jowa, ikaw nga-nga! may gatas pa nga sila sa labi or should I say bakas ng natuyong laway. Muli itaas ang bandera ng mga bitter.Bakit wala ka pang boyfriend? Uso pa ba yung mga sagot na ganto--Strict parents ko, study first e, sinusulat pa kasi ni God ang kwento ko, wala pa kasi si Mr.Right. Baka naman wala talagang nanliligaw ate!?
Ganito kasi yan. Tayong mga babaeng wala pang mga boyfriend ay hindi naman kailangan magmadali. Pero nakakainggit talaga diba! Kaya nga nabentioabaling nalang attention ko sa mga fictional character sa wattpad. Kawawa naman tayo. Hahahahahaha! Pero seriously...hindi naten kailangan magmadali. Hindi rina-rush and pag-ibig. Hindi ito project na may deadline. May deadline din siguro-padami na kaya ng padami ang mga gwapong bading! Kaasar!
Ang masaklap pa sa mga walang lovelife ay may iphone 5 nga sila puro naman pagseselfie ang inaatupag nila. Unlike sa mga may jowa, cherry mobile pero may picture together! Maiingit tayo. Hohohohohoho!
Pero alam niyo ano ang mas masaklap? Yung wala na nga kayong iphone 5 wala pakayong lovelife. O sineryoso mo naman? Duh! Hindi importante ang tatak ng phone no! Mas importante ang kagandahan sa loob...pati narin sa labas. Masakit mang aminin, sa modernong panahon ngayong mas matimbang ang panlabas kaysa sa panloob. Pero mas maganda sana kung ang kagandahan mo ay hindi lang lumlabas sa camerang 360! hahahahahha!
Wala ka pang boyfriend? maging proud ka! Dahil yung iba nakikipagboyfriend lang para lang masabing may bf at magkamonthsary ang mga gunggong! Pipili pa ng number kung kelan sasagutin! Haliparot!
Kung bakit wala ka pang boyfriend? aba malay ko.
I-try niyong mag we chat o line. Posers yung picture ng mga dun. Hahahahahahha!_____________
Non-sense lang 'to. Wag pansinin! Hahahahahaha