A Story of a Girl (ONE-SHOT)

1.6K 77 31
                                    

Date Published:
July 28,2013 1:04PM

"Uy bata, tara lunch tayo." Masayang sabi sa akin ni Chrew, best friend ko.

'O'sige. Waits lang ha? Kunin ko lang yung wallet ko tas alis na tayo."

Tumango naman siya atsaka naghintay sa labas ng classroom namin. Agad ko namang kinuha yung wallet ko dahil ayoko siyang pinaghihintay.

"Tara na." nakangiti kong sabi sakaniya.

Ginulo niya ang aking buhok at sumabay sa akin sa paglakad.

Tila bang tumitigil ang oras at nagrarally ang mga paru-paro sa aking tiyan tuwing kasama ko siya. Oo, inaamin kong isa ako sa mga babaeng nahulog sa best friends nila, isang storya na alam na alam na nating lahat.

"Bata, san mo gustong kumain?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Hmm. Mcdo tayo! Gusto ko nung happy meal, smurfs kasi eh."

"Haha. Para ka talagang bata." Sabi niya sabay gulo sa aking buhok.

Naglakad kami papunta sa Mcdo at hindi ko maiwasang mainis sa mga babaeng nakakasalubong namin. Isa kasi si Chrew sa Baguio's Finest kaya sikat siya lalo na sa mga babae. Siopao naman oh, ang dami tuloy ng karibal ko.

"Bata, hanap ka na ng upuan natin at ako na ang oorder."

Tumango lang ako atsaka umupo kung saan pwede ko siyang matanaw.

Hay. Ang lakas ko naman kay Lord, binigyan ako ng mabait, gwapo, matalino at gentleman na best friend. Kaso, may defect eh. Hanggang best friends lang kami.

Tila kumulo naman ang dugo ko ng makita kong may lumapit sakaniyang babae. Niyakap siya nito at pahampas hampas pa sa braso niya. Tss. Ang maha namang ng babaeng ito. Nilipat ko nalang ang atensyon ko sa bintana at pinagmasdan ang mga taong dumadaan.

"Bata, sasabay sa atin si Kyllie ha?" paalam sa akin ni Chrew habang nilalapag yung pagkain namin sa table.

"Para namang may choice ako. Tss.." sabi ko sa isip ko pero binigyan ko nalang sila ng ngiti at tumango.

Isa din si Kyllie sa Baguio's Finest kaya walang kaduda duda na maganda siya. A lot of girls envy her but I don't. Napakasama kasi ng ugali niya, porket maganda siya iniisip niya na dapat lahat ng atensyon ng lalaki ay para lang sakaniya. Tss.

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang hindi mawalan ng gana dahil nasusura ako sa aking nasasaksikhan. Ang dalawang taong napakaganda ng pagkakagawa, ang dalawang taong head turner at higit sa lahat ang dalawang taong, match made in heaven.

Bagay na bagay sila sa isa't-isa. Gwapo at maganda. Samantalang ako, nagmumukhang alalay sa tabi nila. Hay. Sarap magpakamatay. Tara laslas na tayo.

"Mauuna na ako." Tumayo ako sa aking pagkakaupo at nagsimulang maglakad palayo ng hawakan niya ang aking kamay.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango lang ako atsaka hinila ang aking kamay at lumabas mula sa Mcdo.

At kung nangaasar nga naman ang panahon ay bumuhos ang malakas na ulan. Great. Just great.

I cussed in my mind as I walk while the rain was pouring. Ano ba yan. Ang emo ko naman ata. Anyare naman daw sakin? -___-

"Oh Maisie! Basang basa ka na. Diba kasama mo si Chrew? Asan na siya?" nag-aalalang tanong sakin ni Xyllie, kaibigan ko.

"Ah-eh. Dinaanan ko lang yung bag ko. Si Chrew ba? Ayon, kasama ni Kyllie..." mahina kong sabi sakaniya.

A Story of a Girl (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon