Dear Boys

33 0 0
                                    

Dear Boys,

'Wag niyo na sana akong paasahin pa. Manhid ba talaga kayo o sadyang 'di niyo pa talaga nararanasan masaktan?

Kapag nagmumukha akong tanga sa harap ng iba, do I please you? Kapag halos maubos na ang tubig ko sa katawan sa kakaiyak, nasisiyahan ka ba? Nabu-boost ba 'yang self-esteem niyo sa tuwing may isang dalagang aasa na naman at magpapakatanga? Does it make you more of a man?

Mind you, you made me like this.

Sino ba kasi ang unang nagbigay ng motibo, ako ba? Hindi ba kayo..

Bakit ba kasing kayong mga lalaki, makakita lang ng maganda, hindi na nagdadalawang-isip na pormahan? Kapag nasarapan kang kasama ako, tsaka mo lang ako bibigyang-halaga.

Magiging mahalaga ako sa'yo, sa panahon ng pangangailangan mo ng karamay at sa mga sandaling kakailanganin mo ng babaeng maipagmamayabang mo sa barkada mo.

Ipapakita niyo lang sa amin na mahalaga kami, kapag bored kayo.

Nandoon 'yong magsisimula sa simpleng 'kamusta?', 'hi-hello', 'ingat ka', 'miss single ka ba?', 'I just want to make friends' at maraming-MARAMI pang iba. Then, you'd catch me with your charms.

Ipaparamdam mo sa aking IBA ka sa ibang lalaki. Ano? Gentleman ka? Mabait ka? Maalaga, mapagmahal, responsable, maka-Diyos, makakalikasan, maka-tao, at makabansa ka? Lumang tugtugin na 'yan.

Pero ewan ko ba. Kahit ba lingid sa kaalaman ng mga babae sa panahong ito ang mga ganyang tugtugin---tugtugin ng pambobola---ay marami pa rin kayong nabibiktima. At dahil babae rin ako, isa na ako doon sa mga tanga.

Then, kapag nakahanap na kayo ng bago, ng MAS maganda, MAS naibibigay ang atensyon niya sa'yo, MAS mabait, MAS matalino, o kahit na anong mas-mas pa 'yan na sadyang higit sa akin.. ang ending, para na lang kaming pinaglumaang laruang itatapon mo na lang basta.

Wag mo nang sabihing MAS siya kaysa sa akin. Di pa ba sapat ang insecurities ko sa katawan at kailangan mo pa akong i-compare? Di ba pwedeng tulad mo, sadyang IBA lang ako? I'm a girl, too and I think I deserve some respect.

And if you're enjoying the show of seeing me like a madman, a martyr, a love-drunk teenager, then you YOUSELF have mental issues too.

Dahil babae ako. At tulad ng 99% ng mga babae sa mundo, minsan lang akong magmahal ng todo. Minsan ko lang ibaba itong pride ko at unawain ka kahit na masakit. Minsan ko lang bumaba sa level ng IQ mo (no offense) at palawakin ang isip ko sa mga possibilities. Minsan lang akong umasa at umiyak para sa'yo.

Hindi man ako ang pinaka-magandang babae sa mundo, hindi man ako ng pinakamabait na babaeng nakilala mo,

Sana naman naiisip mong.. hindi rin naman ikaw ang pinaka-gwapong lalaking dumaan sa buhay ko. Hindi rin naman ikaw ang pinaka-makisig, matalino, matino, at mapride na lalaking nakita kong naglakad sa balat ng lupa.

Stop being so insensitive at pakitingnan ang salamin boys, at sana sa pagtingin niyong iyan marealize niyong dapat lang kayong magpasalamat dahil may pumatol pa sa pagmumukha niyong iyan.

Be thankful, that upon billions out there, may isang babaeng handang gawin ang lahat para sa'yo.

I hope you change for the better. Be patient, be contented and BE A MAN. Tama na ang pagiging immature, it's time to grow up.

Because I don't need some immature boy to follow me around like a lost puppy. I don't need a player who doesn't act his age. I don't need anything ignorant you show me. Hindi naman kasi kita idi-display eh.

I need a man. Or atleat a man at heart.

And this letter, is for all the boys I've loved before. And to all those who will soon break my heart.

Because if you boys can't wait and stop being so prideful, then asahan niyong aasa pa rin akong makakatagpo ako ng lalaking kaya akong mahalin ng totoo---kahit ano pa man ang mangyari.

Dating umasa at nagmahal sa inyo,
Girl...

Dear BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon