Chapter One: Masungit na Friend

106 6 0
                                    

Chapter One:

Erin's POV

My name is Erin Jay Rosales, a 3rd year student matagal ng crush si Anthony dela Santos...Hay naku! Anu ba tong pinagsasabi ko >.< iniisip ko na naman to si crushie eh. Nagiisa lang kasi ako ngayon sa classroom nakatunganga sa desk ko , nang may lumapit sa may bandang likuran ko.

"Hoi Erin! praktis na tayo!" sabi niya sa akin na may halong naiinip na tinig.

Nilingon ko para makita kung sino.. ay si Lindon Santiago lang pala kaklase at kasama sa Music club, mukhang galit sya sa akin dahil hindi ko sinipot sa Music Room. May praktis kasi kami kaso tinatamad ako. -_-

"Mamaya na..may lagnat ako" alibi ko sa kanya tapos nilagay ko ang ulo ko sa desk at tinabonan ang mukha ko ng notebook.

"Inuubos mo talaga pasensya ko. Sasabihin ko nalang kay ma'am na hindi na ituloy ang presentation natin" sabi niya sa akin at dahan-dahan ng umalis palabas ng classroom.

Siguradong mapapagalitan na naman ako ni ma'am. Asar talaga to si Lindon!

"Len! Teka..! " sigaw ko ng biglang nawala balanse ko sa pagtayo sa inuupuan ko at tuluyan ng bumagsak sa sahig..aray ! >.<

Narinig ko nalang si Lindon na tumatawa habang papalapit sa akin. HIndi ko na talaga matiis ang ugali ng lalaking to! Tulungan nalang kaya niya akong tumayo for once! -_-

"Hahahaha!" wala siyang humpay sa kakatawa, umupo siya sa harap ko at nilagay kamay niya sa forehead ko.."Wala ka namang lagnat ah, kung hindi ka lang nagmatigas kanina at sinunod mo nalang agad ako, hindi sana to nangyari sayo" ngumiti siya na para bang naaliw sa nangyari..

"Tayo na, anu ba hinihintay mo diyan?" tumayo siya at saka umalis na agad sa classroom.

AHHHHHHHHHHH! nakakainis ka na talaga Lindon! Bakit ka ba ganyan.. ang sobrang harsh mo na sa akin >.< hindi ka talaga gentleman! Kahit tumulong lang man sa akin para makatayo.

Tumayo na ako agad at inayos ang sarili ko. Kinuha ang violin ko sa may gilid at sinundan na siya sa Music Room.

Papasok na sana ako sa music room na may biglang naglagay ng kamay sa ulo ko saka ginulo. -_-

"Aish anu ba?!" sigaw ko habang nilingon ang may gawa. Nagulat nalang ako at nakita ko si Anthony.

"Sorry, sorry.. hindi ko sinasadya" nakangiti niyang sagot sa akin.

"Ok lang, akala ko kung sino. Sorry din nasigawan kita" wala akong magawa crush ko eh >\\< kaya inayos ko nalang hair ko. Anu ba to.. umiinit mukha ko!

"Haha.. wala yun, hmm Erin" sabi niya sa akin, tinawag niya name ko sarap sa tenga.

"Oh, bakit?" sagot ko sa kanya

"Pwede na ba tayong pumasok? Nakaharang ka kasi sa door"...

-_- Ai ganurn?! ang sakit parang nasira eardrums ko.. T.T At akala ko pa naman kikiligin ako sa sasabihin niya o baka kaya aaminin na niya din na may gusto siya sa akin. Hahaha.. kapal ko talaga. Ewan ba, ang harsh ng mga lalaki ngayon v.v

"Ai sorry" kaya umalis na ako sa may pintuan. Teka lang .. anu gagawin niya dito? Kasali din siya?! Bago pa man siya makapasok tinanong ko "Kasali ka din, Anthony?"

Lumingon siya sa akin at tumango "parang ganun na nga, halika ka na sa loob.. may hinihintay ka pa ba?" tinitigan niya ako with matching smile na nakakamelt xD

Kung pwede lang sana dito muna tayo.. usap2 muna minsan lang kaya to. "Ah, oo sunod ako sayo" sagot ko naman sa kanya.

Ang sarap ng feeling badmood na sana ako kanina pero parang bula lang na naglaho nung kinausap niya ako tapos may pa smile-smile pa. Tapos kasama ko na din siya lagi tuwing praktis.

Pagpasok ko sa loob nakasalubong ko agad si Lindon O.O.. Oh no!! That look.. ! That creepy look ni Lindon! Nakakatakot.. >_<

"Antagal mo? -_-" sabi niya with an annoyed look on his face.

"Sorry! Sorry! Sorry!" ..tumakbo na agad sa pwesto ko at kinuha ang violin ko sa case. I just cant stand looking at him face to face pag ganun mukha niya.

Checking of attendance na..

Unang tinawag si Karylle Lee from class 3-B, siya ang number one singer ng school ang ganda kasi ng boses niya, Ai! shunga ko talaga kaya nga number one diba xD

Sunod si Louise Tan, hindi lang gwapo super talented pa. Ang daming alam na intruments at ang daling matuto. Hindi lang yan sobrang yaman pa, since his dad owns a very big company. Maypagka loko loko at marunong makisama, hindi ko nga lang type. Haha.. class 4-A tinotodo niya na ang last year niya bilang high school..xD

Next si Anthony.. woohh! crush ko yan! Pinaka gwapong nilalang sa school . Hayaan niyo na ako sa nararamdaman ko, both of his parents work abroad kaya sa lola siya nakatira kasama dalawang siblings niya sina Mitch at Dan. Favorite color niya blue. Pinaka hatest niya Geometry. Fav drink niya orange juice. Dami kong alam sa kanya kaya lang hindi tayo matatapos pagsasabihin ko pa yun lahat. xD

Nakatitig lang ako sa kanya at saktong sakto tumingin siya sa direksyon ko O//O Nahuli niya ako! Kaya nag smile siya tapos nag wave... >\\\< nagsmile na din ako with a natural look ofcourse para naman hindi obvious.

Hindi ko na namalayan, ako na palaang tinatawag ni ma'am. Biglang may nag push sa ulo ko "Anu ba?" lumingon ako sa likod at alam ko ng si Lindon na yun nakaupo sa may piano.

"Tinatawag ka ni ma'am" naiirita niyang sagot sabay turo sa teacher.

"Ai sorry. Present po!" sigaw ko habang nakangiti kay ma'am , buti nalang at hindi nagalit.

Pagkatapos ay tinawag niya na si Lindon , he plays the piano. Siya ang alalay ko while i play the violin :P hahaha.. aside from that wala na akong ibang alam sa personal na buhay niya. Ang alam ko lang moody siya tapos usually masungit talaga daig pa ang babaeng may mens -_-

Tinawag na ni ma'am ang ibang members. Wala na akong pakialam dahil nakatitig lang ako kay crushie x3 ang gwapo talaga niya! Best day ever!

(A/N: Hindi ko na iisahin lahat ng members sa club makikila niyo din sila pag kinakailangan na talaga xD )

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon