animoy kontrabida kung tumingin ay dalawa.
sagot:duling
ang sombrero ni bernabe sa bundok itinabi.
sagot:buwan
ang ibabaw ay tawiran ang ilalim ay lusutan.
sagot:tulay
ang bahay ni pedro walang pinto puro kuwarto.
sagot:kawayan
baboy sa kaingin natabay walang pagkain.
sagot:kalabasa
butot balat limilipad.
sagot:saranggola
hinila ko ang baging nag iingay ang matsing.
sagot:kampana
isang panyong parisukat kung buksay nakakausap.
sagot:sulat
itinanim sa kinagabihan inani sa kinabukasan.
sagot:bituin
ate ko ate mo ate ng lahat ng tao.
sagot:atis