Cellphone Number

84 3 2
                                    

"Ate Rea!" Napatingin ako kay Aby.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Ang alam ko sa mukha ngayon ni Aby ay masaya na kinikilig ata?

"Ate Rea yung.......yung.........hehehe!"

"Yung?" Ang tagal lang ah.

"Yung pogi na nandyan sa kabilang classroom. HInihingi number mo! Ano ate bigay ko na?" Sabi niya na kinikilig na talaga. Bakit ba pagdating sa mga pogi na lalaki kinikilig na ang lahat?

"Na-----" Hindi man lang niya ako pinatapos sa sasabihin ko, tumakbo na siya paalis. Bahala nga sila dyan, wala naman akong gusto sa pogi na yan eh.

*KINAGABIHAN*

TOOT

Kinuha ko agad yung phone ko.

From: Unknown number

Hi! Good Evening!

Sino to? Type ko sa mga lalaki yung ganito eh, magalang.

To: Unknown

Sino to?

From: Unknown

Ako nga pala si Seth.

To: Unknown

Where did you get my number Seth?

From: Unknown

Sabi kasi ni Aby alam mo na. Siya nagbigay nito.

Eh? Ay oo nga pala. Sige na nga baka mapatay pa ako sa mga fans nitong luko na'to.

To: Seth

Bakit mo kasi hiningi number ko?

From: Seth

I like you.

At dun na nagsimula ang lahat. Marami ang nagsasabi na ang swerte naming dalawa kasi bagay raw kami. Magaling ako sumayaw at magaling din siya sa sports. Dahil ang isang katulad ko madali lang talaga akong madevelope sa isang tao lalong lalo na kapag mabait. Nang tumagal gusto ko na din si Seth. Siya kasi itong mabait, mapagmahal, gentleman, yung ideal ng isang babae.

Toot

From: Seth

Kailan mo kasi ako sasagutin?

To: Seth

Sige na nga kahit sa txt lang sinasagot na kita!

From: Seth

You don't know how happy I am today babe! Iloveyou!

Nung naging kami, marami ang sumuporta sa amin. Nung 3 months na kami naging busy na siya sa sports niya. Ok lang susuportahan ko naman siya. Kahit paminsan minsan lang kami nakakatxt at hindi na gaano nagkikita sa school kasi super busy na siya.

April 18.....

Good morning and Happy birthday to me! Agad agad kong kinuha yung phone ko baka nag txt na si babe ko :""">

From: Babe Seth

Happy Birthday!

I'm sorry that this will be my last and final message. This last few months maybe my greatest love but we must move on. The day 22 will not go on, I am truly sorry but I am not your one and only love but a friend, you must understand. You have so many chances finding a new true love. Today is the time I change, this time I must start a new life. I thought this was easy but not. I'm sorry to hurt your feelings I wish I could see you the last time. But I will look to you from time to time. So can I be your friend? Sorry I must do this

So this is goodbye.

Halos hindi ako makagalaw. Siya ba talaga to? Tapos biglang tumunog yung It Will Rain ni Bruno Mars. Tapos napaiyak nalang ako. Bakit sa araw pa ng kaarawan ko? HIndi ba pwede bukas? Huhu :"""<

Toot

From: Rj

Hi Boss! Happy Birthday!

Siya si Rj team mate siya ni Seth. Si Seth nagbigay ng number ko sa kanya. Ewan ko lang kung bakit niya binigay number ko. Buti pa si Rj siya palagi ang nagpapagaan ng loob ko.

4months later.

From: Rj

Tayo nalang kasi.

From: Jr

Alam mo kasi yan si Rj kung sino yung crush niya nagtatagal yan. Loyal kaya yan.

To: Jr

Bakit sino ba crush niya?

From: Jr

Hindi ba obvious? Ikaw!

Sa dumaan na panahon si Rj ang laging nakakatxt ko. Siya palaging nagpapagaan ng loob ko. Pero ayaw ko magka gusto sa kanya. Ayaw ko kasi na sabihin nila na, una si Seth ngayon naman yung kaibigan ni Seth.

Weeks later.

"Rea ikaw pa din kasi mahal ni Seth. Sorry na kasi raw." HIndi ko alam kung ano ang masasagot ko sinabi ni Benz. I still love Seth. Pero ayaw ko na maulit yung nangyari. At sa mga sinasabi ni Benz ngayon ang daming DAW at RAW.

"Rea I'm sorry pwede pa ba?" Tanong ni Seth. Tumingin ako sa mga mata niya.

"Sorry iba na ang mahal ko."

"Sino?" Sabi niya na may namumuo na luha sa mga mata niya.

"Si Rj, nung iniwan mo ako siya ang nandyan para sakin. Hindi ko naman kasalanan na magkagusto sa kanya eh kasi puso ko na mismo nagsasabi na hindi na ikaw. Una sa lahat ikaw yung nagbigay ng number ko sa kanya at hindi na namin kasalanan na magka gusto sa isa't-isa. At pangalawa hindi ako laruan na pwede mong balikan kung kailan mo gusto." Pagkatapos kung sabihin yun tumalikod na ako. Pagtalikod ko nandyan pala si Rj at mukhang shock. Hindi ko na pinansin yun at hinila ko na siya palabas.

"Boss totoo ba yung narinig ko kanina?" Tanong niya.

"HIndi." Nung masabi ko yun, na sad yung face niya.

"Totoo yun ano ka ba!" Tapos hinug niya ako.

"Thank you for giving me a chance. I love you!"

End

******************************************

Hindi po talaga ganyan yung ending ng story niya. Sa ngayon po, si Rj ay nagpapakita na ng pagmamahal kay Rea, kaso si Rea mahal pa rin niya si Seth.

Please vote, comment, and become a fan po readers! Tnx!

Cellphone NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon