Chapter 3

6 0 0
                                    

Sobrang lamig... 

Wala akong masilungan. 

Wala akong malapitan. 

Sobrang lakas ng ulan.

Panalangin ko na, sana kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan, kasabay nitong iaagos lahat ng paghihirap ko. Sobrang sakit na mga paa ko sa pagtakbo mula pa noong nakaraang araw. Patakbong tumakas mula sa lugar na 'yon. Mula sa bangungungot ko. Pero mahirap din pa lang mag-isa. Dun sa lugar na 'yon sabay-sabay kaming sinasaktan, pinaparusahan kapag walang naidalang pera galing sa paglilimos sa buong araw. Pero ngayon, mag-isa akong binubugbog ng mga mapanlait, mapanghusga at malamig na mga tao na dumadaan sa harap ko. Para akong maduming daga, pinangdidirian na ipis, asong ulol o pusang gala na itinataboy.

"Parang awa niyo na po, hindi pa po ako kumakain"

sobrang hina na ng boses ko dahil sa sobrang lamig na iniinda ng buong katawan ko.

"Pwede ba! Huwag mo nga akong mahawak-hawakan! Ang dumi-dumi mo! Nakakadidiri ka!"

sabay hampas ng payong sa mga kamay ko.

Walang pakialam ang ibang tao na nakakita ng ginawa ng babae sakin. Binulag nila ang sarili nila. Naglakad ako palayo. Kasabay ng pag-agos ng ulan sa magkabilang pisngi ko, ganoon din naman ang pag-agos ng luha ko. Sana hindi na magtagal ang paghihirap ko.

Umupo ako sa gilid ng dinaraanan ng mga tao. Yakap-yakap ko ang mga tuhod ko para maibsan ang panginginig ng buong katawan at sikmura. Nararamdaman ko ang pagpatak ng ulan sa buong katawan ko...

"eto oh"

narinig ko ang boses na gumising sa diwa kong gusto nang sumuko. Hindi ko magawang maitaas ang ulo ko dahil sa sobrang lamig. Nangangatog ang buong katawan ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at inabot ang isang payong. Pinilit kong itaas ang ulo ko para makita ang mukha niya. Sa pag-angat nito, nakita ko siyang nakagiti. Ang unang beses na nakita ako, ang unang ngiti para sakin. Hindi niya binibitawan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko. Bakit sa sobrang lamig ay, nakaramdam ako ng init mula sa mga kamay niya? Dahil dito, hinigpitan ko ang pagkaka-kapit sa kanyang kamay.

"halika..."

hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi. 'Ni hindi ko na rin alam ang mga sumunod na pangyayari dahil tinanggap na ng aking buong katawan ang lamig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She.Me.Her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon