SEQUEL OF "HAHAHAHAHAHA. OO. :|" (Click the external link at the side.)
-------------------
Gerald's POV
“Huy! Tulala ka dyan? Iniisip mo ko ‘no? HAHAHA.” Ayan nanaman ako, inaasar siya. Hanggang pang-aasar nalang ba talaga ako?
HAHAHAHAHAHA. Sana. :| Sana nga iniisip mo ako, kagay ng lagi kong ginagawa. Ang isipin ka.
“Utut mo! Pwe. Wag kang assuming, Gerald!” Ganyan naman lagi eh. Aasarin ko siya at maaasar naman siya.
~
“Huy, Hanako! Pakopya naman ng assignment, mahal mo naman ako eh. Sige na.”
HAHAHAHAHAHA. Sana. :| Sana nga mahal mo din ako. Hindi ko lang talaga masabi sa’yo dahil ayokong masira kung ano mang meron tayo.
“Psh! Hindi kita mahal. Ang panget mo kaya! Oh ito yung notebook ko, hanapin mo nalang yung sagot dyan.” Ganyan naman lagi eh.
~
“Huy, Hana! Laro tayong basketball. Sige na. Kailangan ko ng magbinat ng buto eh. Sige na, alam ko namang hindi mo ako matitiis eh.”
HAHAHAHAHAHA. Sana. :| Sana nga hindi mo ko kayang tiisin dahil mahal mo ko, hindi yung hindi mo ko kayang tiisin dahil bestfriend kita.
“Magyayaya ka lang ng basketball, kung ano ano pa sinabi mo. HAHA. Tara na nga.” Buti nalang lagi siyang pumapayag kapag inaaya ko siya. Lagi ko tuloy siyang nakakasama.
~
“Huy Hanako! Pa-text nga! Sige na. Piso lang naman mababawas sa load mo. Sige na, mabait ka naman eh.”
HAHAHAHAHAHA. Sana. :|Sana nga mabait ka sakin kasi mahal mo ko.
“Sows! Sige magtext ka na. Ito cellphone ko. Isang text lang ah!” Lagi naman akong ganyan. Kung ano ano ang hinihingi sa kanya para makausap ko lang siya.
~
“Huy, Hanako! May bago akong crush! Ang ganda niya super!”
“…”
“Oh bakit di ka nagsasalita Hana? Selos ka noh? HAHAHAHA.”
HAHAHAHAHAHA. Sana. :|Sana nga nagseselos ka.
“Na-speechless lang ako dahil may bago ka nanamang biktima! HAHAHA.” Lagi namang ganyan eh. Pagseselosin ko siya, pero wala lang sa kanya.
~
“Huy Hana! Ilakad mo nga ako dun kay Ysa. Sige na, para sumaya ako. Gusto mo namang sumaya ako diba?”
HAHAHAHAHAHA. Sana. :| Sana nga sumaya ko. Pero kay Hana lang talaga ako sasaya. Kay Hana lang, at hindi sa iba.
“Sure. Yun lang ba? Madali lang yan! Chicken na chicken!!” Lagi namang ganyan eh. Ilalakad niya ako sa babaeng sasabihin ko sa kanyang gusto ko. Buti nalang in the end, nirereject din nila ako.
~
“Hanakooo!! Ang saya saya ko! Kami na ni Ysa! Thank you best friend! The best ka talaga! Masaya ka naman para samin diba?”
HAHAHAHAHAHA. Sana. :| Sana nga maging masaya ako kahit na si Hana talaga ang gusto kong maging girlfriend.
“OO NAMAN NOH! AKO PA! BEST FRIEND MO KAYA AKO! Syempre kapag masaya ka, masaya din ako. Kaya nga best friend diba? Apir nga diyan, Gerald! Sana magtagal kayo.”
OUCH! ‘BEST FRIEND’. Hanggang best friend na nga lang yata ako.
Lagi namang ganyan eh. Magpapa-pansin ako, pero hindi niya ako papansinin.
Lagi namang ganyan eh. Best friend lang talaga ang turing niya sakin.
Lagi namang ganyan eh. Hindi nya napapansin yung the moves ko.
Lagi namang ganyan eh. Lagi akong nagtitiis. Lalo na sa pagtatago ng damdamin ko.
Siya, nagseselos? HAHAHAHAHAHA. Sana. :|
Siya? Mahal ako? HAHAHAHAHAHA. Sana. :|
Kaso, mukang hindi yun mangyayari kahit kailan. Kahit kailan, hindi niya ako mamahalin.
- FIN.
----------------
Click the external link for the part 3 of this story. ;) Thanks for reading. :"">