May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo, tulad ng kung ga'no mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lang kung ga'no mo siya ka'mahal pag wala na siya sayo. Umaasa ka na lang na.. sa paglipas ng panahon' maibabablik mo kung ano ang nawala sa'yo. At kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay. Pero bakit hindi binabago ng panahon ang PUSO mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat pilit mong binabalikan ang simula. At lagi mong tinatanong' pano kaya kung mas minahal mo siya? Pano kaya kung hindi mo na lang siya minahal? Pano kaya kung hindi na lang kayo nagkakiLaLa? "Para mabura na lang siya sa alaala mo".. Pano kaya kung noong nagkatagpo kayo ay ibang tao ka,ibang tao rin siya.. sa ibang pagkakataon.. sa ibang lugar.. sa ibang panahon..Maiiba din kaya ang tadhana niyo? Kamay mo naba ang hawak niya? Pangalan mo na ba ang bukang bibig niya.. Ikaw na ba ang nasa tabi niya? Ikaw na ba ang kayakap niya? Ikaw na ba ang dahilan ng mga pag ngiti niya, o ikaw parin ang dahilan kung bakit mas pinili niyang mag mahal ng iba..?