Ilang araw na akong inaatake ng bwisit na migraine at sinusitis ko kaya nagdesisyon ako na pumunta sa hospital para mag pa tingin sa doctor, hindi naman ako mayaman o may kaya para pumunta sa isang private hospital o clinic, kaya dun nalang ako pupunta sa public hospital na malapit sa amen, (nga pala tiga probinsya ako dito sa Luzon, kung saang probinsya di ko na babanggitin para di nyo na malaman saang hospital ako ng galing, baka kasi mag ka issue, e patay ako diyan haha) gabi plang sinabi ko na sa nanay ko na gusto kong mag pa check-up dahil sa migraine at sinusitis ko na ilang araw na kng pinapahirapan, at syempre dahil mahal ako ng nanay ko, sabi nya na sa susunod na araw nalang kame magpatingin dahil siya ay busy sa kanyang mga labada, kayat sa sumunod na araw na kami nag punta.
Ngunit bago pala yun kailangan pa pala ng number bago ka makapag pa check-up at bilang isang beterano sa pagpapacheckup sa public hospital nag pakuha na pala ng number ang nanay ko kaninang madaling araw plang. 3:00 am.
Wow 3:00 am? Napaka aga naman nun. (thanks nga pala sa pinsan ko na kumuha ng number para sakin) Kaya bago palang pumunta sa hospital my number na ako. No.6 Kita mo ah, 3:00 am plang kumuha na e no.6 pa ako. Naisip ko tuloy pano kaya yung no. 1. Anung oras kaya sya kumuha? 12:00 am? 11? 10? Grabe naman. E pano pa kung mga tiga malayong lugar yung kukuha? Kung tatanghaliin sila ng dating baka no. 1,999 na sila. (haha joke exag lang) Ang alam ko di naman aabot sa 100 o 80 ang pinamimigay nila o kaya baka 50 lang. Ay basta! No. 6 ako! Tapos! Hahaha peace.
Pumasok na kami ng nanay ko sa hospital, una mong makikita malawak na parking lot na merong dalawang ambulansya na nakaparada saka ilang magagarang kotse na marahil pag aari ng mga doctor o empleyado ng hospital. Yun lang nag nakaparada sa napakalawak na paradahan na tantya ko ay tatlong basketballcourt ang sukat. Ayos diba? Syempre medyo sosyal tayo. Sabi nga nila e CLASS sa tricycle kame sumakay na ang hirap sakyan dahil sobrang baba ng sidecar na kung tawagin nila ay LOWARD, yun ang kasya e mga dwarfs ni snow white tapos pag umupo ka halos naka Indian sit ka na, yung ulo mo nakasayad na sa bubong, (ganda ganda pa naman ng ayos ko sa buhok ko magugulo lang, sayang ang wax 5.00 din yun.. hahaha)
Pinapasok na namen yung tricycle sa parking lot para doon bumaba pero di pa man hinarang na kame ng gwardya na kala mo bang si MASTER POGI ng DRAGONBALL Z ang dating, kulot na mahaba ang buhok, balbas sarado, eksaktong nakapamewang pa sya, kulang nalang championship belt at kapa para mag mukang MASTER POGI na talaga siya haha,
GUARD: sandali lang po (tono ng boses ni MASTER POGI.. haha imaginine mo nalang para cool diba? Haha)
AKO: Bakit po?
GUARD: BAWAL ANG SASAKYAN SA LOOB! (tono pa rin ni master pogi haha)
AKO: HUWAAAAAAAAT!!!!!!!!!!!!!!! THE FAT!!!!! BAKIT BAWAL? DI NA BA PWEDE MGA ARTISTA DITO???? DI MO BA AKO KILALA?!!!!!!! (syempre sa isip ko lang sinabi yan haha) Ah... okay po! (bilang isang magalang na mamamayan ng pilipinas haha)
Naisip ko bigla.
Pano kung emergency?
Pano pag 50/50 na yung pasyente?
Pano kung nag aagaw buhay na yung tao? Kailangan pa ba nyang huminto at bumaba sa gate at maglakad para maka pasok sa emergency room????? Siguro kung may nasaksak malamang ubos na yung dugo nya maglakad plang simula gate hanggang emergency room...
Pero siguro ganito talaga dito. Kaya bumaba na kami ng nanay ko at nag simula na kaming maglakad.
infairness ah!! Maganda at malinis tignan sa labas yung hospital (ewan ko lang sa loob) pag pasok unang bubungad sayo yung malaking sign ng EMERGENCY ROOM. (kung saan ayokong masugod! Haha.. marame rameng beses na rin akong napasok sa EMERGENCY ROOM pero hindi ako ang pasyente ah. Kadalasan mga tropa ko. (kundi lasing na paaway haha). Wala naman akong problema tungkol sa mga E.R. e. Sa totoo nga maganda sa E.R. kasi doon maraming chicks na nurse haha para bang gusto mong mag kasakit pag nakakita ka ng magandang nurse, yung tipong sila mag aalaga at mag aasikaso sayo, ang nakakatakot lang naman sa e.r para sakin yung biglang papasok na naaksidente, (EXCUSE ME SA KUMAKAEN SPG) nabaril, nabato, napukpok ng bote sa ulo, nasagasaan, nagsemplang, nalaglag sa building, nadapa, natalisod, nalaglag sa kanal, nahiwa ng kutsilyo, nalaglagan ng butiki sa ulo, nabugbog, ahhhhh basta lahat ng NA!!! na ANO!!! Hahaha. Tulad ko NA aabnoy na naman. Kaya balik na tayo sa istorya.)