Si Ken ay isa sa mga lalaking pinapangarap ng lahat ng kababaihan
Dahil sa kanyang kagwapuhan..katalinuhan..at ang lahat ay nasa kanya na at ang higit sa lahat ay siya ay sobrang yaman
Pero pagdating sa love?
Lagi siyang nabibigo..dahil ang lahat ng nagiging girlfriend niya ay pera lamang ang habol sa kanya
Dahil si Ken ay hindi yung uri ng isang boyfriend na sweet..malambing..at mabulaklak ang bibig
Dahil siya ay seryoso sa lahat ng bagay at tanging business lamang ang pinag-kakaabalahan niya
At dahil sa pagiging business addicted niya..kaya siya iniiwanan ng nagiging girlfriend niya dahil mukhang hindi naman daw siya seryoso pagdating sa relasyon?
Nagbago ang lahat ng dumating si Kendra sa kanyang buhay
Si Kendra ay isang simpleng babaeng nag-apply as secretary sa kompanya nila Ken.
Dahil sa utos na rin ng parents niya na doon siya mag apply sa kompanya nila Ken
Si Kendra ay ang babaeng walang arte sa katawan
At siya rin ay walang hilig sa make-up..lipstick..at kahit anung uri ng beauty cosmetic ay di niya ginagamit
Dahil ang motto niya sa kanyang sarili ay "Simplicity is Beauty"
Dahil sa itsurang pinapakita ni Kendra..nagmumuka siyang mahirap sa paningin ng iba
Pero sa mga mata ni Ken ay napakaganda niya
Natanggap sa trabaho si Kendra as secretary ni Ken
Sa una ay nahihirapan siya..pero di nagtagal nasanay na rin siya sa mga ginagawa ng isang secretary
At dahil secretary nga siya ni Ken naging magkaibigan sila sa isa't-isa.
Akala nga ng lahat sa opisina ng kanilang pinapasukan..girlfriend na ni Ken si Kendra
Pero akala lang naman..dahil walang namamagitan sa kanilang dalawa
Hanggang sa maging close nga sila sa isa't-isa
At ang laki ng ipinagbago ni Ken ng makilala nga niya si Kendra
Naging sweet..malambing at mabulaklak ang kanyang pananalita sa kanyang pamilya lalong-lalo na kay Kendra
Nahuhulog na si Ken kay Kendra..pero nagiging torpe siya kapag kaharap niya ito.
At nahuhulog na rin si Kendra kay Ken kaya nahihiya na rin siya rito.
Hanggang sa magpasyang manligaw ni Ken kay Kendra
Sa una, nahihiya pa si ken..pero ng nagtagal ang kanyang panliligaw.. di na siya nahihiya kay Kendra
Dinadala niya si Kendra kahit saang lugar na maganda at safe.. at kung sila ay mag da-date
Pero walang angal o reklamo ang naririnig niya mula kay Kendra
At sa wakas sinagot na ni Kendra si Ken..dahil tatlong taon at kalahati nang nanliligaw sa kanya itong si Ken
Ng gabing sinagot ni Kendra si Ken ay may nangyari sa kanila
Dahil sa pangyayaring iyon eh nawala na ang virginity ni Kendra..dahil si Ken na ang nakakuha nito
Ng may nangyari sa kanila..mas lalong lumalim ang pagmamahalan nila sa isa't-isa
At isang araw..umiiyak si Kendra kaya tinanong ni ken kung ano ang problema niya..sinabi ni Kendra na buntis siya at siya ang Ama ng dinadala niyang bata
At ng marinig ni Ken ang sinabi ni Kendra..natuwa siya at pinag-sigawan sa lahat ng naroroon sa kanilang opisina na buntis si Kendra at magiging ama na siya
Panay congrats ang naririnig nila Ken at Kendra sa kanilang ka workmates at sa tauhan na rin ni Ken
At di pa alam ni Ken kung saan ang bahay ni Kendra..dahil ayaw ipakita nito dahil nahihiya siyang ipaalam kay ken
Dahil nabuntis nga si Kendra wala siyang choice kundi ipakita na ang kanilang bahay
Malayo-layo ang biyahe ng makarating sila sa bahay nila Kendra
Tinanong ni Ken kung saan ang bahay nila Kendra.
Dahil isang barong-barong na bahay ang nasa harapan nila
Nabigla siya ng sabihin ni Kendra na ang nasa harapan nilang bahay ay sa kanila
Naawa siya sa kalagayan ni kendra pero di pinakita ni ken ang kanyang awa sa harapan ni kendra bagkus lalo niya pa itong minahal
Ng makalabas na sila ng kotse..ay may isang matandang babae ang lumapit sa kanila at niyakap ito ni Kendra
Ito pala ang Ina ni kendra.. nahihiyang lumapit dito si ken at nag bless bilang paggalang