NOLI ME TANGERE: KABANATA 2

1.4K 7 0
                                    

Filipino 9 - Group 4 (02/11/16)

DISCLAIMER. This novel was originally written by Dr. Jose Rizal, one of the National Filipino Heroes. Our group simply write it as a script for our role play for our Filipino subject. We did not mean any harm. This chapter contains not the whole version but the shortened one created by yours truly, it only contains what I think is important. Thank you for your consideration!

NOLI ME TANGERE: KABANATA ii: CHRISOSTOMO IBARRA [SCRIPT] [FILIPINO]

RAA - Narrator

CG - Crisostomo Ibarra

AR - Kapitan Tiago, Extra #1

* KE- Kapitan Tinong

ADL - Padre Damaso

- ES - Extra #2, Tenyente Guevarra

JCS - ABSENT

ES, ADL, KE, RAA - Mga kababaihan

AR, JCS - Mga Kalalakihan

Members: Kami ay magtatanghal sa harap ninyo upang ipakita ang buod ng mga mahahalagang nangyari sa kabanata dalawa ng nobelang Noli Me Tangere.

1. Sabihin ang buong pangalan

2. Sabihin kung sino ang karakter na gagampanan

"Ang pangalan ko ay RAA, ako ay gaganap bilang ang taga-basa ng mga pangyayari o ang narrator at isa sa mga kababaihan"



Narattor: Sa hapagkainan ay makikita ang mga panauhin na nagsasaya ngunit sila ay natigilan ng dumating si Kapitan Tiago na may kasamang binata.

Kapitan Tiago: Magandang gabi, mga kaibigan! Ikinagakalak kong ipakilala sa inyong lahat si Don Crisostomo Ibarra, ang anak ng aking siniraang kaibigan!

Narrator: Umaligawngaw ang pagtataka ng lahat ng marinig nila ang pangalan ng binata. Si Padre Damaso naman ay napatigalgal ng makita ang binatang pamilyar sa kaniya.

Kapitan Tiago: Bagong galing lang ang ginoong ito galing mula sa Europa at siya ay aking sinalubong.

Crisostomo Ibarra: Aba! Si Padre Damaso, ang kura ng aking bayan at matalik na kaibigan ng aking ama.

Narrator: Nagtinginan ang lahat kay Padre Damaso. Si Ibarra ay nakahanda ang kamay para sa pakikipagkamayan ngunit tinignan lang ito ni Padre Damaso kung kaya't unti-unti niya itong ibinaba na para bang nahihiya.

Crisostomo Ibarra: Ipagpatawad ninyo mukhang ako'y nagkamali

Padre Damaso: Hindi ka nagkakamali ngunit kahit kailan ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.

Narrator: Pagkatapos niyon ay tumalikod na si Padre Damaso at siya namang kinuhang pagkakataon ni Tenyente Guevarra para makipagkilalan sa binata.

- Tenyente Guevarra: Bagongtao(bisita), Kayo po ba ang anak ni Don Rafael Ibarra?

Narrator: Yumukod si Ibarra at napatayo naman ng diretso muka sa kaniyang kinaroroonan si Padre Damaso.

- Tenyente Guevarra: Mabuti po ay nakapunta kayo sa inyong lupain. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Panginoon.

Narrator: Naginginig na sabi ng Tenyente.

- Tenyente Guevarra: Siya ay aking nakilala at nakausap. Siya ay masasabi kong mas karapatdat at isang mabuting tao kaysa sa Filipinas!

Crisostomo Ibarra: Ginoo, ang inyong pag-puri sa aking ama ay bumabawi sa aking kalungkutan tungkol sa kaniyang pagpanaw na ako, ang kaniyang anak, ay hindi ito makalimutan.

Narrator: Hindi na nakayanan ni Tenyente Guevarra at napuno ng luha ang kaniyang mga mata, tumalikod siya at dali-daling umalis. Naiwan si Ibarra na walang kasama. Bagama't alam niyang ipinagbabawal ang paglapit sa mga kababaihan ay hindi niya napigilan. Lumapit siya sa mga ito at nagpakilala.

Crisostomo Ibarra: Magandang Gabi, mga binibini. Ako'y nagagalak na kayo ay makikala, ako ay nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.

Narrator: Walang nangahas sumagot sa binata kung kaya't napilitan siyang umalis at pumunta naman kung nasaan ang mga kalalakihan at nagpaliwanag sa kaniyang ginawa.

Crisostomo Ibarra: Ipagpaumanhin ninyo, ako ay humihingi ng pasensiya hindi ko intesiyong dalhin dito ang kaugalian ng mga taga-ibang bansa. Wala akong masamang balak, masyado lang akong nasanay sa mga gawain ng mga taga-Alemanya. Ang kaugalian doon ay ang pagpapakilala sa isa't isa, mapa-babae man o lalaki. Muli ay gusto kong ipakilala na ang pangalan ko ay Juan Crisostomo Ibarra.

Narrator: Humanga ang mga ito sa kaniya kung kaya't nakipagkilala isa-isa ang iba pang mga panauhin. Nakipagkamay siya sa mga ito na kahit naiilang dahil sa kakaibang kaugalian ay nakipagkamayan rin.

Extra #1: Ako po ay nagngangalang Angelo Reyes y Ramos, isa lamang na mapagkumbabang magsasaka.

- Extra #2: Ako naman ay nagngangalang Ellaine Sebastian y Dionisio.

Narrator: Pagkaraan ng ilang oras ng pakikipag-usap ay lumayo na siya sa pulutong na iyon na siya namang pagkakataong kinuha ni Kapitan Tinong para makipagusap sa binata.

* Kapitan Tinong: Ginoong Ibarra, hinahangad ko pong makilala kayo; matalik na kaibigan ko si Kapitan Tiago at nakilala ang ginoo ninyong ama. Ako ko po ay si Kapitan Tinong, nanahanan sa Tundong kinalalagayan ng inyong tirahan. Inaasahan kong pauunlakan niyo ako ng inyong pagdalaw. Doon na po kayo kumain bukas.

Narrator: Bihag na bihag ang binata sa kagandahang loob ng kapitan. Nalulungkot siya sapagkat kailangan niyang tanggihan ang alok nito.

Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong alok ngunit kailangan kong tumanggi. Gusto ko mang tangggapin ang alok ninyo ngunit pupunta ako sa San Diego bukas.

* Kapitan Tinong: Sayang! Kung gayon ay saka na, kung kailan kayo babalik.

Narrator: Pagkatapos na pagkatapos niyon ay may nagbigay alam sa kanila na ang pagkain ay nakahanda na.


Score: 20/25 points!! 😂😂😂 😭😭😭 🙏🙏🙏

WAKAS. Brought to you by: RAA xD 😂😂😂

Thank you sa malakas na boses at pagpoportray mga ka-grupo!! 

WORKS OF A STUDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon