DIGMAANG PELOPONNESIAN

911 5 0
                                    

DICLAIMER. Whoever wrote down the historic facts is a big great help for our group tableau to work out! I thank the source I was able to get the information and be able to get the facts right.

Lahat: Kami ay ang pulutong pang lima na magtatanghal ng mga ideya sa kung ano ba ang mga nangyari noong naganap ang Digmaang Peloponnesian maraming taon na ang nakakalipas.

Ang Digmaang Peloponnesian(02/12/16) [SCRIPT][FILIPINO]

(RAA) Narrator: Nang dahil sa pagsikat ng Athens, pinakialaman na nito ang mga interes ng Sparta. Ito ang dahilan ng kanilang hidwaan at nagbunsod sa Digmaang Peloponnesian.

(Papasok ang tatlong tao at pupunta sa harapan. Tatayo sila sa harap ng tatlong segundo at pagkatapos ay gagawin ito: Si J ay may makikitang buhat-buhat na bag at makikita sila A at R na para bang aagawin kay J ang bag) nakafreeze dapat ito, iwasan ang masyadong paggalaw ng katawan o kaya ang tinatawag na unnecessary movements.

Narrator: Ang panggigipit ng Athens sa kalakalan ng mga polis ng Corinth at Megara na kaalyado ng Sparta and naging hudyat ng digmaan bilang lungsod-estado ng Corinth, ang pinakamahigpit na kalaban ng Athena sa larangan ng kalakalan.

(Aalis ang tatlo at papalit naman ang mga gaganap bilang Sparta. Si Sparta ay makikitang nakataas ang kamay na para bang magsisibat at naghahamon ng away)

Narrator: Nagedeklara ng digmaan ang Sparta noong 431 BCE at sinalakay nito ang Athens. Ang mga spartans ay kilala sa labanan sa lupa kung kaya't nabigyan ang mga Athens ng kalayaang maglayag para makakuha ng mga pagkain mula sa mga kaalyadong bansa.

(Aalis si Sparta at papasok si Pericles kasama ang tatlong taga-Athens, uupo sila na parang pa U pero nakaharap sa mga tao, makikita si Percles na nakaturo sa kanilang harapang sahig at ang mga taga-athens naman ay nakalagay sa baba ang kamay na para bang pinag-iisipan ang isang bagay)

Narrator: Ipinatupad ni Pericles ang estratehiya na iisasan ng hukobong Athens ang direktang pakikipaglaban sa mga Spartans at sa halip ay sasalakayin nito ang mga kaalyado ng mga Spartan mula sa karagatan.

(Tatayo ang mga ito at ipoportray na para bang nang hihina ngunit ang gaganap na si Pericles ay nakatumba sa sahig o kaya ay nakahiga)

Narrator: Mahusay sana ang plano ngunit bago pa maisakatuparan ito ay may naganap na epidemiya sa mga Athenian na ikinamatay ng maraming tao, kabilang na si Pericles na dahilan para mawalan sila ng mahusay na lider.

(Maiiwang nakahiga o kaya ay nakadapa si Pericles. Ang dalawang taga-Athens ay tatayo at parang hinang-hinang nakikipaglaban sa mga Spartan(papasok ang mga natitira)

Narrator: Noong 413 BCE ay tinangka nilang sakupin ang Syracuse sa timog Italya ngunit sila ay natalo.

(Luluhod ang lahat ng mga Athens at itataas ang mga kamay na pra bang susuko na habang ang iba naman ay nakapalibot sa kanilang likod. Nakaharap silang lahat sa mga nanunuod)

Narrator: Matapos ang digmaan ay nawala na ang kapangyarihan ng Athens. Hindi na natugunan ng mga pinuno nito ang pangangailangan ng mga mama ayan kaya tuluyan ng humina ang kanilang pamahalaang demokratiko.

Brought to you by RAA ("Piattos pa more!!")

WORKS OF A STUDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon