Tagapagsalaysay: Madilim, masukal, tahimik at mapanganib. Ito ang mga
katangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin magsisimula ang kwento ng matamis na pag-iibigan nila Florante at Laura.Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante.
Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang kaharian kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.
Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,
nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!
Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.Tagapagsalaysay: Sandaling nanahimik si Florante dahil sa sama ng loob
(umiyak sandali) matapos manahimik ay muli siyang tumawag sa Panginoon.Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mga
panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong tulungan!
Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.
Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!
Tagapagsalaysay: Habang nagdudusa si Florante sa gubat, isang Gererong
Morong nagngangalang Aladin ang dumating sa gubat na pagod na pagod at naghahanap ng pagpapahingahan.Aladin: O, Flerida...... O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko!
Tagapagsalaysay: Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinig
siyang tinig sa kagubatan at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis na
tao. Sino kaya siya?Florante: Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan sa kamay nang taksil
na si Adolfo. Si Adolfong malupit at higit pa sa halimaw kung manakit.Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y
pinahirapan at pinagtaksilan.Tagapagsalaysay: Pagkatapos na marinig ni Aladin si Florante ay nagmuni siya
ng isang malaking problema.Aladin: Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap lutasin dahil sa aking
sintang inagaw.Tagapagsalaysay: Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina ang
boses na kanyang narinig...Aladin: Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na maabutan ang taong
iyon...Tagapagsalaysay: Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang mga sagabal sa
pamamagitan ng kanyang kalis. Nang Makita niya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong dalawang leon. Siya ay naghanda at nilusob ang mga leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay pinakawalan niya si Florante.Aladin: Parang nakita ko na ang taong ito?
Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at......
Florante: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito...
Tagapagsalaysay: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante...